CHAPTER FIFTY-FOUR

93 5 0
                                    

Heide's POV



"Napagdesiyonan namin na magpatuloy na sa paghahanap ng labasan. Mas mabuti ng may nagagawa kami kahit papaano para mahanap iyon kesa ang manatili rito at maghintay sa kamatayan natin. Sasama ba kayo sa amin?" Kausap ko ngayon si Gregory.  Andito kami sa rooftop at nakatingin sa ibang mga gusali na sira.

"Magandang ideya iyan... pero hindi ba kayo natatakot na lumabas, Heide? I mean, mas lalong dumami ang halimaw sa labas. Mas lalong naging mapanganib." Bakas sa boses niya na nag-aalala ito at kinakabahan.

Naiintindihan ko ito at ang nararamdaman niya. Dahil alam kung totoo ang lahat ng sinabi niya.

Pero...

"Gusto na namin na makaalis sa lugar na ito, eh. Handa kaming lumabas para hanapin ang labasan kahit pa alam namin na mapanganib. Sawang-sawa na kami sa hirap at pagdurusa na napagdaanan namin dito. Ayaw na naming manatili pa rito ng matagal." Kung isang pangit na panaginip lang ito ay gustong-gusto ko na talagang magising. Ito ang pinakapangit na panaginip na nangyari sa tanang buhay ko kung nagkataon pero ayos na iyon kesa naman sa isipin na andito kami at purong katotohanan iyon.

All I can see from here is ruins and those goddamn zombies that keep on moving like a worm. And all I can feel rightnow was sadness, pain, misery, and a lot of those negative feelings. I'm sad for those people who died... especially those people who's close to me. Everytime I remember their deaths all I can feel is pain, a lot of pain. And that makes me miserable up until now and maybe even until I die. This place can break you a hundred of times. Those goddamn leaders can people kill you a million of times even you're still alive. I pity myself everytime I remember my sufferings here in unknown city.  I pity my friends because they also experience and keep on experiencing the suffering that this living hell gives to us.

I want to cry but for some reasons... I didn't shed even a single drop of tears. Maybe because I'm already used to pain or... wala na talaga akong maiiyak pa dahil naubos na ng nakaraan.

Baka ito na ang kabayaran sa kasalanan na nagawa ko--sa pagpatay ko sa father ko.

But isn't this too much?

Kung buhay ko ang kukunin nilang kabayaran dahil sa kasalanan na nagawa ko ay matatanggap ko pa. Pero yung ganito... mas matindi pa ito kesa sa pinatay ako.

"Kung buo na talaga ng desisyon niyo ay wala na akong magagawa para pigilan kayo. Gusto ko rin na sumama sa inyo pero mas mabuti na muna kung tatanungin ko ang mga kasamahan ko kung ano ang opinyon nila." Umiintindi at nagpapaintinding sabi niya.

"Sige lang. Sa ngayon ay magpaplano pa muna kami kung ano ang gagawin namin kapag nasa labas na kami. Paano kami magtatagal at mananatiling buhay ro'n. Saan kami kukuha ng pagkain namin. Hindi naman puwede na kunin na lang namin ang pagkain na mayroon kayo rito. Paano namin titiisin ang pabago-bagong panahon. Pag-uusapan din namin kung saan nakalagay ang posibleng labasan. Puwede kang sumali mamaya para may kaalaman ka rin sa mapag-uusapan namin." May tiwala ako sa kaniya kaya ayos lamang kahit na sumali at makinig ito sa usapan namin.

"Sige, magandang ideya iyan. Salamat sa pag-imbita."

"Hm. Maiba lang ako, Gregory. Anong nangyari sa lalaking 'yon?" Pagtukoy ko sa muntek ng pumatay kay Black ng nakaraan. Yung lalaki na siyang murderer ng naganap na massacre rito ng nakaraan. Ang dahilan bakit namatay ang mga bata.

"He's dead. Sa kabila ng ginawa niya ay hindi pa rin maatim ng konsensiya ko na basta na lamang siyang ipakain sa mga halimaw kaya inilibing ko siya." Narinig ko pa itong bumuntong-hininga at nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko na umiling-iling pa ito.  "Kahit na ilang beses kung isipin 'yon ay may mga tanong talaga ako na hindi nasasagot. At 'yon ang kung paano niya naatim na pumatay ng gano'n karaming tao ng hindi man lang siya nakokonsensiya. Paano niyang nagawa iyon sa sarili niyang kagrupo na binigyan siya ng matitirahan, pagkain at kung ano-ano pa. Paano niyang nakaya na pumatay ng mga inosenteng tao." Maramdaman ang halo-halong emosiyon ngayon sa boses nito. Nagagalit. Naguguluhan. Naaawa.

THE UNKNOWN CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon