CHAPTER THIRTY SEVEN

137 5 0
                                    

Green's POV


"Puwede ka ng umalis. Ayos na ako rito." Saad ko habang nakatingin sa lalaking nakaupo sa gilid ng higaan ko.

"Ganiyan mo na ba ako kagusto na umalis?" Tanong nito at nilingon ako.

Tinaasan ko siya ng kilay at mahinang siniko. "Masyado kang advance. Hindi ka pa kumakain, diba? Kumain ka na lang muna tapos balikan mo na lang ako mamaya. Puwede rin na hindi na kung ayaw mo na akong bantayan. Walang problem--"

"Ikaw 'tong advance." Mahina niya akong kinaltokan at natawa. "Dadalhan daw tayo ni Aling Pista ng makakain dito para hindi na tayo bumaba. Hintayin na lang natin 'yon. At huwag mo akong sabihan kung anong dapat kung gawin. Dito lang ako at wala ka ng magagawa." Saad nito at nginitian pa ako.

"Tss. Ang pangit mo." Angil ko pero nakatingin pa rin sa mukha niya.

"Nagsalita yung hindi maganda." Bawi nito kaya siniko naman siya.

"Sinong hindi maganda, ah?" Nanghahamon na tanong ko sa kaniya at pinaningkitan pa ito ng mga mata.

"Wala. Sabi ko nga ang ganda mo." Natatawang saad niya at inilagan ang hampas ko.

"Bakit ka natatawa?" Hinampas ko ulit ito at natamaan na siya. Parang wala lang naman iyon sa kaniya dahil mahina lang yung pagkakahampas ko. Wala akong lakas.

"Wala. Magpahinga ka na nga lang diyan."

"Tss. Nakakabagot kayang humiga lalo na at sumasakit pa ang ulo ko."

"Sumasakit pa ang ulo mo?" Tanong nito at idinikit ang likod ng palad sa noo ko. "Ayos ka lang? Bumaba na ang lagnat mo pero medyo mainit ka pa rin."

"Ayos lang ako. Huwag ka ngang mag-alala sa akin. Ang creepy, eh." Sabi ko habang pinipitik ang siko niya. Wala akong magawa, eh.

"Sino ba ang may sabi na nag-aalala ako?" Tanong niya kaya nginiwian ko naman siya at sinampal ang mukha niya gamit ang buo kung palad.

"Yung mukha. Ang pangit na mukha mo yung may sabi sa akin na nag-aalala ka." Sabi ko at pinanlisikan pa siya ng mata.

"Ang pangit mo pala kapag malaki ang mata mo." Saad niya na parang big deal ang nalaman.

"Mas mabuti na yung akin kesa naman sa'yo na pangit na talaga simula ng ipinanganak ka." Pang-ta-trash talk ko pa sa kaniya.

"Aba. Aba. Ang mukhang 'to? Pangit yung mukhang 'to? Sure ka? Final answer na 'yan?" Parang timang ito na nakaturo sa mukha niya habang nagtatanong.

"Oo. Ang pangit niyang mukha mo."  Dinuro ko ang noo nito dahilan para mapahiga siya sa sahig. Sa sahig lang kasi nakalagay ang higaan namin.

Tumawa naman ako ng malakas habang hinahampas ang unan ko. Ito naman ay sinamaan ako ng tingin pero benalewala ko lang iyon at nagpatuloy sa pagtawa.

"Tawang-tawa? Sinaktan mo na nga ako tapos tinawanan mo pa ako." Pagdadrama niya. Tumigil naman ako sa pagtawa saka bumangon at naupo. Hinaplos ko pa ang ulo nito na para bang alalang-alala.

"Masakit ba? Saan masakit? Ituro mo at hihipan ko." Tanong ko pero agad din na tinawanan siya.

"Bahala ka nga. Aalis na ako."

Bigla na lang itong tumayo kaya pinigilan ko naman siya at pinaupo ulit. "Ito, binibiro lang, eh." Natatawang saad ko at pinisil ang magkabilang pisngi niya. "Dito ka lang. Nakakatuwa kang kasama, eh."

"Psh. Nakakatuwa pala yung saktan ako?" Pagdadrama pa niya.

"Saan nga yung masakit at hihipan ko." Sabi ko kaya pinaningkitan naman ako nito ng mga mata.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now