CHAPTER FORTY EIGHT

88 7 0
                                    

Heide's POV




"Ban." Tawag ko sa lalaki na siyang pinakamalapit sa akin.

"Bakit? Anong problema at nagmamadali ka?" Tanong nito at agad na tumayo.

"May pumasok na kung ano sa mata ko. Tingnan mo nga. Bilis." Pagmamadali ko sa kaniya dahil sumasakit na talaga yung mata ko, parang may tumutusok.

"Huwag kang gumalaw." Utos nito kaya nanatili naman akong nakatayo habang nakadilat ang mata. Habang ito ay tiningnan naman ang mata ko para tingnan kung ano ang pumasok sa mata ko.

"Anong nakikita mo?"

"Mata mo."

"Ito baliw rin, eh." Naiinis na asik ko at hinampas ang braso niya. "Ano nga?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala naman akong nakita maliban sa mata mo. Baka alikabok lang." Natatawang sabi nito.

"Seryuso na kasi, Ban. Sasakalin talaga kita kapag hindi ka tumigil."

"Alikabok nga lang ang pumasok sa mata mo. Teka, hihipan ko." Kumuha ito ng tela at inilagay sa harapan ng mata ko bago hinipan.

Napakurap-kurap naman ako sandali para tingnan kung ayos na ba ang mata ko pero mayroon pa rin kaya tinapik ko ang braso nito. Hinipan niya naman ulit ang mata ko at doon na tuluyang nawala ang makati sa mata ko.

"Ayos na?"

"Oo. Salamat sa tulong." Saad ko at basta na lang itong tinalikuran.

"Hoy! Anong salamat? May kapalit kaya ang pagtulong ko." Saad nito kaya hinarap ko naman siya ulit at inambaan na kukutusan.

"Anong kapalit, huh? Madami ka pa kayang utang sa akin." Angil ko at pinanlakihan ito ng mata.

"Ito inaano kaagad yung mga naitulong." Parang batang nagmamaktol ito.

Nakakatuwa talagang biruin at inisin ang lalaking 'to. Hindi na ako nagtataka kung bakit palagi siyang iniinis ni Green. Mas matanda ito kesa sa amin pero may side ito na hindi tugma sa edad niya.

Such a cutie.

"Biro lang. Ano ba gusto mo na gawin ko?" Tanong ko habang pabalik sa gawi niya.

"Turuan mo ako kung paano gumamit niyan." Pagtukoy nito sa katana.

"Bakit naman? Alam mo ng gumamit ng iba't-ibang klase ng baril, hindi ba?"

"Mas mabuti ng marami akong armas na alam gamitin. Kaya sige na, turuan mo na ako."

"Ang hirap mo kayang turuan. Baka ilang buwan pa ang lumipas bago ka matuto, eh." Nakangiwing saad ko pero umiwas din matapos ako nitong sugurin.

"Hindi totoo 'yan, ah! Bawiin mo! Bawiin mo! Madali kaya akong turuan." Nanlalaki ang mata nito habang nakatingin sa akin. Parang bata talaga maka-react ang lalaking 'to kapag binibiro.

Nahawakan ko na ang tiyan ko dahil sa labis na katatawa. Panay ang hampas ko sa hita at naiiyak na. Halos kapusin ako ng hininga bago ako tuluyang tumigil sa pagtawa.

"Happy?"

"Yeah." Sagot ko at inakbayan ito. Bumuntong-hininga pa muna ako bago sumeryuso. "Pasensiya pero hindi kita matuturuan ngayon, eh. May mga gagawin pa ako. Pero kung gusto mo talagang matuto ay puwede mong hingin ang tulong ni Red. Marunong din siyang gumamit ng katana kaya matutulugan ka niya. Magaling din siya sa pagtuturo kaya tiyak ako na marami ang matututunan mo sa kaniya."

"Ano ba ang gagawin mo?" Tanong nito dahilan para mapatitig naman ako sa mga naglalarong bata na nasa harapan namin sa medyo kalayuan.

Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya ang nalaman namin ni Gregory ng nakaraan. Pero sa lahat ng nasa grupo ay si Ban ang lubos na pinagkakatiwalaan ko sa lahat.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now