CHAPTER THIRTEEN

197 12 1
                                    

Heide's POV



"Gaano ka na katagal dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Dalawang linggo."

"May napatay ka na bang halimaw?" Pagtatanong ko pa ulit sa kaniya.

"Oo."

"Anong ginamit mo para patayin ang mga ito?"

"Yang shotgun na hawak mo." Turo sa baril na nasa kamay ko.

Tumaas naman ang kilay ko at sandali itong tinitigan. "Paano mo naman ginamit ito para patayin ang mga halimaw na iyon?"

"Ginawa kung bat at hinampas sa ulo ang mga zombie na iyon hanggang sa mamatay. Hindi ako marunong gumamit ng baril pero marunong akong gumamit ng baseball bat." Seryusong sagot nito habang deritsong nakatingin sa akin.

"Ibigsabihin nun ay magaling kang mag-asinta, tama ba ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo. Pero hindi ako marunong gumamit ng baril."

"Paano mo malalaman kung hindi ko susubukan." Nakangiwing saad ko at ibinigay sa kaniya ang sniper. "Gawin mo ang lahat ng mga itinuro ng babaeng 'yon sa'yo." Turo kay Black na siyang nagturo sa kaniya na gumamit ng baril kanina. "Kapag sinunod mo ang lahat ng mga itinuro niya ay tiyak na matututo ka."

"Hindi ko kaya."

"Subukan mo o ihuhulog kita." Seryusong saad ko dahilan para magulat naman ito.

"Nagbibiro ka lang, diba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Napalunok naman ito nang makitang seryuso pa rin ako.

"Sige na nga. Susubukan ko..."

Sniper ang ibinigay ko sa kaniya dahil akin na yung shotgun niya.

Ang ganda eh...

At isa pa ay mas magaling itong umasinta. Pwede siya naming magamit sa mga long range kapag natuto na ito.

"Tamaan mo ang isang iyon." Turo ko sa zombie na walang mga paa at gumagapang lang sa lupa. Tanghali na ngayon pero hindi ito takot sa liwanag. Siguro ay mas mataas na uri ito pero napagdiskitahan ng iba kaya nagkagano'n ang sitwasyon.

Nakita ko naman itong huminga ng malalim saka tuluyan ng sumeryuso at inasinta ang zombie na sinabi ko. Ilang sandali lang ay nagpaputok na ito ng tuluyan. Kinuha ko naman ang binoculars at tiningnan kung natamaan ba nito ang target.

"Natamaan ko ba?" Tanong nito. Masyadong maliit ang halimaw na nasa baba kaya hindi masyadong klaro kung natamaan ba ito o hindi.

"Oo." Sagot ko at tinapik ang balikat niya. "Natamaan mo sa ulo." Nanlaki naman ang mga mata niya dahil siguro hindi makapaniwala na maayos niyang nagawa ang mga itinuro sa kaniya ni Black. "Ngayon naman ay iyong gagamba naman ang barilin mo." Pagtukoy ko sa zombie na parang gagamba na tumatakbo ngayon sa kalsada.

"Sige, susubukan ko." Bumalik naman ulit ito sa pag-aasinta habang ako ay naghihintay lang. Pero napangiwi na lang din ako kinalaunan nang sumablay si Jay dahil sa biglang pagsigaw ni Green.

"Masyadong malakas ang sigaw mo, Green. Maski yung mga halimaw eh matatakot sa'yo." Nakangiwing saad ko at humarap na sa kaniya.

"May problema tayo, Blue." Seryusong saad nito dahilan para sumeryuso rin naman ako kaagad.

"Ano 'yon?"

"Sobrang taas ng lagnat ni Ion, Blue. Gano'n din ang bunso niyang kapatid. Siguro dahil sa lamig at hindi kinaya ng katawan ng mga bata." Sagot ni Green dahilan para mapabuntong-hininga naman ako ng malalim.

THE UNKNOWN CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon