CHAPTER TWENTY SIX

151 6 0
                                    

Heide's POV




Dumating ang bukas at parang normal na lang din ang lahat. Parang kagaya lang din nang mamatay si Mang Edie.

Wala naman kasi kaming magagawa pa para maibalik pa sila.

Ang tanging magagawa na lang namin ay ang umusad sa buhay at iwanan na ang mga nangyari. Pero kahit na gano'n ay naiwan naman sa puso't isip namin ang mga ala-ala.

Nakakalungkot na katotohanan... Pero wala na talaga sila.

Sa isang iglap ay nawala na lang sila.

"Saan ka nanggaling?" Tanong ko sa taong kakaakyat lang. Nanggaling ito sa baba---sa labas.

May dala itong pala at basa ng pawis ang damit. "Binigyan ko ng maayos na libing si Jay. Andoon siya sa may bakanteng lote sa katabi ng building na 'to. Hindi man kami masyadong magkakilala pero naging mabait ito sa akin." Saad ni Ban at nagpatuloy na sa paglalakad st tinungo na ang tenth floor.

Bumaba naman ako ng building at tinungo ang lote na sinabi nito at nakita ko naman kaagad ang isang krus sa hindi kalayuan. Tumigil ako sa harapan nito at nakitang may isang bulaklak na rin sa taas ng puntod ni Jay.

Kahit gustuhin ko man na umiyak ngayon ay wala na talagang lumalabas pa. Naubos ko ata lahat kagabi.

Nakatitig lang ako sa libingan ng kaibigan ng halos ilang sandali. Wala akong sinabi. Wala akong binigkas na salita. Nakatayo lang ako habang tinitingnan ang lugar kung nasaan nakalibing si Leah.

Tumalikod na ako at bumalik na sa taas. Naabotan ko naman sa tenth floor ang mga kasama na kompleto na.

"Pinuntahan mo siya?" Tanong ni Red matapos na tapikin ang likod ko.

"Yeah. She's so calm in there to point that I can't even say a single word." Saad ko at naupo na sa harapan ng mesa at nagtimpla ng kape. "May pupuntahan ba tayo ngayong araw?" Tanong ko at tumigil na sa paghalo ng kape ko.

"Wala. May tubig, gasolina at pagkain pa tayo kaya walang dahilan para lumabas." Si Black ang sumagot kaya napatango-tango naman ako pero hindi nagsalita.

"Luto na ang pagkain. Kumain na tayo." Inilapag ni Aling Nenfa ang pagkain sa hapagkainan at tinulungan naman siya ng mga bata.

"Masarap na pagkain para sa mga magaganda. Kayong mga lalaki, mahuli kayong kumuha." Saad ni Green dahilan para matigilan naman sa pagkuha ng pagkain sina Ban at CD.

"Ang sama talaga ng ugali mo." Angil ni CD.

"Masama talaga ang ugali ko kaya huwag niyong tangkain na mauna pa sa pagkuha. Maging gentleman naman kayo."

"Gentleman kaya ako. Hindi ba Heide? Sabihin mo sa kaniya na gentleman ako." Niyugyog pa ako nito kaya nailing na lang ako at natawa.

"Oo na. Oo na. Kaya maghintay ka na matapos kami bago ka kumuha, okay?" Saad ko dahilan para humaba naman ang nguso nito.

Kumuha na lang ako ng pagkain at nakisali sa kasiyahan nila. Wala na rin naman akong magagawa pa kahit na magmukmok pa ako ng buong araw. Kailangan kung manatiling matatag para sa mga mahahalaga sa akin.

Matapos na kumain ay dumeritso naman kami sa rooftops at doon tumambay. Nanood lang ako ng ensayo nila. Si Red ang nagtuturo kay CD ngayon at si Green naman ang nagtuturo kay Ban. Ang mga bata naman ay naghahabolan at binabantayan sila ni Aling Nenfa na karga-karga ang sanggol na anak niya.

Bigla naman akong binalot ng katahimikan at naglakbay ang utak ko habang nanatili lang na nakatitig sa harapan.

Gusto ko na mailigtas ang mga kasama ko...

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now