CHAPTER FIFTY-TWO

98 5 1
                                    

CD's POV


"Lucky is really on our side, eh? Akalain mong naniwala nga sila na ang lalaking 'yon ang murderer." Tatawa-tawang sabi ko habang naiiling.

"Pasalamat ka lang talaga at dumating sila Heide matapos pumasok ng lalaking 'yon sa kuwarto ko. Kung hindi ay baka napatay ko na siya at nasira na ang napakagandang plano mo." Diniinan pa talaga niya ang isang salita na iyon.

"It's already planned, Black. Nasa plano ko na ang lahat kaya hindi ka na dapat pa nag-alala." Sabi ko at nagkibit-
balikat pa.

"Paano mo nga ba nailayo sa akin ng tuluyan ang suspetsa nila? Paano mo nagawang palabasin na ang lalaking 'yon talaga ang murderer?" Tanong nito. Halata sa boses niya na interesado talaga siyang malaman.

Yes, I was the one planned everything.

Ginagawa ko iyon para maging klaro ulit ang pangalan ni Black sa mga kasama namin. Ginawa ko rin iyon para sa sarili ko. Para mas lalong mailayo sa akin ang suspetsa.

Ipinaliwanag ko naman sa kaniya ang ginawa ko para maging success ang plano ko.

Ako ang naglagay ng murder weapon sa gamit ng lalaking iyon. Nang mapansin na naglibot-
libot si Heide ng nakaraan ay doon ko na napagdesiyonan na ilagay yung murder weapon doon sa gamit ng isa sa mga miyembro ng grupo na pinagsususpetsahan nila Heide.

Inalam ko na ang bawat pagkatao ng mga tao sa grupong pinagsusus-
petsahan nila Heide pagkatapos na pagkatapos naming mag-usap kaya alam ko na kung kaninong gamit ko ilalagay ang murder weapon. Kung sino ang gagamitin ko para siya ang magmukhang murderer. Inalam ko na kung sino ang puwedeng gamitin ko para maging success ang plano ko na iliwas sa amin ni Black ang suspetsa.

Naging tagumpay yung una dahil napansin nga nila Heide yung murder weapon. Inilabas ko talaga iyon ng bahagya para makita at mapansin talaga nila.

Nasa plano ko rin ang ginawa kung pakikipag-
bangayan kay Heide. It is to buy us time. Hinihintay kung dumaan ang lalaking iyon kaya habang wala pa ay inaliw ko muna sila Heide para hindi sila kaagad makaalis. Nang dumating si Gregory para patigilin kami ay siya namang pagdaan ng lalaking iyon. Nauna lang siyang umakyat ng ilang sandali sa amin. Pero ilang sandali lang naman ay pumunta na rin kami sa kaniya-kaniya naming kuwarto kaya ilang sandali lang din ang pagitan ng oras ng pagkarating ng lalaki at oras na dumaan sila Heide at Ban sa kuwarto ni Black. Timing talaga ang dating nila dahil wala pang nagagawa ang lalaking iyon at hindi pa siya napapatay ni Black.

At kung bakit gustong patayin ng lalaking 'yon si Black?

Dahil si Black at ang ibang mga pawn ang pumatay sa pamilya niya. Sinulsulan ko lang ito ng kaunti para mas lalong pagliyabin ang galit niya. Ako rin ang nagturo ng tinidor na inilagay ko sa gamit niya na iyon ang gamitin niya para patayin si Black.

Mukhang naniwala naman ito sa lahat ng sinabi ko kaya ginawa nga niya ang mga sinabi ko. Tss.

"Bonus na lang talaga yung sinabi niya na 'papatayin ko kayong lahat'. Ang tinutukoy niya talaga ng sabihin iyon ay ikaw at ang ibang mga pawn. Pero dahil hindi naman alam nila Heide iyon ay iisipin talaga nila na sila--tayong lahat na naririto sa building na 'to ang tinutukoy ng lalaking iyon." Nakangiwing sabi ko at bumuntong-hininga pa pagkatapos.

"Akalin mong matalino ka pala?" Sarkastikong sabi nito. "Nagawan mo ng paraan na lusutan yung mga ginawa mo. Nagawan mo ng paraan na pagmukhaing inosente ka sa lahat ng bagay. Nagawa mo 'yon dahil sa akin mo lahat itinuturo na para bang ako ang gumawa ng lahat ng kasalanan at pagpatay. Tibay." Iiling-iling na sabi pa nito.

Humalakhak naman ako habang hawak-hawak pa ang tiyan ko. Naluha pa ako sa kakatawa dahil sa sinabi niya. Halos ilang sandali rin ang itinagal bago ako tumigil. Pinunasan ko pa sandali ang mga luha ko bago nagsalita. "At least, ginawan ko rin ng paraan para linisin ang pangalan mo." Sabi ko at nilaro ang lighter na hawak ko. "Huwag kang mag-alala. Nagdalawang-isip na ngayon si Heide ngayon kung pagkakatiwalaan ka ba niya o hindi."

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now