CHAPTER NINE

210 11 1
                                    

Heide's POV

Tuluyan na kaming bumaba. Iniwan nga namin ang tatlo doon sa taas. Kaming lima lang ang lumabas para maghanap ng sasakyan ngayon. At kasalukuyang nasa isang oras pa lang kaming nasa labas ngayon.

Gamit namin ang armored van dahil sobrang layo ng pupuntahan namin. Maski nga raw gumamit kami ngayon ng sasakyan ay matatagalan pa rin kaming makarating doon sa lugar na tinutukoy ni Black.

At baka gabihin kami..

Kaya ito at mabilis ang pagpapatakbo ni Green sa sasakyan. Si Black naman ang nagtuturo sa kaniya kung saan dadaan.

Sinaulo ko naman ang mga daan na nadadaanan namin at ang mga katabing mga daan. Para mamaya pagbalik ay alam ko na ang daan kahit hindi kasama si Black.

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ni Mang Edie.

"Oo. Isang oras pa." Sagot ni Black na nakapikit ang mga mata at naka-cross ang braso sa dibdib.

Bumuntong-hininga na lang ako saka ibinalik ang atensiyon sa labas. Wala talaga akong makita na hindi sira. Lahat talaga dito ay sira na.

Pero may isang malaking gusali sa gitna. Hanggang third floor iyon. Nakatayo iyon ng maayos at gumagana ng maayos. Madadaanan namin iyon dahil nasa harapan na namin iyon ngayon. Sa taas ay merong malaki at malapad na screen. At may mukha ng tatlong tao na andoon ngayon.

They're unlucky. Mapupunta sila rito para magtago, tumakbo at mamatay.

Sa paligid ng building na iyon ay may nakalagay na mga harang. Makapal na pader na hindi kataasan. At sa taas nun ay may mahahabang steel na sobrang talas.

Hindi maaakyat. Halos fifteen feet ang taas ng steel na iyon at sobrang kapal pa. Mula sa loob ay may pahalang na steel na siya namang tutusok sa mga susubukan na akyatin ang taas ng pader. Kahit saang tingnan ay wala talagang pag-asa na mapasok ang lugar dahil may live wire pa na nakakabit sa mga steel na iyon.

Nakikita ko ang mga zombie na natusok ng mga steel. Habang meron namang nakahiga na sa lupa at hindi na gumagalaw.

Napahikab na lang ako saka kumuha sa bulsa ng lollipop at isinubo iyon sa bibig at nagpatuloy lang sa pagtingin-tingin sa labas.

Halos iyon ang ginawa ko hanggang sa makarating na nga kami sa tinutukoy ni Black na garahe. Tanghali na kaming nakarating...

Agad namang kaming pumunta sa harapan ng garahe. Nakabukas iyon ng kaunti. Sinilip ko naman muna sandali ang loob at gumamit pa ako ng flashlight na dala. Tiningnan ko kung may gumagalaw sa loob at wala naman.

"Pumasok na tayo." Saad ko at umayos na ng tayo at pinatay ang ilaw.

Binuksan naman na ni Mang Edie ang garahe. Madilim ang loob kaya hinanap naman muna namin ang ilaw. Ilang sandali lang ay lumiwanag naman ang paligid. Nahanap ni Red yung ilaw.

Napasipol naman kami ni Green nang makita ang mga sasakyan. Lumapit naman ako sa isang sasakyan na nagustuhan. Itim iyon at halatang bago pa.

Agad akong napangisi ng makitang nasa loob ang susi niyon. "What a luck." Bulong ko saka binuksan ang pinto at pumasok sa loob.

Sinubukan kung buhayin ang makina. Hindi ito gumana sa una at pangalawang subok ko pero sa ikatlong subok ay nabuhay na ang makina.

Tumingin naman ako sa iba matapos buksan ang bintana ng kotse. "May nahanap na ba kayo?" Tanong ko sa ibang kasama. Nakita ko naman si Green na sakay-sakay ng itim na motor na may stripe na green sa gilid. Habang si Red naman ay doon sa itim din na motor at may pula namang stripe. Habang si Mang Edie naman ay sakay-sakay nung gray na kotse.

THE UNKNOWN CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon