CHAPTER THIRTY FIVE

133 10 1
                                    

Heide's POV




Malayo si Black mula sa amin. Nagpatuloy na ulit kami sa paghahanap pero mula pa kahapon ay wala na kaming kibuan. Kung may magsalita man ay hindi rin nagtatagal ay tumatahimik din. Mula kahapon ay si CD at mga bata lang ang kumausap sa akin.

Hanggang ngayon... hindi pa rin nawawala ang pagdududa ko kay Black.

Siguro ang iba ay naniwala na sa kaniya. Gusto ko rin na maniwala pero mayroon sa loob-loob ko na nagsasabing huwag akong maniwala. Sarili ko mismo ang kalaban ko sa pagdedesisyon.

Sinulyapan ko ang mga kasamahan at pare-parehong tahimik ang mga ito at halatang marami rin ang iniisip maliban sa mga bata.

"Gutom na po kami, Ate Heide." Saad ni Klara matapos na mahinang hatakin ang damit ko.

Tumigil naman ako sandali at binuksan ang bag para tingnan kung anong pagkain ang mayroon pa kami. Tanging iilang biskwit na lamang iyon. Siguro hanggang bukas na lang talaga iyon. Kumuha na ako ng dalawa at binigyan sila ng tig-isa ni Ion. "Kumain na kayo." Nakangiting saad ko at mahinang tinapik ang ulo nilang dalawa.

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Nagsisimula na akong nakaramdam ng pagod, antok, panghihina at sakit ng katawan. Siguro dahil kulang ako sa lahat-lahat. Kulang sa tulong, pahinga, pagkain, tubig at kung ano-ano pa.

Hindi ko na mabilang kung ilang kilometro na ba ang nilakad namin. Pakiramdam ko ay sobrang layo na kasi. Pero kahit sobrang layo na ng napuntahan namin ay wala pa rin kaming nakikita na ligtas na lugar. Hindi pa rin namin nahahanap ang labasan.

Kailangan pa kaya namin mahahanap iyon? Buhay pa kaya kami sa mga oras na iyon? Magtatagal pa kaya kami sa lugar na 'to? Lalo na ngayong maski ang pagkain namin ay papaubos na.

"Ate nauuhaw po ako." Saad ni Ion kaya kinuha ko naman ang bote ng tubig na nasa akin at nakitang papaubos na rin iyon.

"Ako rin po." Segunda ni Klara.

Ngumiti naman ako at ibinigay sa kanila iyon. "Paghatian niyo na lang dalawa, hm?" Saad ko at tiningnan silang inumin iyon.

Siguro ay mayroon pa naman ang iba...

Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang palinga-linga sa paligid. Umaasa na may mahanap na kaming matutuluyan. Umaasa na may makita kaming store na may mga pagkain pang laman o kung ano man na puwede pang mapakinabangan.

Pero masaklap talaga ang buhay rito. Pinapatay ng lugar na 'to ang kaunting pag-asa na mayroon kami.

Dumaan ang oras hanggang sa sumapit ang hapon pero wala pa rin kaming nakikitang kahit ano. Walang matitirahan na maayos. Walang pagkain. Walang mapapakinabangan. Wala talaga. Puro pagkasira at halimaw ang nakikita namin mula pa kanina.

At lumipas ang mga araw namin na gano'n lamang ang nakikita. Palaging sawi na makita ang labasan o makapaghanap ng matutuluyan. Sa mga nagdaang-araw ay mas lalo kaming nagdusa. Paliit ng paliit na ang kinakain namin. Wala na rin kaming tubig.

Tuluyan ng bumagsak ang lakas ng mga katawan namin. Nagsisimula ng manghina...

Halos hindi ko na magalaw ng maayos ang kamay ko at paa. Nahihilo na rin ako at nagmamakaawa na ang lalamunan ko dahil tuyong-tuyo na ito.

Nasa dalawang araw na kaming nagtitiis ng pagkauhaw at pagkagutom. Nakakainom kami pero isang beses lang sa isang araw. Tipid na tipid dahil kapag inubos namin kaagad iyon ay wala na kaming iinumin pa sa mga susunod na araw. Wala na rin kaming makain kaya wala na rin kaming lakas.

"Green!"

Napalingon ako sa gawi nila Red nang marinig itong sumigaw at nakita si Green na nakahiga na sa lupa. Agad akong tumakbo papunta sa gawi nila at tiningnan ang kalagayan ni Green. Putlang-putla ang labi nito at nanunuyo. Punong-puno rin ito ng pawis. At sobrang init din ng temperatura ng katawan niya.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now