Chappie 87-The Childhood Memoirs (Blue Letter)

5K 85 9
                                    

A/N: Here I am! Sorry for the supeeeer late update! Hope you'll like this looooong chapter! Thanks everyone! <3 

~~~

Dahan-dahan kong kinuha ang sulat ni Robbie. Blue na ang babasahin ko. Whoosh!

Kambal,

ang sama ng panaginip ko kagabi. Naglalakad ka daw sa simbahan tapos nakaputi ka. tapos sa may altar nandun si Tristan... Ikakasal na ata kayo dun sa panaginip ko. maganda yung ikakasal kayo kaso ang masama sa panaginip na yun ako daw yung pari… pwede ba yun? Ayokong ako ang pari. Gusto ko best man ako! Hihihi.. pero bagay kayo ni pareng Tristan dun.. ang ganda mo dun. kaya nga crush na crush ka nun ni pare.. shhhh ka lang ha.. sakin niya lang yun sinabi.. secret daw naming dalawa. Hahaha..

me loves you kambal. <3

Hindi ko alam kung pano magrereact sa sulat ni Robbie. Nakakatawa kasi na nakakainis. First, nakakatawa kasi ang childish nung sulat niya. Haha. Gusto niya best man? Duh, siguro kung buhay pa siya, siya talaga ang best man ni Tristan. Second, ang nakakalungkot dun is, kasal daw namin ni Tristan. I mean, duh, panaginip nga talaga.

Pwede ba yung mangyari? Possible pa ba yun?

And one more thing, ang nakakainis pa ay alam na ni Robbie na gusto ako ni Tristan noon pa. Tsk, sana pala binasa ko na tong lahat ng isahan. Ano pa kayang sikreto ang mabubuking ko sa mga ‘to?

Basahin ko na kaya tong iba?

Bubuksan ko na sana yung…wait, mukha ba tong indigo? Hindi naman to indigo ah. Mukhang violet to eh. Pero mas violet yung isang violet na sulat. Indigo is deep purplish blue. Wait, nalilito na tuloy ako kung alin sa dalawang to ang babasahin ko muna! Robbie naman eh, you’re making this mahirap for me.

“Mimi! You’re back!” Sabay hug si Kiara.

“Oh yes I am.”

“Ano yan?”

“Sulat ng kambal ko.”

“Wow. Rainbow colors.”

“May tanong ako sayo. Alin ba rito ang indigo?” Pinakita ko sakanya ang dalawang natitirang sulat.

“Hmm, indigo is darker in color so ito siguro.” Tinuro niya yung may sticker na heart. Ang bakla talaga ni Robbie. San naman niya napulot tong heart sticker na ‘to?

“Ah, sige, thanks.”

“May ikukwento ako sayo!” Sigaw ni Kiara.

“Pwedeng hinaan mo boses mo? Ang lapit lang natin sa isa’t isa oh. Can’t ya see?”

“Ok, fine. Kahapon, diba pageant, nung prod number at nakita ka naming wala dun, hinanap ka na namin. Si Tristan hindi niya pa alam. Hindi na namin pinaalam kasi malamang, hindi na nun tatapusin ang pageant at hahanapin ka na. Kaso nung sa talent portion na, narealize niya na nawawala ka talaga. So yun, hinanap ka niya. Nagkasalubong sila ni Nick sa may Beethoven building at dun nga namin nalaman na nasa infirmary ka. Tapos tumawag si Nick ng ambulansya. Sasama sana si Tristan sa hospital kaso pinigilan siya ni bruhita. Hindi lang naman si bruhita ang pumigil sakanya. Yung mga professors pinigilan din siya kasi nandun naman daw kami para samahan ka. Tapos si Chelsea nagpaiwan. Well, sinadya ko yun para may spy ako sa pageant, diba?”

“Grabe talaga ang powers mo kahit kelan.”

“Naman! So yun na nga yung set-up. Tapos alam mo ba na si Tristan ang nanalong Prince of Music! After nung awarding, dumiretso siya sa hospital tapos nandun lang siya sa tabi mo hanggang umaga.”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now