CHAPTER FORTY SEVEN

96 6 1
                                    

Heide's POV



Naisipan kung maglibot-libot sa buong building ngayong araw. Wala si Black sa paligid kaya hindi ko kailangan na umarte na masama pa rin ang lagay ng paa ko. Pero makasigurado ay paika-ika pa rin ako kung maglakad. Baka kasi nasa paligid lang ito at hindi ko lang napapansin ang presensya niya.

Gusto kung pagmatyagan ang grupo nila Gashtel na nakasama naming umalis. Sila ang suspect namin sa massacre na nangyari ng nakaraan dito.

Hindi ko puwedeng ipagsawalang bahala na lang ang nangyari lalo pa at kasama sa mga namatay ang dalawang bata na importante sa akin--sa amin.

Magbabayad ang mga may gawa nito. Magbabayad sila.

"May kailangan ka ba, Heide?" Tanong ni Gregory nang makita ako.

"Gusto kung tingnan ang ang grupo ni Gashtel na nakasama namin ng nakaraan. Baka may makita akong kasagutan kung kalaban ba talaga sila o kakampi." Seryusong sagot ko habang sinusulyapan ang grupo na tinutukoy ko.

"Sasamahan na kita."

"Huwag na."

"Tiyak na magdududa sila sa iyo kapag bigla ka na lang pumunta ro'n ng mag-isa. Baka malaman nila na pinaghihinalaan natin sila. Kung sila man ang kalaban ay tiyak na makakagawa kaagad sila ng paraan para hindi natin sila mahuli. Kapag hindi naman sila ang kalaban ay tiyak na magagalit ang mga ito sa atin dahil hindi natin sila pinagkakatiwalaan. Kaya mas mabuti kung kasama mo ako dahil puwede kung sabihin na ililibot kita sa lugar para masigurado mo kung maayos lang ba ang lahat. At baka may gawin ang mga ito kaya mas mabuti ng may kasama ka." Paliwanag nito kaya napatango-tango naman ako.

"Sige. Tara. Umakto lang tayo ng normal na parati nating ginagawa." Sabi ko at tinapik ang balikat niya.

"Ganito ka ba palagi? Parang tropa mo lang ako, ah? Parang Tatay mo na kaya ako." Natatawang sabi nito.

"Sa totoo ay palagi akong gumagalang sa nakakatanda sa akin dahil isa iyon sa batas ng angkan ko. Pero dahil nandito naman tayo ay mas masaya kapag ganito lang ang turingan natin. Pero huwag kayong mag-alala dahil nakikita ko talaga kayo bilang Tatay ko." Nakangiting sagot ko habang nakatingin sa daan. "Ang tatay ko kasi ay niloko kami ng mommy ko kaya hindi masyadong maganda ang relationship namin. At namatay na rin siya bago pa ako mapunta rito. Mayroon akong itinuring na parang Tatay ko nang mapunta ako rito. Mang Edie yung pangalan niya. Ilang sandali lang kaming nagkasama pero napalapit na talaga ang loob ko sa kaniya. Kaso... namatay rin siya, eh." Malungkot akong napangiti habang inaalala ang pamilya ni Mang Edie. Isa-isa silang namatay. Hindi ko sila nailigtas. Wala akong maski isang nailigtas.

Patawad, Mang Edie. Wala akong nagawa.

"Kaya siguro mas mabuti na kung hindi na kita ituring bilang Tatay ko. Natatakot ako dahil baka may masama rin na mangyari sa'yo." Sabi ko at tinapik ulit ang balikat niya.

"Masyado kang nag-aalala para sa isang taong kakikilala mo pa lang, Heide." Natatawang sabi nito at tinapik din ang balikat ko. "Huwag mo ako masyadong alalahanin. Walang masamang mangyayari sa akin."

"Wala akong gustong masamang mangyari pero... hindi natin sigurado na wala na talagang mangyayari na masama sa'yo--sa atin hanggang naririto tayo sa impyernong lugar na ito." Kung puwede ko lang isakripisiyo ang sarili ko para makaligtas lahat ng mga mahal ko ay gagawin ko. Kaso masyado talaga mapanakit ang mundo na 'to. Gustong-gusto niya talaga akong makita na nasasaktan at nagdudusa habang pinapanood ang mga kasama ko na isa-isang namamatay at nawawala sa buhay ko na parang bula.

"Kaya ka masyadong nasasaktan, Heide. Masyado ka kasing napapalapit sa ibang tao. Masyado mo silang pinapahalagahan." Saad ni Gregory dahilan para mapataas naman ako ng tingin sa kaniya pero napayuko rin matapos nitong tapikin ng mahina ang ulo ko saka ginulo ang buhok ang buhok ko. "Kung nagkaroon lamang ako ng anak ay gusto ko na maging katulad mo siya."

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now