CHAPTER TWENTY NINE

146 3 1
                                    

Heide's POV




Sa wakas at dumating na ang umaga.

Nag-ayos na kami para bumaba sa tenth floor at tingnan kung anong nangyayari ro'n. Kung may halimaw ba ro'n o wala na. Sana ay wala na para hindi na kami mahirapan na kunin ang mga gamit namin doon.

"Bubuksan ko na." Imporma ni Red na nasa pinto na ngayon.

Tumango naman kami at naging handa. Bumilang pa si Red bago tuluyang buksan ang pinto. Agad namang may sumugod na tatlong halimaw sa amin pero binaril na kaagad namin iyon bago pa makalapit.

"Tara." Aya ni Black at naunang bumaba at agad na binaril ang mga halimaw na sumusugod sa amin.

Nang makababa ay ro'n na tumambad sa amin ang mas madami pang halimaw. Naghiwalay naman kami at pinagbabaril ang mga sumusugod at hindi tumigil sa pagpapaputok hanggang sa hindi ang mga ito nauubos.

"Mas dumami pa sila ngayon." Saad ko habang nakatingin sa mga bangkay. Tiningnan ko naman ang pinto na bumigay na iyon kasama ng matibay na harang.

Pero...

Masyadong matibay pa ang harang at bakit magkakasabay na nangyari ang pagsugod ng mga halimaw kagabi?

Napakunot naman ang noo ko ng may mapansin. Linapitan ko ang pinto at dinampot ang kadena.

Kadena na lang ang nandito. Wala na yung padlock...

Hinanap ko naman iyon dahil baka nasa paligid lang pero wala talaga.

"Sa tingin ko ay may taong gumawa nito."

Napalingon naman ako at nakita si Black na nakatingin na rin sa kadena.

"Iyon nga rin ang iniisip ko. Pero sino naman ang gagawa nito?" Pabulong na tanong ko rito na tanging kami lang ang makakarinig.

"Hindi ko alam. Wala rin akong balak na paghinalaan dahil wala naman akong nakita." Saad nito saka hinarap ako. "Ikaw? May pinaghihinalaan ka na ba?" Tanong nito.

"Ang totoo ay... wala pa." Sagot ko at ibinalik ang paningin sa mga kasama ko. "Kailangan na nating umalis dito."

"Sigurado ka?" Tanong nito.

"Wala na tayong ibang magagawa pa. Hindi na tayo ligtas dito."

"Kung gano'n ay saan mo balak pumunta kapag umalis na tayo rito?" Tanong nito kaya napabuntong-hininga naman ako.

"Hindi alam. Ikaw? May naiisip ka na ba?" Balik na tanong ko sa kaniya.

"Meron akong nakitang lugar. Pero hindi ko sigurado kung ligtas pa ba ro'n ngayon. Tingnan na lang natin."

"Sige. Dalhin natin ang mga pagkain, gamit at mga baril. Kailangan natin ang mga iyon." Saad ko at naglakad na palapit papunta sa mga kasama at tinulungan na ang mga ito sa pagbubuhat ng mga gamit na dadalhin namin sa taas.

"Paano kung sa paglabas natin ay subukan na rin nating hanapin ang labasan ng lugar na 'to, Heide?" Suhestiyon ni Black na nasa tabi ko.

Nilingon ko naman ito at tinitigan ng ilang sandali. "Magandang ideya 'yan. Para na rin makaalis na tayo sa lugar na 'to. Hahanapin natin ang pisteng labasan na 'yan."

Tumango naman ito at nagbuhat na rin ng ilang mga bag. Inayos na rin namin ang mga damit namin at inilagay na iyon sa iba pang bag at dinala na sa taas.

Nang matapos ang pagdadala ng mga gamit sa rooftop ay nag-ayos naman kami para sa pagbaba. Nauna si Ban at CD dahil sila ang maglalagay ng mga gamit na naibaba sasakyan. Sumunod naman si Green at Red nang matapos na rin na makapag-ayos. Sila ang magbabantay ro'n sa dalawa. Pinababa na rin namin si Aling Nenfa at ang mga bata para mauna na sila ro'n sa sasakyan. Habang kami ni Black ay nagpaiwan para magtali ng mga bag at magbaba ng lubid kung saan nakatali ang bag. Halos ilang sandali rin ang kinain niyon bago kami tuluyang natapos. 

THE UNKNOWN CITYМесто, где живут истории. Откройте их для себя