CHAPTER TWENTY FIVE

149 6 5
                                    

Heide's POV



Hanggang sa makabalik kami sa kuta ay wala pa rin kaming imik. Parehong tahimik lang kaming lahat.

Pero halatang lumalayo ang iba sa gawi namin ni Jay. Tanging ako lang ang lumapit sa kaniya.

"Ayaw ko pang mamatay..."

Mahinang sambit ni Jay at nagsimula na naman itong umiyak.

"Sino ba ang nagsabing mamamatay ka. Magiging maayos ka lang, baliw. Nagamot ko na ang sugat mo kaya magiging maayos ka na. Huwag ka ng umiyak diyan." Natatawang saad ko at ginulo ang buhok nito.

"Kung sana ay nakita lang sana ito kaagad ay hindi sana ako nito nahuli. Kasalanan ko rin naman 'to dahil hindi ako nag-iingat. Kasalanan ko 'to dahil hindi ako magaling." Pagpapatuloy nito sa mga sinasabi.

"Ano bang sinasabi mo, Jay? Wala kang kasalanan sa nangyari. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Huwag ka na ngang mag-drama diyan." Nanatiling pa rin akong natatawa habang nakaakbay lang sa kaniya.

Inihiga naman nito ang ulo sa balikat ko. "Pasensiya na, Heide. Mukhang hindi ako makakasama sa paglabas niyo. Hindi mo na ako mapapakilala sa Mommy mo. Hindi na ako magiging parte pa ng pamilya mo. Pero huwag kang mag-alala. Naging masaya ako sa mga oras na kasama kita. Sa mga oras na kasama ko kayong lahat. Kayo ang mga importanteng tao sa buhay ko. Kung mas napaaga sana ang pagkikita natin ay napahaba pa sana ang panahon na magkasama tayo."

"Ang drama mo. Hindi ako sanay." Saad ko pero ang mga luha ay unti-unti ng tumutulo. Nakagat ko na lang ang labi para pagilan na napahikbi. Napayuko na lang ako at kumurap-kurap para patagilin ang luha ko.

"Hindi man naging matagal ang pagsasama nating lahat pero lubos naman akong naging masaya na makasama kayo. Ang dami kung bagong karanasan kasama kayo. Nagkaroon ako ng mga kaibigan. Naranasan ko na kumain ng tatlong beses sa isang araw na may maayos na pagkain. Narasan kung maging masaya dahil sa inyo. Ang dami kung ala-ala na kasama kayo sa kaunting panahon na pinagsamahan natin. Ang dami... At ang saya ko dahil marami akong ala-ala na babaunin. Hindi ko kayo makakalimotan."

"Dapat lang." Mahinang saad ko at hindi na napigilan na pumiyok. Napapikit na lang ako at hinawakan ang ulo nito at hinaplos. "Kahit na hindi maganda ang unang pagkikita natin, ayos lang sa akin 'yon. Wala na sa akin 'yon, sa totoo lang. Masaya ako noong dumagdag ka sa grupo namin kasi naisip ko na madami kang maitutulong. Tiyak na gagaling ka sa pakikipaglaban. At hindi nga ako nagkamali. Ang galing-galing mo ng humawak ng baril. Kahit hindi ko sinasabi pero lihim akong humahanga sa'yo sa paghawak ng sniper na ibinigay ko. Humahanga ako sa'yo sa maraming bagay, Leah. Lalo pa noong malaman ko ang naging buhay mo sa labas. Sobrang humahanga ako sa'yo dahil kahit na gano'n ang nangyari ay nanatiling matatag ka pa rin." Hinigpitan ko ang hawak sa ulo nito ng magsimula na siyang manginig. Napayuko na lang ako at nakagat ang nanginginig na labi ko. "Balak pa sana kitang ipakilala sa pamilya ko eh. Gusto pa sana kitang makasama ng matagal. Gustong-gusto kung magkaroon ng kapatid at ikaw... masyadong kang pasok para maging kapatid ko. Ang dami ko pa sanang plano na kasama ka eh. Gusto pa sana kitang pasiyahin kapag nakalabas tayo sa lugar na 'to. Ibibigay ko lahat ng kailangan mo na hindi naibigay ng pamilya mo sa'yo. Ibibigay ko lahat kahit hindi mo pa hingin. Pero paano ko pa magagawa 'yon ngayon?"

"H-Heide.... P-Pasensiya na..."

Bulong pa nito dahilan para mas mapangiti na lang ako at nilingon siya. "Huwag mong sabihin 'yan. Magiging ayos lang ang lahat. Magiging ayos lang ang lahat, Leah." Saad ko at pinunasan ang luha nito. "Hinding-hindi kita makakalimotan, tandaan mo 'yan. A-Ako ang bahala sa'yo. Magiging ayos lang ang lahat." Sunod-sunod na tumulo ang luha ko at bumaba ang kamay sa leeg nito.

"Heide..."

Usal pa nito kasabay ng pagtulo ng luha niya. At sa isang kisap-mata ay nagsimula na itong magwala.

THE UNKNOWN CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon