CHAPTER TWENTY FOUR

149 7 1
                                    

Heide's POV



Tuluyan naming narating ang tinutukoy ni Ban na imbakan ng gasolina.

Ang problema ay merong... dalawang halimaw sa labas.

At hindi ang mga ito normal na zombie. Para silang mga tao... Nakakapa-isip sila at nakakapag-usap. Pero kumakain sila ng tao.

Mula sa malayo ay nakita namin na may tumatakbong limang tao papunta sa imbakan kaya tumigil kami at minanmanan ang mga ito dahil baka mga kaaway sila. Pero biglang nagpakita ang dalawang halimaw at kinausap ang mga taong iyon. Sa una ay maganda pa ang pag-uusap nila. Hindi mo aakalain na halimaw sila. Pero kinalaunan ay bigla na lang nilang sinunggaban ang mga tao at kinain ang mga ito.

Kung sakaling dumeritso kami nang hindi tinitingnan ang paligid ay baka napahamak na kami ngayon.

"Anong gagawin natin? Mukhang wala na silang plano na umalis diyan? Hindi na rin aabot sa kuta ang gas natin kung babalik tayo ng walang nakukuhang gasolina." Saad ni Green.

"Ano kaya kung barilin na lang natin silang dalawa mula rito?" Suhestiyon ni Ban.

"Magandang ideya pero hindi puwede. Maraming halimaw sa paligid. Kapag narinig nila ang putok ng baril ay tiyak na susugurin nila tayo." Saad ni Red. Nakita rin ata nito ang mga halimaw na nagtatago lang sa paligid.

Some of those zombies are sensitive to sound. Maski kaunting ingay ay naririnig nila.

"Bakit kasi ganiyan ang mga 'yan?" Naiinis na saad ni Jay.

"The virus evolves trough time. Nakita niyo naman ang iba't-ibang ng mga halimaw ng nakaraan. Siguro ay masyadong napalaki ang evolution ng mga 'yan kaya sila parang tao pa rin kung kumilos though naghahanap na sila ng laman." Paliwanag ni Black.

And... she was right. Base sa mga nakikita at napapansin ko sa mga halimaw na nakasagupa ay iba-iba ang kaya nilang gawin. Merong normal. Tanging gumagalaw para maghanap ng laman. Meron namang kayang mag-isip kahit kaunti. Kayang magbukas ng pinto o makapagsalita ng huling linyang sinabi nito bago siya mamatay. Merong takot sa araw at meron namang hindi. Merong mabilis tumakbo at merong namang mabagal. Ang daming uri ng halimaw. At siguro ay dahil nga iyon sa pag-evolve ng virus.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni CD.

"Makikipag-usap tayo sa kanila. Kapag pumalag sila ay doon niyo na barilin gamit ang mga baril niyo na may silencer." Saad ko at bumaba na sa kotse.

"Teka. Teka. Teka lang! Makikipag-usap ka talaga sa mga 'yon?" Pinigilan ako no Ban at itinuro pa ang mga halimaw.

"Oo. Wala tayong magagawa. Hindi tayo makakaalis dito kung hindi tayo makakakuha ng gasolina." Saad ko at binaklas ang kamay niya.

"Maghintay pa tayo. Baka umalis din sila." Saad ni Black kaya napatigil naman ako.

"Paano kapag hindi?" Nakangiwing tanong ko. "Malapit ng gumabi. Mawawala na mamaya ang araw. Mas dadami na ang halimaw. Ma-ta-trap tayo rito at mapapahamak kapag nagtagal pa tayo rito."

"Kapag hindi pa sila umalis diyan sa loob ng sampung minuto ay susugod na tayo at gagawin ang plano mo. Pero ngayon, maghintay na lang muna tayo." Saad nito habang ang paningin ay nasa dalawang halimaw na andoon pa rin sa harapan ng imbakan.

Wala naman akong nagawa kung hindi ang bumalik sa loob ng kotse at naghintay.

Si Red at Green ay nasa loob na ng Van dahil bawal silang makita na nasa labas.

"Bakit ba kasi diyan talaga sila tumambay. Badtrip naman." Angil ni CD.

"Alam nilang may pupunta't-pupunta talagang tao sa lugar na 'yan eh. Lalo na at importante sa lugar na 'to ang gasolina." Sagot ni Red. Mula sa radio kami ngayon nag-uusap kaya nagkakarinigan kami. Nasa likuran ng kotse ang Van nila.

THE UNKNOWN CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon