CHAPTER TWELVE

195 10 0
                                    

Heide's POV



At nakabalik kami ng buo at ligtas.

Agad namang ibinaba ni Manang Nenfa ang lubid nang makita kaming bumaba sa kotse. Doon naman namin itinatali ang mga container ng tubig at yung mga bag na mabibigat. Naunang umakyat si Mang Edie at CD para sila yung humila ng lubid pataas. Habang kami namang apat na babae ay naiwan sa baba para kami ang maglagay ng mga dala sa lubid.

Pero nang nasa kalagitnaan na kami nang ginagawa ay bigla namang may dumating at basta na lang kaming tinutukan ng mga armas na dala nila.

"Itaas niyo ang mga kamay niyo." Utos ng isa sa kanila. Base sa boses nito ay babae siya.

Lumingon naman ako sa likuran at tumambad naman kaagad sa paningin ko ang lalaki at tinututukan ako ng patalim.

Napasulyap naman ako sa iba at nakitang madami pala ang mga ito. Nasa pito silang lahat.

"Anong kailangan niyo?" Tanong ni Red sa kanila.

"Tinatanong pa ba 'yan? Edi 'yang mga pagkain niyo." Natatawang sagot ng isang lalaki na tinututukan din si Red ng maliit na palakol na hawak.

"P-Paano naman kayo nakakasigurado na ibibigay namin sa inyo ang pagkain namin." Natatakot na asik ni Green.

"Papatayin namin kayo kapag hindi niyo ibinigay sa amin ang mga pagkain na meron kayo." Ang babae na naman ang nagsalita. May hawak-hawak itong shotgun.

"P-Papatayin?" Nagugulat at natatakot din na saad ni Red.

Papasang artista ang dalawang babae na 'to. Tss.

"Oo. Madali lang namang gawin iyon." Walang ano-ano'y itinutok nito ang dulo ng baril kay Black.

Napatingin naman ako kay Red nang bigla na lang siyang sipain ng lalaki sa tagiliran dahilan para mapaigik naman ang kaibigan ko at natumba sa sahig. "Wala naman palang silbi 'yang mga kulay na nasa hikaw niyo. Ganiyan na ang level niyo pero ganito lang kayo kahina? Walang kwenta!" Sigaw nito at nagsitawanan silang lahat.

"At ano 'to? Kasama niyo ang kinakatakutan na si Black pero wala naman palang silbi." Natatawang saad nang isa pang lalaki habang nakatingin kay Black. Balak sana nitong dambahin si Black pero pinigilan lang siya nito gamit ang isang kamay.

"That's enough." Sa isang kurap lang ay may hawak na si Black na katana at nakatutok na iyon sa mismong lalamunan ng lalaki.

Agad naman akong gumalaw at hinawakan sa braso ang kaharap at dinamba ang dibdib nito saka binali ang kamay dahilan para mabitawan nito ang patalim na agad ko namang sinalo saka siniko ang mukha nito. Ginawa ko iyon sa mabilis na galaw at agad na lumapit sa babae na may kulay asul na hikaw. Maliban sa kaniya ay puro puti na ang hikaw ng mga kakampi niya. Bago pa ako nito mabaril ay nahawakan ko na ang ulo niya at nakatutok na sa leeg niya ang patalim na hawak ko.

Napatingin naman ako kina Green at Red at parehong nakatutok na ang baril nila sa mga lalaking nasa sahig at umuubo.

Napatingin naman ako sa natitirang tatlo pero agad din ang mga itong natumba matapos na barilin nila Green at Red ang kinatatayuan nila. "Bakit hindi na kayo tumatawa?" Nakangising tanong sa kanila ni Red at binaril ulit ang gilid ng mga lalaki dahilan para magsigapang naman ang mga ito sa sahig para hindi matamaan ng bala.

Napunta naman ang tingin ko sa babae na hawak-hawak ko pa rin. "Kapag may baril ka. Gamitin mo. Huwag yung hanggang hawak ka lang." Saad ko at hinawakan ang kamay nito na siyang nakahawak pa rin sa gatilyo. Itinutok ko sa isa sa mga kasamahan niya ang baril na hawak niya. "Tuturuan kitang bumaril." Bulong ko sa kaniya dahilan para agad naman itong mag-panic at sinimulan na kunin ang kamay sa gatilyo ng baril pero mas hinigpitin ko lang ang kapit sa baril niya. "Huwag kang masyadong gumalaw. Baka bigla mong mapindot ang gatilyo at sumabog 'yang ulo ng kasama mo." Dagdag ko pa dahilan para matigilan naman ito.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now