CHAPTER THIRTY

141 7 0
                                    

Green's POV






Sobrang init!

Sobrang init dito sa loob ng truck. Para akong iniihaw ng buhay.

"Piste." Pabulong na mura ko at bumangon. Nakatulog na ako kanina pero nagising din dahil sa init. Nakita ko naman si Heide na gising pa at mukhang malalim ang iniisip. "May problema ba?" Tanong ko sa kaniya. Hindi naman ako nito nilingon pero narinig ko itong bumuntong-hininga.

"Iniisip ko lang kung anong mangyayari sa atin kapag hindi tayo makahanap ng matataguan bago gumabi bukas." Sagot nito nito at bumuntong-hininga na naman.

Tumayo ako at pumunta sa tabi niya at doon naupo. "Huwag kang mag-alala. Magiging ayos lang ang lahat." Nakangiting saad ko. Madalas kung marinig ang salitang iyon mula sa kaniya na sinasabi sa iba naming kasama naming kasama. Ngayon ay ako naman ang magsasabi sa kaniya niyon dahil mukhang nakalimotan niyang sabihin iyon sa sarili niya.

"Ipagpapatuloy na rin daw natin ang paghahanap sa labasan, Green." Nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Pero akala ko ba ay walang labasan sa lugar na 'to?" Tanong ko sa kaniya.

"Iyan din ang naiisip ko pero... hindi ka ba nagtataka? Paano tayo napunta rito kung walang labasan at pasukan sa lugar na 'to. Impossible naman ata iyon, hindi ba? Baka meron talagang labasan kaso wala pa lang talagang nakakakita."

Napatango-tango naman ako sa sinabi nito. Tama nga siya. "Mabuti pa nga at ipagpatuloy na natin ang paghahanap. Para makaalis na tayo rito sa lugar na 'to. Susubukan natin kahit na malapit na sa impossible na mahanap ang pisteng labasan na iyon."

"May naisip na akong ideya." Panimula nito kaya nakinig naman ako sa kaniya. "Kapag nakahanap na tayo ng ligtas na lugar na matitirahan ay iiwan natin doon ang iba habang ang iba naman sa atin ay magpapatuloy sa paghahanap."

"Paano kapag hindi tayo makahanap ng ligtas na lugar?" Tanong ko.

"Wala tayong magagawa. Kailangan nating makipagsapalaran dito sa labas. Sa umaga ay hahanapin natin ang labasan at kapag malapit ng gumabi ay maghahanap naman tayo ng ligtas na matutulugan. Paulit-ulit naging gagawin iyon araw-araw hanggang sa mahanap natin ang labasan."

"Sige, payag ako sa ideyang 'yan. Pero ayos lang din kaya sa iba? Baka hindi sila pumayag kapag nalaman nilang masyadong delikado ang gagawin natin."

"Araw-araw ng delikado ang buhay nila rito simula ng mapunta silang lahat sa lugar na 'to. At matatapang lahat ng kasama natin kaya tiyak kung papayag sila."

"Tama ka." Nakangiting saad ko habang nakatingin sa mga kasama na natutulog na ngayon. "Bakit pala hindi ka pa natutulog?" Tanong ko at ibinalik ang paningin sa kaniya.

"Binabantayan ko lang ang paligid. Baka may bigla na lang sumugod sa atin." Saad nito at inilapit ang bibig sa tenga ko. "Nakita ko kanina ang babaeng kasama ng lalaking pumatay kay Jay."

Natigilan naman ako dahil sa sinabi nito. Kaya pala hanggang ngayon ay gising ito. Siguro ay masyadong natakot si Heide na baka maulit ang nangyari kay Jay kaya ito hindi natulog at mas piniling bantayan na lang kami. "Saan mo nakita?" Tanong ko sa kaniya.

"Kanina nang magsimula ang biyahe natin ay nakita ko itong nakatingin sa atin. Naisip ko na baka sundan tayo nito kaya nagbantay na lang ako imbis na magpahinga. Nakapagpahinga naman ako ng matagal habang nasa rooftop pa tayo, eh."

"Matulog ka na muna. Ako na lang muna ang magbabantay." Suhestiyon ko pero umiling lang ito.

"Hindi rin ako makakatulog sa ganitong sitwasyon. Bumalik ka na lang sa pagtulog para may lakas ka para bukas."

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now