CHAPTER FIFTY-NINE

78 3 0
                                    

Heide's POV

Naglalakad pa rin kami hanggang ngayon. Mabuti at walang may umaatake sa amin ngayon. Ang masama ay wala pa kaming nakikita na puwedeng pagtaguan. Wala pa kaming pagkain na nahahanap. Hindi ko na alam kung paano kami uusad. Hindi ko na alam kung hanggang saan na lang ang kaya namin.

"Are you tired? Gusto mo ba munang magpahinga tayo?" Tanong ni Ban dahilan para maputol ang malalim na pag-iisip ko.

"No. Let's keep going. Kailangan nating maghanap ng ligtas na lugar at pagkain." Bumuntong-
hininga ako ng malalim at tumingin sa kalangitan. "Sa tingin mo Ban... may pag-asa pa kaya tayo na makalabas dito?"

"Anong klaseng tanong 'yan, Heide? Oo naman. Makakalabas tayo sa lugar na 'to." Sagot nito at  iniharap ang ulo ko sa gawi niya. "Pupunta pa tayo sa Jeju, diba?"

Napangiti ako dahil sa sinabi nito. "Hm. Oo nga pala. Mabuti at pinaalala mo. Muntek ko ng malimutan." Saad ko at inayos na ang sarili ko.

This is not time for me to give up. Kailangan kung maging matatag, hindi lang para sa sarili ko kundi pati na para sa mga kasamahan ko.

"Bakit kinakalimutan mo lang, ah? Akala ko promise natin 'yon?" Angil nito at kinutusan pa ako.

"Aray naman! Muntek ko lang makalimutan pero hindi ko totally nakalimutan. Magkaiba 'yon." Singhal ko sa kaniya.

"Low down your voice! Kapag tayo napansin ng mga halimaw ikaw talaga ang una kung ipapakain." Pananakot nito.

"Ganiyan mo ba itatrato ang kaibigan mong maganda?" Arte ko pero ngumiwi lang ito.

"Maganda? Saan banda? Wala akong makita kahit one percent, eh." Nagkunwari pa ito na parang may hinahanap sa mukha ko.

Hinampas ko naman ang balikat nito dahilan para matawa ito. I'm grateful that I have Ban to make me feel better in this kind of situation. Kung wala siya ay baka tuluyan na akong nawalan ng pag-asa.

"Ayon! May shop do'n." Biglang nagsalita si Gregory kaya napatingin kami sa itinuro niya. May mga bus, kotse at mga bars na nakaharang sa entrance kaya kailangan pang gumapang sa ilalim para makapasok sa shop. Madaling malaman na grocery shop iyon dahil may pangalan sa taas ng building. Marahil ay wala pa ngang nakakapasok doon dahil sa mga nakaharang sa entrance. Pahirapan ang pagpasok.

"Papasukin ba natin?" Tanong ni Ban sa akin habang ang paningin ay nasa shop pa rin.

Hindi ako kaagad nakasagot at hindi ko alam kung bakit. Dapat ay sumang-ayon na ako na pumasok sa ganitong klaseng sitwasyon pero bakit hindi ko ginawa? Ano bang nangyayari sa akin...

"Tara na. Huwag na tayong mag-aksaya ng panahon." Matapos sabihin ni Green iyon ay gumapang na kaagad siya sa ilalim ng bus.

Sumunod sa kaniya ang iba kaya sumunod na lang din kami. Makaraan ang ilang sandali ay tuluyan ng nakalusot ang iba kaya gumapang na din kami ni Ban. Agad kung napansin ang mga matutulis na parte sa nasirang bahagi sa ilalim ng bus at mga kotse pero hindi ko rin iyon binigyan pa ng pansin at nagpatuloy na sa paggapang. Nasa tatlong metro ang kailangang gapangin bago marating ang entrance ng shop. Pero malapad naman ang space na puwedeng paggapangan kaya puwedeng magsabay ang tatlo o apat na tao.

Nang makaalis ako ng tuluyan sa ilalim ng bus ay nakita ko ang mga kasama na nakapasok na sa loob at sobrang saya dahil sa maraming pagkain na nandoon. Hinintay ko pa muna si Ban bago tuluyang pumasok sa loob.

"Wala na tayong problema sa pagkain, Heide!" Masayang saad ni Green habang yakap-yakap ang iba't-ibang klase ng pagkain.

Napangiti na lang din ako matapos mahawa sa sayang nararamdaman niya—nila. Hinayaan ko lang ang mga itong kunin ang gusto nila at kaya nila.  Mas pinili ko na lang na maglibot-libot para makapaghanap ng mga pagkain na puwedeng kunin.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now