CHAPTER FIFTY-SIX

92 6 0
                                    

Black's POV



Habang naglalakad ako papunta sa kuwarto ko ay nadaanan ko si Gregory at kausap ang ibang mga kasama niya. Balak ko lang sana na daanan sila at hindi na pansinin pa pero nakuha ng pinag-uusapan nila ang atensiyon ko.

"Oo, may mga halimaw sa harapan ng building kaya maghanda kayo kung ano man ang mangyari. " Saad ni Gregory na dahilan para matigilan ako.

Halimaw...

Bakit biglang nagkaroon ng halimaw sa harapan ng building. It's not like it never happened before... pero bakit gano'n ang tono at ekspresiyon niya? He looks like he's nervous and uneasy.

Para makita mismo ang tinutukoy niya ay napagdesiyonan ko na pumunta na lang sa baba. Gusto kung makita kung ano ang ibig niyang sabihin ng sabihin niya iyon. Baka mamaya ay masyado lang talaga siyang exaggerated.

Ilang sandali lang ay narating ko na nga ang unang palapag. Hindi kagaya dati ay marami na ang tao ngayon dito. Noon kasi ay tanging mga bantay lang ang tao rito o hindi naman kaya ay yung may gagawin dito. Pero ngayon ay sobrang dami ng tao. Mukhang gusto rin nilang makita ang tinutukoy ni Gregory.

Natigilan ako nang makita ang mga halimaw sa labas ng salamin na dingding ng building. Nagpupumilit ang mga itong pumasok. Nasa tatlong dosena ata ang dami ng mga ito ngayon at lahat ng mga ito ay halatang sabik sa karne ng mga taong nandito sa loob.

Walang nasabi sa akin ang mga leaders na aatakehin ng mga halimaw ang lugar na 'to ngayon, ah.

Nang atakehin noon ang dati naming kuta ay agad ang mga itong nagpadala ng mensahe tungkol sa mangyayari. Kahit pa si CD ang gumawa ng paraan n'on para makapasok ang halimaw sa loob ng kuta ay nagpadala pa rin sa akin ng mensahe ang mga leaders para masiguradong alam ko ang mga mangyayari.  Gano'n diin ng pumunta sila Heide sa ospital dahil kailangan nilang kumuha ng gamot para sa anak ni Edie. Bago pa sila umalis ay nagpadala na ng mensahe sa amin ang mga leaders na kailangan naming umalis ni CD sa kuta para hindi kami makasama sa kanila. Para hindi namin sila matulungan. Para mamatay na ang mga kasama ni Heide. Para makita kung karapat-dapat ba talaga si Heide na maging gray. Pero isa lang ang namatay ro'n. Matitibay rin talaga ang ibang kasamahan ni Heide, eh. Tss.

Kadalasan ay iyon talaga ang ginagawa nila para masigurado na magiging ligtas ako--kami ni CD. 

Tuweng nagbibigay ako ng update tungkol sa mga nangyayari rito ay nagbibigay rin sila ng mga mensahe sa akin tungkol sa mga mangyayari o sa mga plano nila.

Pero bakit hindi sila nagpadala ng mensahe sa akin tungkol sa bagay na 'to?

Lumapit ako para matingnan ko ng mabuti ang mga halimaw. At doon ko nakita na dumadami sila ng dumadami habang patagal ng patagal.

Bakit nagkaganito...

Bigla kung naalala ang mga sinabi ni CD sa akin habang nanatiling nakatitig ako sa mga halimaw na nasa labas.

"Don't believe everything they say, lady. The leaders are way more worst liars than us."

"For them, you're just a tool to fulfill their plans and desires. At sisimutin nila ang lahat ng halaga mo hanggang sa wala ng matira. At kapag nangyari 'yon at basta ka na lamang nilang itatapon na parang isang basura."

"Pero ikaw, as what I am saying everytime, you're just a black. Kapag nakita nila na hindi ka na kailangan ay hindi sila magdadalawang-isip na burahin ka sa mundo. Kaya pag-isapan mong mabuti kung buhay mo lang ba talaga ang importante sa'yo. Sarili mo lang ba talaga ang gusto mong protektahan. Pag-isipan mo ng mabuti kung tama ba talaga ang mga ginagawa mo. You're just a black so the leaders won't give you another chance. Huwag mo sanang sayangin ang nag-iisa mong pagkakataon."

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now