CHAPTER THIRTY THREE

132 10 5
                                    

Green's POV






Andito pa rin kami sa store na napasukan namin. Nakasarado na ang pinto at may mga inilagay na rin kaming harang para hindi makapasok ang mga halimaw.

Tanghali na ngayon at kumakain ulit kami ng tig-iisang pirasong biskwit. Maliban sa isang tao. Hindi kumain si Heide at mas piniling ibigay ang biskwit niya sa mga bata.

Bumuntong-hininga naman ako at tumayo at ibinigay sa kaniya ang kapiraso ng  biskwit ko. "Kailangan mo rin na kumain."

Ngumiti naman ito at umiling. "Sanay na akong kumain ng isang beses sa isang araw. Naranasan ko ng hindi kumain ng tatlong araw at kaya pang pumatay. Ito pa kayang nakakain na ako." Saad nito at tumayo. "Masaya na akong makita kayong busog."

"Heide..."

"Ayos lang ako."

"Huwag mo siyang pilitin kung ayaw niya." Saad ni Ban na papalapit na ngayon kay Heide at tumigil ito nang nasa harapan na ng babae.

"Ano na naman ang---"

Hindi na natuloy ni Heide ang sasabihin ng bigla na lang isalpak ni Ban ang biskwit sa bibig niya.

"Ipakain mo sa kaniya ng sapilitan." Dagdag ni Ban at tinalikuran na si Heide na sinamaan naman siya ng tingin. "Kailangan mong maging malakas dahil kailangan namin ng lakas mo."

"Malakas ako kahit hindi ako kumain. Kaya pa nga kitang patayin ngayon kung gugustuhin ko, eh." Saad ni Heide dahilan para agad ko naman silang awatin.

"Mag-aaway na naman ba kayo? Ano bang nangyayari at parang mainit ang dugo niyo sa isa't-isa nitong mga nakaraang araw? May nangyayari ba na hindi namin alam?" Sunod-sunod na tanong ko habang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

"Ayan kasi, eh!" Biglang sumigaw si Ban habang nakaturo kay Heide. Sobrang sama ng tingin nito sa babae. "Pinagbibintingan ako ng babaeng 'yan na taksil! Baka sa totoo ay siya talaga itong taksil at itinuturo lang sa iba."

"Hindi nga ba ikaw ang hudas sa grupo? Eh, mula umpisa ay nakakaduda na ang presensya mo. Parang hindi talaga puwedeng pagkatiwalaan." Saad naman ni Heide habang dinuduro ang lalaki.

"Nanggaling pa talaga 'yan sa taong nakapatay ng tao nang nasa labas pa siya. Malay ba namin kung ikaw yung traidor na balak kaming patayin? Hindi 'yon impossible dahil mamamatay tao ka!" Galit na sigaw ni Ban at agad naman siyang tinutukan ng baril ni Heide.

"Hindi ako yung taksil pero puwede kitang patayin dito ngayon kung gugustuhin ko." Walang kasing seryuso ang boses ni Heide dahilan para agad ko naman siyang hinawakan para pigilan. Si Red naman ay inawat din si Ban.

"Tumigil na nga kayong dalawa." Suway ko sa kanila. "Magkakasama tayo rito--"

"Anong silbi nun kung wala naman palang tiwala yung iba." Putol ni Ban sa sasabihin ko habang ang paningin ay na kay Heide.

"Nagtitiwala ako sa mapagkakatiwalaan pero hindi sa iba na hindi katiwa-tiwala." Bawi naman ni Heide na ayaw rin magpatalo.

"Pinaparinggan mo ba sarili mo?" Sarkastikong tanong ni Ban at peke pang tumawa.

"Sinabi ng tumigil na kayo, eh!" Biglang sigaw ni Red dahilan para matahimik ang dalawa. "Ano ba?! Hindi ba talaga kayo titigil?" Naiinis na tanong ni Red at sinamaan ng tingin ang dalawa.

"Mabuti pa kung tumigil na kayo." Saad bigla ni CD na halatang nagmamadali. "Kailangan na nating umalis. May mga halimaw na nakapasok."

"Ano? Saan?" Tanong ko at agad na binuhat ang bag at kinuha ang armas ko.

"Sa likuran. Naghahanap ako ng puwede pang magamit sa staff room nang biglang may sumugod sa akin na mga halimaw. Mabuti na lang at hindi nila ako nakagat bago ko pa sila napatay."

THE UNKNOWN CITYOnde as histórias ganham vida. Descobre agora