CHAPTER FORTY THREE

90 6 1
                                    

Heide's POV



Ipinagpatuloy namin ang pagpunta sa labasan na sinasabi ni Gashtel. Nang makarating kami ay bumungad sa paningin ko ang isang store. Sira-sira na iyon kagaya ng ibang establishments. "Sigurado ka ba na ito yung lugar?" Tanong ko kay Gashtel. Tinulungan ako ni Black sa pagbaba mula sa sasakyan.

"Oo. Hindi ako puwedeng magkamali. Dito 'yon." Sagot nito at naglakad papunta sa store.

"Iba ang pakiramdaman ko sa lugar na 'to." Bulong ni Ban sa akin.

"Ako nga rin, eh. Pero mukhang nagsasabi naman ng totoo si Gashtel." Saad ko habang nakatingin sa store.

"Tara na, Heide. Andito na yung labasan." Saad ng lalaking nasa harapan na ng store.

Nagkatinginan naman kami ni Ban bago naglakad papunta sa gawi nito. Umakbay ako sa kaniya at paika-ikang naglakad.  "Anong--"

"Makisama ka na lang. Ipapaliwanag ko na lang sa'yo mamaya ang detalye." Bulong ko rito.

"Wala ka pa ring tiwala sa kaniya?" Tanong nito habang nasa harapan lang ang paningin.

"Hm." Mula sa gilid ng mata ko ay nakikita ko si Black na nakatingin sa amin. Mukhang napansin din iyon ni Ban kaya hindi na rin ito nagsalita. "Anong gagawin natin pagkatapos? Papasok ba tayo o ano?" Tanong ko kay Gashtel nang marating na namin ang harap ng store.

"Papasok tayo---"

Bigla na lang may halimaw na tumalon kay Gashtel mula sa loob ng store matapos niya itong buksan. At sunod-sunod ng nagsilabasan ang iba pang mga zombie na nanggaling din sa loob.

"Shit!" Bigla na lang akong binuhat ni Ban dahilan para magulat naman ako pero napahawak pa rin sa kaniya.

"Puwede mo akong ibaba. Tatakbo ako--"

"Masisira ang plano mo kapag ginawa ko 'yon. At kumakain ka ba talaga ng maayos? Sobrang gaan mo." Saad nito at mas binilisan ang takbo pabalik sa sasakyan.

Napatingin ako sa pinanggalingan at halos nasa isang daang halimaw ang lumabas mula sa store at... marami sa kasama ni Gashtel ay naabotan na ng mga halimaw.

Si Black ay agad na pumunta sa driver seat kaya kinuha ko namang pagkakataon iyon para umakyat ng mag-isa saka agad na tinulungan si Ban at Green sa pag-akyat.

Nagulat ako nang bigla na lang imenaneho paalis ni Black ang sasakyan. Dumungaw ako sa kaniya mula sa gilid. "Anong ginagawa mo? Hindi natin puwedeng iwan ang iba--"

"Mamamatay tayo kapag nagtagal pa tayo! May iba pang sasakyan na naiwan kaya makakasunod sila kung makakaalis din sila agad." Sagot nito at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo.

Nahilot ko na lang ang sentido at tiningnan ang mga naiwan. Ang iba sa kanila ay nakagat na habang ang iba ay nakasakay kaagad sa sasakyan at nakasunod na sa amin.

"Akala ko ba ay 'yon yung labasan?! Bakit puro zombie ang loob ng lugar na 'yon?!" Naiinis na tanong ni Green.

"Mukhang hindi nagsisinungaling si Gashtel ng sabihin niya na iyon nga ang labasan. At kung alam niya na puno pala ng halimaw ang lugar na iyon ay sana hindi siya yung unang namatay, diba?" Saad ko at naupo na lang sa sahig habang hilot-hilot ang sentido.

"Pero bakit halimaw ang bumungad sa atin imbis na ang labasan?" Tanong ni Green matapos na maupo rin sa sahig.

"Nakakapagtaka nga, eh. Sobrang nakakapagtaka talaga." Napatitig ako sa kawalan ng ilang sandali dahil sa malalim na pag-iisip. "Oh sadyang pinaniwalaan talaga nila Gashtel na may labasan doon kahit wala naman talaga." Naagaw naman ng sinabi ko ang atensiyon ng mga kasama ko. "Baka hindi talaga labasan ang lugar na iyon. Like, sino ba namang maniniwala na Ang lugar na iyon ay puwedeng maging labasan?! Masyado na ata talaga silang desperado ng mga panahon na iyon kaya naniwala sila kaagad na labasan ang store na iyon."

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now