CHAPTER ONE

513 21 0
                                    

Heide's POV

Nagising ako nang maramdamang parang malamig ang buong paligid. Napamulat naman ako at kinusot ang mga mata. "Is it morning already..." Unti-unti akong natigilan ng makita ang nasa harapan ko.

I'm inside a car. And infront of me... is ruins. It's like a city of Ruins. Giba-giba ang mga building at walang kahit anong gumagalaw. Sobrang tahimik ng buong lugar.

"Nasaan ako? This is not my room for fuck sake." Mahinang saad ko habang nanatili ang paningin sa harapan. Wala talagang gumagalaw. Para bang wala ng tao. Lahat ng nakikita ko ay sira.

Is this a dream?

Kinurot ko naman ang sarili ko pero napangiwi na lang ako ng masaktan.

I'm not dreaming.

But this is not real. Nasa kuwarto lang ako kanina at natutulog. Bakit ako biglang napunta sa lugar na 'to? Anong nangyayari?

Gumalaw naman ako at lumabas sa sasakyan at sinimulang tingnan ang buong paligid. Ang daming sasakyan na nakaparada sa lugar kung nasaan ako ngayon. Nasa gitna ako ng daan. Sobrang dami ng mga kotse na nakikita ko pero halatang matagal ng walang gumagamit. Sobrang tahimik din ng buong lugar. Para bang walang may nakatira...

But it is even possible?!

Nagsimula naman akong maglakad habang palinga-linga pa rin sa paligid. "Nasaan ba talaga ako?" Tanong ko sa sarili.

Panaginip lang ba talaga 'to? Pero bakit parang sobrang totoo naman ata...

Napunta ulit ang paningin ko sa harapan. It was a city of Ruins indeed.

But maybe someone is there, right? Makakapagtanong ako kung nasaan ba talaga ako.

Pero bakit ako napunta rito? Ang naaalala ko ay nasa kuwarto lang talaga ako at natutulog.

Nagsimula naman akong maglakad papunta sa siyudad na nasa harap. Kung lalakarin ko ay makakarating ako doon matapos ang sampung minuto.

Tumigil muna ako sandali at malakas na sinampal ang sarili ko. Baka sakaling magising ako pero uminit lang ang pisngi ko ay wala talagang nangyayari. Hindi talaga ako nagigising, ibigsabihin ay hindi ako nananaginip. "This is really real." But it's hard to believe.

What the hell is happening! I want to go home.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nagbabakasali na baka may makita akong tao na puwede kung mapagtanungan kung nasaan ba talaga ako at kung paano makakabalik sa bahay.

Kailangan ko na lang makabalik sa bahay para matapos na 'to.

Kahit na hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na 'to.

Kinapa ko naman ang bulsa ko at naramdaman ko naman ang cellphone ko kaya agad ko namang kinuha iyon pero agad din na napangiwi ng makitang walang signal. Ibinalik ko na lang ulit iyon sa bulsa at nagpatuloy na lang sa pagmamasid sa paligid.

Mula kanina ay wala pa akong nakikitang tao maski isa. Maski nga bagay na gumagalaw ay wala pa akong nakikita.

Weird.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad dahil tiyak na wala akong mapapala kapag nanatili lang ako sa puwesto ko. At gusto ko na rin makauwi. Masyado na akong nahihiwagaan sa lugar na kinalalagyan ko ngayon.

Natapos nga ang mahigit sampung minuto ay narating ko na ang siyudad. "It's really a city of Ruins." Mas kitang-kita ko ngayon kung gaano kasira ang buong lugar. Maybe a strong typhoon did this? Maybe a battle happened here or a bombing? This place is really in a bad condition.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now