CHAPTER THIRTY NINE

131 5 1
                                    

Red's POV


Gashtel and the others treat us well. Lalong-lalo na si Heide. Siguro dahil nakikita nila si Heide bilang susi para makalabas sila sa lugar na ito. Masaya rin ako sa katotohanan na may pag-asa pa nga talaga kami na makalabas sa lugar na ito dahil may ibang tao na rin na nagtagumpay na makalabas. Lalo na at kasama namin si Heide kaya sigurado na hindi na talaga impossible na makalabas.

Ngayong araw ay napagdesiyonan na muna namin na magpahinga dahil halos ilang araw na kaming walang pahinga ng nakaraan. Bukas na ulit kami lalabas.

"Sigurado ka ba na ayos ka na talaga? Puwede kang magpahinga tutal ay wala rin  masyadong gagawin." Umayos na Ang pakiramdam ni Green at ito at gusto na raw umalis dito sa kuwarto. Nababagot na siguro ito rito.

"Ayos na ayos na ako. Gusto ko na rin na lumabas para makita yung Gashtel at yung ibang mga kasama niya kung mapagkakatiwalaan nga ba." Sabi nito at isinukbit ang baril sa tagiliran. "Hindi puwede ang traidor sa grupo natin." Dagdag pa nito at tinapik ang balikat ko.

Hindi kaagad ako sumunod sa kaniya kaya tumigil naman ito sa paglalakad at nilingon ako at may pagtataka na sa mukha niya. "Pinaghihinalaan mo pa rin ba si Black, Green?" Tanong ko rito. Nakita ko kung paano ito natigilan bago siya bumuntong-hininga.

"Sa totoo ay hindi ko na talaga alam, Red. Oo, matagal na natin na nakasama si Black. Siya ang nagligas sa atin. Siya ang dahilan bakit hanggang ngayon ay buhay tayo. Pero hindi naman natin puwedeng isan'tabi ang mga sinabi ni Heide dahil may mga laman din ang mga sinabi niya. At isa pa, wala namang dahilan si Heide para magsinungaling sa atin, hindi ba? Halos lahat ng sinabi niya ay totoo. Kagaya na lang nang nakaraan noong naghahanap tayo ng matutuluyan. Sobrang tagal na ni Black dito at halos alam niya na ang bawat sulok ng lugar na 'to. Pero lahat ng itinuro niya ng nakaraan ay wasak at sira na... at matagal ng gano'n iyon. Pero hindi na lang ako nagsalita tungkol doon dahil nga baka nasira lang ang lugar na iyon pagkatapos niyang makita. Pero yung kay Ban ng nakaraan... pareho nating nakita 'yon, Red. Nakita ng mismo mga natin kung paano niya tinutukan ng baril sa ulo si Ban ng wala man lang pag-aalinlangan. Hindi ko na talaga alam kung anong paniniwalaan ko. Hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko." Bakas sa mukha at boses nito na naguguluhan talaga ito.

Tama siya... nakita rin namin si Black nang tutukan niya ng baril sa ulo si Ban. Ang dali lang para sa kaniya na gawin iyon kahit na kasama namin sa grupo si Ban.

Pero...

"Pero kung talagang traidor siya at kung talagang gusto niya tayong patayin... bakit hindi niya ginawa iyon simula pa noon. Ang tagal na natin siyang kasama pero wala naman itong ginawang masama sa atin. Hindi ba masakit sa part niya 'yon na tayo na nga itong tinulungan niya pero tayo pa itong nagdududa sa kaniya? Kung hindi dahil sa kaniya ay patay na tayo, Green."

Natahimik naman ito at tinitigan ako ng ilang sandali. "Bumalik na ng tuluyan ang tiwala mo sa kaniya?" Tanong nito habang deritsong nakatingin sa mga mata ko.

"Oo." Mabilis na sagot ko at linapitan siya. "Kaya dapat ay ikaw rin."

"Red..."

"Pagkatiwalaan mo siya ulit alang-alang man lang sa matagal na pinagsamahan natin." Saad ko pa.

"Paano kapag gawin din niya sa atin ang ginawa niya kay Ban?" Tanong nito dahilan para ako naman ang matigilan.

"H-Hindi niya 'yon magagawa..."

"Paano ka nakakasigurado? Nagawa niya nga kay Ban, hindi ba?"

"Mas matagal niya tayong kilala kaya hindi niya gagawin sa atin 'yon!" Naiinis na sigaw ko.

Umiling naman ito at malungkot na ngumiti. "Matagal o hindi... pare-pareho tayong magkagrupo, Red. Ang katotohanan na nakaya niyang gawin iyon kay Ban... ay sapat ng dahilan para isipin ko na kaya niya rin iyong gawin sa atin. Wala iyon sa tagal. Paano kapag ginawa niya sa atin 'yon? Paano kapag nagtiwala ako ulit sa kaniya pero sa huli ay tama pala ang mga naiisip ko? Sobrang sakit umasa, Red. At ayaw na ayaw ko na masaktan."

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now