CHAPTER FIVE

265 10 0
                                    

Red's POV


Kamalas-malasang napadaan ang mga walang utak sa daan na dinadaanan namin. At dahil nga walang utak sila ay ayon at nagpapahabol sa mga halimaw. Kaya pati kami ay hinahabol na rin. Nawala na yung mga walang utak sa daan. Hindi na namin alam kung saan sila pumunta. Pero iniwan nila sa amin yung mga halimaw na kasalukuyan kami ngayong hinahabol.

Pero nakakahanga iyong nagmamaneho. Si White. Alam na niya ang daan kahit hindi na sabihin ni Black. Mukhang nasa-ulo na niya ito kanina habang papunta kami. Mabilis ang pagpapatakbo ni While kaya malayo ang agwat namin doon sa mga halimaw.

Pero hindi sapat 'yon...

Kalingan na maiwan ang mga halimaw na 'yon.

"Gumawa ka ng paraan para hindi sila makasunod sa atin." Saad ni Black. Mukhang pareho kami ng iniisip.

"Okay." Sagot ng driver namin at biglang binagalan ang pagpapatakbo dahilan para mapakunot naman ang noo ko.

"Anong ginagawa mo? Maabotan nila tayo." Saad ko.

"Magtiwala kayo sa akin." Saad nito at bigla na lang binilisan ang pagpapatakbo dahilan para mabigla pa ako pero mas lalo akong nabigla na biglang bumalik ang sasakyan pero sa mabilis pa rin na pagpapatakbo. Napapikit na lang ako nang maramdaman na may nabangga kami. Nang lingunin ay nakita ko na ang mga halimaw iyon. Bumilis ulit ang takbo pero paabante na iyon pero may ibang zombie na nakasabit sa likod ng van pero agad ding lumipad ng bigla na lang lumiko si White.

"Hindi tayo dito dumaan kanina." Saad ni Green ng mahalatang umiba ng daan si White.

"Short cut 'to. Sa main street ang lusot nito. Dito dumaan yung mga pahamak. Ibabalik ko lang sa kanila ang winala nila." Sagot nito at binilisan ulit ang pagpapatakbo. Nagugulat na lang akong napatitig sa kaniya. Paano niya nalaman na sa main road ang lusot nito? Hindi pa siya nakakadaan dito kanina, ah? "Gumawa ka ng ingay, Green." Utos niya pa sa babaeng nasa harapan din nakaupo.

"Balak mo bang palabasin lahat ng mga halimaw? Wala na yung araw, White." Saad ni Green.

"Nakuha mo. Ipapahabol natin ang mga pisteng lalaking 'yon sa doble ng bilang ng pinahabol nila sa atin." Natawa na lang ako matapos marinig ang naiinis na boses ni White.

Ganito pala siya kung mainis. Nakakabilib.

"Gawin mo na lang." Saad ko kaya bumuntong-hininga na lang si Green at binuksan ang bintana at nagpaputok. Agad na nagsilabasan ang mga zombie na nasa gilid-gilid at hinabol din kami. Napangiwi na lang ako nang makita ang dami ng bilang ng mga halimaw na iyon.

"This is insane." Sigaw pa ni Green bago tuluyang sinarado ang bintana at bumalik sa pagkakaupo. "Ayusin mo, White. Hindi kita papakainin mamaya kapag napahawak tayo." Pananakot pa ni Green sa nagmamaneho.

"Walang problema." Biglang bumilis ang takbo ng sasakyan at naririnig ko na ang ingay ng tawanan ng mga walang utak. Sila iyong isang grupo na marami ang bilang. At palaging gumagawa ng mga bagay na ikapapamahamak nila at nandadamay pa.

Mga walang utak talaga.

Nakita namin na may sumusunod din sa mga ito na mga halimaw. Nasa kabilang daan sila.

"Damn." Naiusal ko na lang at napahawak sa upuan nang ma-realize kung ano ang gagawin ni White.

Bigla na lang niyang binilisan lalo ang pagpapatakbo at lumiko sa kabilang linya, sa mismong harapan nung pinakaunang kotse. Biglang itinigil ni White ang sasakyan dahilan agad ding mapatigil ang mga walang utak. "Madami kaming dalang regalo sa inyo. Magpakasaya kayo, mga walang utak!" Si Green ang sumigaw nun na ikinatawa na lang namin. Pinaandar ulit ni White ang sasakyan at pinatakbo ng mabilis. Iniwan yung mga walang utak na ngayon ay hinahabol at malapit ng maabotan ng mga halimaw.

THE UNKNOWN CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon