CHAPTER THREE

319 20 2
                                    

Heide's POV

Nagising na lang ako kinaumagahan dahil sa lamig. Yung uniform ko pa rin kasi ang suot ko. Mabuti na lang at binigyan ako ni Green ng kumot kagabi. Pero ang tindi talaga ng lamig ngayong umaga.

Napabangon naman ako at napatingin sa relo. Kahit papaano ay gumagana pa rin ito. Pero yung cellphone ko ay namatay na.

5:15 na ng umaga.

"Ang aga mo namang magising." Napalingon naman ako kay Green ng magsalita ito.

"Ang lamig eh." Nakangiwing saad ko saka pumunta sa kaniya. "Anong ginagawa mo?"

"Kape. Gusto mo bang ipagtimpla kita?" Tanong niya kaya tumango naman ako.

"Nasaan sina Red at...si Black?" Tanong ko. Hindi ko na ang mga ito nakita sa higaan nila.

"Si Red naligo muna sa baba. Si Black naman ay hindi ko alam. Paggising ko ay wala na siya. Siguro ay may pinuntahan lang sandali." Saad niya kaya tumango naman ako saka tinanggap ang kape.

"Salamat."

"Wala 'yon." Saad niya saka senenyasan ako na pumunta kami sa gilid ng building. Tumingin naman ako sa baba at nakitang may ilang naglalakad na mga zombie sa baba. Pero kaunti na ang mga ito. Hindi kagaya kagabi na para silang sardinas sa dami.

"Mamaya kapag tuluyan ng nagpakita ang araw ay magtatago na ang mga 'yan. Kung sakaling may makasagupa man tayo ay iyon yung mga zombie na alam kung paano gumalaw. Kagaya ng... marunong silang magbukas ng pinto. Kaya nilang magsalita, iyong huling salita bago sila mamatay nga lang. At mas malakas ang pang-amoy nila." Saad nito kaya napatango-tango naman ako.

"Sound troublesome." Siguradong mas mahirap kalabanin iyon.

"Yeah. Too troublesome." Pagsang-ayon niya at bumuntong-hininga. "I feel sorry for them, in truth. But I feel sorry for myself too. I'm not really that bad to put in this City that is full of zombie. Ayaw ko silang patayin pero ako yung mamatay kapag wala akong ginawa. The people behind this are really insane. They used humans as their test subjects."

"But we didn't have any clue kung sino yung mga taong 'yon? Some scientist? But there's many scientists out there. At hindi rin naman natin sila magagantihan dahil hindi naman na tayo makakalabas dito." Saad ko saka bumuntong-hininga.

"Yon lang. Ang bata pa natin pero ang dami nating problema." Natatawang sabi nito at napailing na lang.

"Kaunting mali lang at tiyak na mamamatay tayo sa lugar na 'to." Pero gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makalabas.

"Ang aga-aga, stress na stress na kayong dalawa." Nagulat ako ng bigla na lang kaming akbayan ni Red. "Kakain na tayo. Aalis na tayo mamaya para maghanap ng mga pagkain." Inaya na niya kami papunta sa mesa sa baba. Floor iyon bago makarating sa rooftop. Doon nakatambak ang lahat ng gamit nila.

Nakita ko naman si Black na nasa harapan na ng mesa. Tumango lang naman ito ng makita kami.

"Ayon pala ang gamit mo, White." Turo ni Red ng hoodie at dalawang katana na nasa taas ng isa pang mesa.

"Salamat." Tumango lang naman ito.

Nagsimula naman kaming kumain pero masking isang beses ay hindi na nagsalita si Black.

Ito ba yung sinasabi nila Red na Black na madalang magsalita?

Eh ano yung kahapon?

"Teka, paano niyo pala nalalaman kung nasaan kukuha ng pagkain?" Tanong ko sa kanila.

"Nililibot namin ang siyudad para maghanap ng store na pagkain yung laman. Pero dahil ilang taon na rin ang nakakaraan at hindi lang kami ang tao rito. Pahirap ng pahirap ng maghanap dahil yung mga madadaling makita na mga store ay wala ng laman."

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now