CHAPTER FORTY ONE

113 6 1
                                    

Heide's POV



"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko kay Gashtel dahil halos nasa kalahating oras na kaming bumabiyahe.

"Malapit na tayo." Sagot nito at binigyan ako ng tubig na maiinom. Alagang-alaga ako ng taong 'to.

"Huwag mo akong tratuhin na parang Santo, puwede ba? It's so freaking uncomfortable, really. Kahit na hindi mo gawin ang mga bagay na 'to ay isasama kita kapag lumabas ako rito. Chill ka lang. Upo ka na at huwag gumalaw-galaw na parang butler ko." Hindi ko na mapigilan na hindi sabihin iyon. Kanina pa kasi ito panay ang papunta't-
parito para bigyan ako ng pagkain o tubig. Hindi rin ito makatigil sa pagpaypay sa akin na para bang bawal akong mapawisan. Sumasakit na ang ulo ko sa mga ginagawa niya.

"Pero---"

"Sa tingin mo ba ay ayos lang sa mga kasama ko ang ginagawa mo? You're being biased. Ako itong nagpapasarap samantalang ang mga kasama ko ano?" Ang unfair niyon para sa ibang mga kasama ko. Hindi puwede sa akin 'yon. Dapat pare-parehas kaming lahat dito.

"Mukhang wala namang problema sa kanila ang ginagawa ko, eh. May problema ba kayo sa pagtatrato ko kay Heide?" Tanong nito sa iba.

"Ayos lang naman. Halos ilang araw rin nang nakaraan na walang pahinga at kulang sa tulog ang isang 'to para bantayan kami." Saad ni CD matapos akong akbayan.

"At siya yung dahilan bakit kayo makakalabas, kung makakalabas nga tayo, kaya siguro ay normal lang na gawin mo iyan." Dagdag ni Green saka nagkibit-balikat.

This people...

Normal na gawin?! Yung tratuhin ako na parang Diyos nila?! Anong normal do'n?

"Ban, ikaw? Ayos lang ba sa'yo ang ganito?" Tanong ko sa isang lalaki at niyugyog pa ito.

"Ayos lang. Kung ako ang nasa lagay niya ay baka ganiyan din ang gawin ko. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging komportable yung tao na magdadala sa akin sa labas."

"Eh, bakit hindi mo ginawa? Ako rin naman ang magdadala sa'yo sa labas, ah?" Pinaningkitan ko pa ito ng mata.

"Bakit may balak ka bang iwan ako dahil hindi ko ginawa ang ginawa niya?" Piningkitan din ako nito ng mata.

"Wala." Mabilis na sagot ko.

"Dahil may tiwala ka sa akin kaya hindi mo ako iiwan dito. Pero iba ang iniisip niya--nila." Turo nito Kay Gashtel at sa mga kasama nito. "Natatakot sila na baka hindi mo sila pagkatiwalaan at maisip mo na iwan sila. Kaya ginagawa niya--nila ang lahat para masigurado na isasama mo talaga sila. Naranasan na nila noon na maiwan kaya natatakot na silang maiwan ulit. Baka iniisip din nila na kaya sila iniwan ng dating gray dahil hindi nila naibigay ang mga gusto at pangangailangan nito kaya ngayon ay ito sila at ginagawa na iyon sa'yo para hindi mo maisip na--"

"Pero wala akong plano na iwan ang mga tao na tumulong sa akin." Putol ko sa sinasabi niya.

"Narinig niyo 'yon?" Tanong ni Ban kila Gashtel matapos ang mga itong lingunin.

"Kung gano'n ay hayaan mo na lang ako na ipagpatuloy ang mga ginagawa ko. Bilang pagpapasalamat sa kasiguraduhan na isasama mo talaga kami." Ngumiti pa ito sa akin.

"Hindi nga puwede. Ang unfair no'n sa mga kasama ko at sa iba. Dapat pantay-pantay tayo rito." Sabi ko pa at agad namang nakita si Black. "Payag ka ba na tratuhin nila ako na parang Diyos nila, Black? Hindi ka payag, diba?" Tanong ko rito.

"Payag ako. Mas mabuti nga na ginagawa nila iyon." Sagot nito.

Napakurap-kurap na lang ako dahil sa gulat. Ang inaasahan ko ay hindi ito papayag.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now