CHAPTER EIGHT

222 13 0
                                    

Heide's POV




Andito ako ngayon sa gilid ng building at nakatingin sa harapan. Hindi ako makatulog kaya naisipan ko na tumingin-tingin na lang muna sa buong siyudad. Madilim pa rin ang lugar pero may iilang ilaw na nanggaling sa ibang building na may nakatira kaya kahit papaano ay may gumagawa pa rin ng liwanag.

"You have a sharp eyes for things." Napalingon naman ako sa nagsalita at nakitang si Black iyon.

"You too." Saad ko lang at ibinalik ulit ang tingin sa harapan. "The road outside this city...saan papunta 'yon?" Tanong ko sa kaniya.

"Actually, it's part of the city. Papunta ang daan na 'yon sa bundok. But since you can't hide there. Walang masyadong pumupunta ro'n. Puno ng zombie ang lugar na 'yon." Sagot niya at tumabi sa akin.

"You tried to go there?"

"Yeah."

Natahimik naman kaming dalawa matapos ang usaping iyon. Pareho lang kaming nakatingin sa siyudad.

"Gusto mo bang sumama na maglibot-libot sa baba." Nabigla naman ako dahil sa sinabi niya. Nilingon ko talaga siya dahil doon.

"Nagbibiro ka ba? Ang daming halimaw sa baba. Kakain tayo ng buhay kapag bumaba tayo." Saad ko pero nagkibit-balikat lang naman siya.

"Don't worry. I'll protect you."

"Ayaw ko. Ayaw ko pang mamatay." Agad na tanggi ko.

"Okay."

"How about the plan for tomorrow? Lalabas ba tayo?" Tanong ko at pinailaw ang hawak na flashlight. Hindi man klaro ay nakikita naman namin ang mga gumagalaw sa baba.

"Yeah. We need to find another vehicle. Yung mas matibay at mas mabilis. Yung van ay hindi na tatagal ng ilang buwan. Kailangan na nating maghanap ng bagong masasakyan. Ang malaki na kakasiya ang bilang natin." Sagot niya kaya sandali naman akong natahimik bago tuluyang nagtanong sa kaniya.

"Saan naman tayo kukuha nun?"

"Kung saan meron nun."

"Do you plan to steal those vehicles from those idiots?" Nilingon ko na siya sa pagkakataong ito. Nagkibit-balikat naman siya bago sumagot.

"Yeah. Those vehicles are worth stealing."

"Pero baka patay naman na tayo nun bago pa natin makuha ang mga sasakyan nila. Ang dami nila." Nakangiwing saad ko at napatingin sa building kung nasaan nakatira ang mga tinutukoy naming tao.

"That's the problem. Merong nagbabantay sa buong gusali na iyan ng 24/7. "

"So that's a bad idea. How about...maghanap na lang tayo? Since, marami namang mga sasakyan na nagkalat sa paligid. Tiyak ang iba sa mga iyon ay mapapakinabangan pa." Saad ko habang nakatingin sa kaniya.

"Pwede rin naman 'yang ideya mo. Pero mahihirapan tayo since yung kailangan natin eh malalaking sasakyan at matitibay. Like trucks or van."

"We can find more than one vehicle though. In that case kahit maliit lang ay may masasakyan pa rin tayo."

"You have a point. Actually I found a garage in Northeast part of this city. I think there's some cars and motorcycle there."

"Good. Puntahan natin 'yon." Saad ko.

"But it's too far and dangerous."

"But we need vehicles, right?"

"Well...yeah."

"You two planning this early in the morning." Pareho naman kaming napalingon ni Black sa nagsalita at nakitang si Mang Edie iyon at may dala-dalang tatlong tasa ng kape.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now