CHAPTER SIX

257 13 2
                                    

Heide's POV



"Blue? Andiyan ka pa ba sa loob?" Boses ni Green mula sa labas ng pinto.

"Oo. Tapos na ako." Sagot ko saka tuluyan ng lumabas. Naligo at nagbihis ako. Inulit ko na lang ulit ang suot kung damit maliban sa mga undergarments.

"Maghahanap din tayo mamaya ng damit." Natuwa naman ako dahil sa sinabi ni Green. Sa wakas ay makakapagbihis na rin ako.

Nang tuluyang pumasok si Green sa loob ng banyo ay dumeritso naman na ako sa may mesa at nagtimpla ng kape. Hindi ako mahilig sa kape pero wala akong choice. Ang lamig dito kaya kailangan ko ng something na mainit.

"Gusto mo ba, Blue?" Tunghay ni Red ng tinapay sa akin. Tumango naman ako saka kumuha ng isa.

"Hindi pa rin ako sanay sa bago kung pangalan." Nakangiwing saad ko saka isinawsaw ang tinapay sa kape saka kinain. Napatango-tango naman ako dahil hindi naman pangit ang lasa. Nakikita kung ginagawa ng driver namin ang ganito eh. Akala ko eh trip trip niya lang. Ang sarap naman pala talaga kapag isinawsaw yung tinapay sa kape.

"Ganiyan din kami ng bago pa lang kami dito. Pero nasanay na lang din kami kinalaunan. Tiyak na masasanay ka rin, Blue." Nakangiting saad niya at nagpatuloy sa paghigop sa kape niya.

Blue na ngayon ang pangalan na ginagamit ko dahil nagpalit na ng kulay ang hikaw na nasa tenga ko. Hikaw na ayaw matanggal! May salamin sa banyo at kanina eh tiningnan ko talaga ng mabuti kung ano ba talaga at na-kompirma ba hikaw nga talaga. Iyon nga lang ay nakabaon na sa tenga at hindi na matanggal. Ang pwede lang gawin para matanggal ay putulin ang tenga pero papatayin naman ako ng laser na nanggagaling sa langit kapag ginawa ko 'yon.

"May tanong ako, Blue." Napatingin naman ako sa gawi niya at nakitang seryuso na siya.

"Ano 'yon?" Tanong ko at humigop sa kape.

"Saan mo natutunan ang mga galaw mo kahapon? Yung ginamit para patayin yung mga halimaw."

Napaubo naman ako matapos marinig iyon. Natapik ko naman ang dibdib ko saka nagugulat na tumingin sa kaniya. "M-May pinatay akong mga halimaw?" Nagugulat na tanong ko sa kaniya.

Natawa naman siya at ibinaba ang hawak na tasa. "Hindi mo na kaagad naaalala? Kahapon lang 'yon eh." Saad niya pa pero nang makita ang pagtataka sa mukha ko ay tumigil din siya sa pagtawa. "Seryuso? Hindi mo na talaga naalala?"

"Hindi... Tsaka impossible 'yang sinasabi mo. Hindi ko magagawa 'yon." Umiiling na saad ko.

Napatitig naman siya sa akin ng ilang sandali bago tuluyang nagsalita. "Kaya naging asul 'yang hikaw mo dahil pumatay ka ng maraming  halimaw kahapon, Blue. Hindi mo na ba talaga naaalala?" Tanong niya pa ulit.

"H-Hindi talaga..." Sagot ko naman at balak sanang hihigop ulit sa kape ko pero napatigil din kaagad ako nang makitang pumasok si Black at nasa akin ang paningin. "A-Ano?" Kinakabahang tanong ko.

"Nasaan na si Green? Aalis na tayo. Nagpakita na ang araw." Saad nito at kumuha ng tinapay at naupo sa tabi ko.

"Naligo pa siya. Siguro mamaya ay tapos na 'yon. Ang bilis pa naman nun na gumalaw." Sagot ko at tuluyang inubos ang kape saka inayos na ang mga dadalhin ko. Napatitig naman ako sa dalawang katana na nasa gilid ko. Napabuntong-hininga na lang ako at nilagay na sa likod ang sisidlan na lalagyan nito. "Oh, tapos na pala siya eh." Nakita kung nakapagbihis na si Green.

"Aalis na ba tayo?" Tanong niya at sumubo ng lollipop.

Tumayo naman si Black at tumango kaya agad na naming tinapos ang ginagawa bago tuluyang umalis. May dalang isang itim na bag si Red. Isa lang dahil damit lang naman namin ang ilalagay namin doon at isa pa ay may dadalhin pa kami mamayang mga tubig at gas, kung meron man kaming mahanap.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now