CHAPTER TWO

409 16 2
                                    

Heide's POV



"This city is called The Unknown City. Walang nakakaalam kung anong siyudad ba talaga 'to. Saan banda ba ng mundo ang lugar na 'to." Pagpapaliwanag ni Red. Ang ikalawang babaeng tumulong sa akin kanina. Andito kami ngayon sa taas ng building. Dito daw sila ni Green nananatili.

Tinitingnan namin ang buong siyudad mula sa kinatatayuan namin. Madilim ang ibang parte ng siyudad kaya hindi namin nakikita ang nangyayari doon. Habang dito naman sa taas kung nasaan kami ngayon ay may ilaw dahil may malalaking flashlight sila. Ito ang nagbibigay ilaw sa kanila at yung apoy na rin na siyang pinagkukuhanan namin ng init. Malamig kasi dito sa kinaruruunan namin. Sa ibang taas ng building na malayo sa amin ay may ilaw din akong nakikita. Siguro ay may ibang tao din na nakatira doon.

"Siguro nagtataka ka bakit ka biglang napunta dito, no?"

"Yeah. Ang naaalala ko lang talaga ay nasa kwarto ako at natulog. Tapos paggising ko nasa isang kotse na ako doon sa may daan kanina. Ginawa ko na ang lahat para magising dahil akala ko nananaginip ako pero sinampal ko na ang sarili ko ay hindi pa rin ako nagising. Kaya doon ko na naisip na totoo ngang nangyayari 'to. Pumunta ako dito sa city dahil nagbabasakali ako na makakita ng tao na makakatulong sa akin na makabalik sa bahay." Pagkukwento ko saka bumuntong-hininga.

"You can't go back anymore, Heide." Saad nito dahilan para matigilan naman ako.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kaniya.

"You can hide. You can run. You can do that things here to be alive. But you can't escape this place. No one succeeded to escape this hell. Even the first human who got here." Seryusong sabi nito habang nasa kalangitan na ang paningin.

I can't escape this place? Paano ako makakaalis kung gano'n? Paano ako makakauwi? Ayaw kung manatili dito.

"First human?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah. She's been here for five years. But she said that the Unknown City is endless. Oh, she's the one who taught us to fight, by the way. She really good at killing those monsters." Five years?! Nakayanan niyang tumagal dito ng limang taon? At nananatiling buhay?

"She is sure tough." Naiusal ko na lang.

"Yes. She is." Biglang lumitaw sa tabi ko sa Green na may dalang flashlight. Pinailaw niya iyon at itinapat sa baba dahilan para makita ko ang mga gumagalaw doon. Parang sardinas ang mga zombie sa baba dahil sa sobrang dami. "Did you saw those monsters who get burned in the entrance of the city?"

"Yes..."

"She's the one who made that. She hate zombies. Even this hour, she's outside and killing some." Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kaniya pero tumawa lang ito.

"Are you serious?"

"Ofcourse I am. No one ever messed up with her. Siya ang kinakatakutan ng mga taong nandito. We're just lucky that she on our side."

"Magkakilala na ba kayong dalawa bago pa kayo mapunta dito?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"No. Nakilala ko si Red matapos akong iligtas ni Boss. Mula nun ay tinuruan kami ni Boss na lumaban hanggang sa natuto kami." Sagot ni Green.

"Wait, totoong pangalan niyo ba talaga 'yan. Red and Green?" Tanong ko sa kanila.

"Pft. Ofcourse not. Here. They have five levels of humans. The Black, that is the first human who came here and the strongest alive. The Red. The Green. The Blue. And The White, the lowest level. And since, it's easy to say, iyon an lang ang itinatawag ng mga tao sa isa't-isa." Pagpapaliwanag niya.

"Paano...niyo nalalaman kung anong level kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Here. Kung anong kulay na nakikita mo ay iyon ang kulay mo." Bigla nitong ipinakita ang parang hikaw na nasa tenga niya. Akala ko talaga ay hikaw lang iyon. Pula ang nakalagay kay Red. "You're level is White." Turo niya sa akin.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now