CHAPTER TWENTY

166 5 0
                                    

Heide's POV



Lumipas ang mga oras at nawala na ang gumagawa ng ingay sa pinto. Wala ng kumakalabog. Pero ito pa rin kami at trap sa lugar na 'to.

"Wala ka bang naitagong pagkain dito?" Galit na tanong ni Green kay Ban.

"Wala. Andoon sa imbakan ang lahat ng pagkain." Sagot nito habang nakataas ang tingin sa kisame.

"Hindi ka man lang nagtago dito kahit kaunti. Ano ba naman 'yan." Naiinis na saad ni Green.

"Hayaan mo na. Ang kailangan nating gawin ngayon ay ang makaalis dito." Awat ni Red sa kasama.

"Gabi na kaya siguradong mas delikado ng lumabas. Pero kailangan nating makaalis dito. Hindi tayo puwedeng magtagal dito." Saad ko at hinigit ang dalawang katana.

"Bakit hindi tayo puwedeng magtagal dito? Ligtas tayo hangga't andito tayo sa loob." Nilingon ko naman yung Ban at tinutukan ito ng isang katana na hawak ko.

"Kung hindi mo gustong umalis dito ay hindi ka namin pipilitin. Puwede kang manatili rito hanggang kailan mo gusto. Magdesisyon ka para sa sarili mo at magdedesisyon din kami para sa sarili namin." Seryusong saad ko habang deritsong nakatingin sa mga mata niya.

"Turuan mo nga ng leksiyon 'yan, Blue. Masyadong epal eh." Saad pa ni Green.

"Tara na. Mukha wala ng zombie sa labas." Imporma ni Red.

"H-Hindi niyo man lang ba pag-iisipan ng maigi 'to bago kayo lumabas?"

"Wala ng oras para ro'n. Sasama ka ba o hindi?" Tanong ni Green sa kaniya.

"S-Sasama."

"Kung gano'n ay hawakan mo ang batang 'to." Binigay sa kaniya ni Green ang bata.

"Bakit ako?"

"Tangina, bakit ba ang dami mong tanong?! Sundin mo na lang ang sinasabi ko kung ayaw patayin kita ngayon." Singhal sa kaniya ni Green.

Hindi ko inaakala na ganito ng klase ng tao yung leader ng mga walang utak. Akala ko matino kahit papaano.

"Bakit mo ba naging kakilala ang isang 'to, Black?" Tanong ko sa kasama na naghahanda na para sa paglabas namin.

"Kailangan ko ng baril. Kailangan niya ng pagkain. Nagpalitan kami ng kung anong meron kami at doon nagsimula ang ugnayan naming dalawa." Sagot nito kaya napangiwi na lang ako.

"Handa na ba ang lahat? Bubuksan ko na 'to." Imporma ni Red at tumango naman kami bilang sagot. Iniisa-isa niya namang binuksan ang mga lock at nang tuluyang maubos ay saka niya na binuksan ang pinto.

Paglabas namin ay wala na ngang mga gumagalang halimaw sa hallway.

Pero tiyak na nasa paligid lang ang mga ito kaya kailangan na maging alerto.

At hindi nga ako nagkamali. Sa hindi kalayuan ay may mga halimaw. "Huwag kayong gagawa ng kahit anong ingay." Pabulong na tanong ko. Halos wala ng boses iyon dahil baka marinig kami ng mga halimaw.

Nagsimula na kaming gumalaw. Mabagal ang bawat kilos at ingat na ingat para hindi makagawa ng kahit ingay.

Matagumpay kaming nakababa pero ikatlong palapag pa lang iyon. Nasa unang palapag ang mga baril at pagkain.

Napatigil ako sa paglalakad at maski paghinga ko ay natigil matapos na may marinig na kalabog sa likod. Unti-unti naman akong napalingon doon at agad na napunta kay Ban ang paningin ko na nasa sahig. Nadapa ang kingina. Mabuti na lang at nahawakan niya ng maigi ang bata.

Napapikit na lang ako nang marinig ang mga humahangos na tunog mula sa iba't-ibang parte ng lugar. "Takbo!" Sigaw ko at nagmamadaling tinakbo ang hallway. Agad namang sumunod ang mga kasama ko sa akin. Mula sa iba't-ibang deriksyon ay lumitaw ang mga halimaw at lahat ng mga ito ay pasugod sa amin.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now