CHAPTER FIFTY

96 4 2
                                    

Heide's POV



"Hoy, CD! Bakit sunod ka ng sunod kay Green, ah? Pinapaalala ko lang na oras ng matulog at hindi ang lumandi." Hindi ko na mapigilan na suwayin ito dahil parang aso ito na buntot ng buntot kay Green. He look so cute but... oras na para matulog!

"Anong lumandi ang pinagsasabi mo? Doon din kaya ang kuwarto ko." Nakangusong sabi nito.

"Doon sa kuwarto ni Green? Kailan pa naging kuwarto mo ang kuwarto ni Green, ha? Anong gagawin mo sa kaniya, ha?" Pinaningkitan ko ito ng mata habang tinuturo siya. "Crimson Dale."

Napasinghap naman ito at bumuka ang bibig na para bang hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. "Ang green niyang utak mo, Heide. Doon, sa gawi na 'yon, yung kuwarto ko. Anong kuwarto ni Green ang pinagsasabi mo? At ano ang gagawin ko sa kaniya?" Binunggo nito ang noo sa noo habang sinasamaan ako ng tingin.

"Bakit kasi hindi mo nilinaw? Bakit ba kasi sunod ka ng sunod kay Green, ah? Hindi naman tatakbo papalayo si Green sa'yo, eh." Sinamaan ko rin ito ng tingin habang patuloy na naglalaban ang noo naming dalawa.

"Malinaw ang sinabi ko. Ikaw lang talaga 'tong binibigyan ng meaning yung lahat ng bagay... lalo na sa mahalay na paraan!" Bawi nito at nilayo ang mukha saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko at ininat.

"Grabe yung mahalay, ah? Kung hindi ka sunod ng sunod kay Green ay hindi ako mag-iisip ng kung ano-ano, Dale!" Ayaw ko rin magpatalo. Ininat ko rin ang magkabilang pisngi niya.

"Aray! Aray! Aray! Stop it, Heide." Angil nito at mas lalong ininat ang pisngi ko.

"Masakit! Masakit! Bumitiw ka! Bumitiw ka!" Angil ko rin at mas nilakasan ang pag-inat sa pisngi niya.

"Ikaw mauna! Hindi ako bibitaw hangga't hindi ka bumibitaw!" Sigaw nito. Namumula na ang mga pisngi at mangiyak-ngiyak na rin kagaya ko.

"Ayaw ko." Nanatili kami sa puwesto naming dalawa. Hindi ko siya binitawan at gano'n din siya. Para kaming mga bata ngayon dahil sa ginagawa naming dalawa. Parehong namumula at halos maging kamatis na ang pisngi. Pareho ring mangiyak-ngiyak dahil sa sakit ng mga pisngi naming dalawa. "Wala ka bang planong bumitaw?! Parang maaalis na ang balat ko, CD!" Sigaw ko at sinamaan siya ng tingin.

"Wala! Ayaw mong bumitaw? Puwes, ayaw ko ring bumitaw!" Sigaw nito at sinamaan din ako ng tingin.

"Anong bang pinaglalaban mo, ha? Aminin mo na lang kasi na may balak lang hindi maganda kay Green!"

"Ikaw, anong pinaglalaban mo, ha?! Aminin mo na lang din kaya na mahalay talaga 'yang utak mo!"

"Hindi mahalay ang utak ko! Nagsasabi ako ng totoo!"

"At wala akong balak na hindi maganda kay Green! Nagsasabi ako ng totoo!"

Mas lalo kaming nagsamaan ng tingin. Hindi pa rin namin binibitawan ang mga pisngi ng isa't-isa. Pareho kaming Kay ipinaglalaban. At pareho kaming ayaw na sumuko.

Parang tutulo na ang sipon ko dahil sa sakit ng pisngi ko. Napalabi ako habang masama pa rin ang tingin sa kaniya. "Masakit na ang pisngi ko, CD."

Suminghot ito at napalabi na rin. "Masakit na rin ang pisngi ko, Heide."

"Magbibilang ako hanggang tatlo. Pagkasabi na pagkasabi ko ng tatlo bitawan mo kaagad ako at bibitawan din kita, maliwanag?" Utos ko sa kaniya.

"Bibitawan mo kaagad ako, ah?"

"Oo nga."

"Sige. Bilang ka na."

"Isa." Bilang ko habang hindi pa rin nawawala ang paningin sa kaniya. Huminga muna ako ng malalim saka malakas iyong pinakawalan.

THE UNKNOWN CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon