CHAPTER FORTY FOUR

100 7 3
                                    

Heide's POV


"P-Pasensiya na. Pasensiya na talaga. H-Hindi ko sila  naprotektahan. I'm really sorry, Heide." Patuloy na paghingi nito ng kapatawaran.

"A-Anong nangyari, Red? B-Bakit sila g-ganiyan? B-Bakit hindi na sila gumagalaw?" Tanong ko habang nanatili lang na nakatayo at nakatingin sa mga bata.

"I'm really sorry. Patawarin mo'ko... I'm sorry. I'm sorry. I'm really sorry--"

"That's not what I want to hear rightnow, Red!" Sigaw ko at dinakma ang damit nito. "Anong nangyari? Anong ginawa mo? Bakit sila nagkaganiyan? Sabihin mo!" Naiinis na sigaw ko habang patuloy sa pagluha.

Agad naman akong hinawawakan ni Ban at CD ay inilayo mula kay Red na ngayon ay iling ng iling habang humahagulhol.

"Huminahon ka, Heide--"

"Paano ako hihinahon matapos makita ang lagay ni Klara at Ion, Green?! Patay na sila! Patay na!" Galit na galit na sigaw ko habang nakaturo sa dalawang bata na nakahiga sa lupa. "Paano...?" Nanghihinang napaluhod na lamang ako sa lupa at napahagulhol habang hawak-hawak ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay naninikip ang puso ko at nahihirapan akong huminga. Pakiramdam ko ay tuluyan akong nalumpo dahil nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Tuluyan ko ng naramdaman ang lamig ng basa kung katawan.

I'm cold. I'm hurt.

I'm in pain again.

"I'm really sorry, Heide." Paghingi na naman ng patawad ni Red na kagaya ko ay nakaluhod na rin ngayon sa lupa at patuloy sa paghagulhol. She's in pain like me. No, she's suffering more rightnow. Her cries are begging and full of sadness.

Huminga ako ng malalim at maingat iyong pinakawalan. Tumayo ako at dumeritso sa kung saan ang mga bata. "Tell me what exactly happened while we're away, Red. Please tell me." I begged while staring at the two lying cold body infront of me.

"U-Umalis ako at sumama sa mga taong lumabas at i-iniwan ang mga bata rito sa building. P-Pero nang makabalik kami ay," Nakagat nito ang labi at napahagulhol na naman ulit. "N-Naabotan naming patay na ang lahat ng taong iniwan namin." Dagdag nito dahilan para matigilan ako.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko rito dahil bigla akong naguluhan sa sinabi niya. "May nakapasok bang--"

"Hindi 'yon." Biglang may nagsalita mula sa likuran kaya nilingon ko ito at nakita si Gregory na papalapit na sa amin. "Pagdating namin dito ay patay na ang lahat ng tao at maski isa sa kanila ay walang marka ng kagat. Walang maski isang halimaw sa loob ng building."

"So sinasabi mo ba na pinatay sila?" Kumuyom ang mga palad ko at ibinalik ang paningin sa mga bata.

"Oo. May pumatay sa kanila. May ibang nakaligtas mula sa pagpatay at nakalabas ng building pero dahil nawala ang araw ay nagsilabasan din ang mga halimaw kaya---kaya hindi rin sila nakaligtas. Nakita na lang namin sa likuran ng building sa hindi kalayuan ang dalawang bata at naging halimaw na sila. Ayaw na ni Red na maabotan niyo pa ang mga bata na nasa gano'ng sitwasyon kaya napagdesiyonan niya ng barilin na lang sila." Pagpapaliwanag nito sa nangyari.

"I'm really sorry, Heide. Patawarin mo ako dahil ko sila naprotektahan. Patawarin mo ako. Patawad." Patuloy sa paghingi ng patawad si Red.

Bumukas ang bibig ko para sana magsalita pero nakagat ko rin iyon dahil ramdam kung nanginginig ito. Napaluhod na lamang ako sa harapan at mahigpit na niyakap ang katawan ng dalawang bata.

Kagaya ng kalangitan ay nagpatuloy rin ako sa pag-iyak. Sinabayan ko ang paghagulhol ng panahon. Iniyak ko lahat ng sakit sa puso ko ng matagal na panahon bago napagdesiyonan na kumilos ulit. Kahit umuulan ay napagdesiyonan ko na bigyan pa rin ng maayos na libing ang dalawang bata. Nanatili pa akong nakatitig sa libingan nila ng ilang sandali bago napagdesiyonan na pumasok na sa loob.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now