Chappie 11

3.9K 79 2
                                    

“Parang nakakita ka ng multo.” Nakangiti siya pero alam kong peke yun. Alam kong malungkot siya. Nararamdaman ko eh!

“Ah kasi..bakit nandito ka? Pano mo nalaman na nandito ako?”

“Sinabi sakin ni ate Shine. Dun lang ako sa kabilang room.” Tinuro niya yung katabi kong kwarto.

“Bakit dito ka rin?”

“Gusto ko lang. Paki mo ba.” Sus, ayun oh! Hayyy! “Tara na. gutom na ako.”

“Bakit ganyan ang suot mo?”

“Pinatugtog nila ako. Halika na nga!” Galit na siya. =_="

Pumunta kami sa resto sa ground floor ng hotel. Mahal dito for sure. Pero may ipon naman ako tyaka since Japanese resto to, tiyak andito yung mga favorite ko kaya magpapakabusog ako! Haha. I lab it!

Ang kaso..hindi ako familiar sa mga pagkain na nakalagay sa menu. Sad! Kaya magpapasta at ice cream na lang ako.

“Bakit naman yan ang order mo? Mabubusog ka ba nyan?” Naman!

“Ok lang naman toh ah!”

“Miss, seafood rice and Steak. 2 Mango shakes. 2 crepe suzettes.” Anu daw yung huli? “Wait, not that one. Ano ba gusto mong desert?” Pati yung kumukuha ng order namin nakatingin na sakin.

“Sabi ko nga kanina pa, gusto ko ng ice cream, diba?” Tinatarayan ko na siya. Pano naman kasi!

“2 ice creams. Cookies and Cream flavor.” Tapos tumingin ulit sakin si Tristan. “Ano pa gusto mo?”

“Wala na.” Ang weird ni Tristan ngayon.

I mean, kung para sa ibang tao, normal ang kinikilos niya ngayon, para sakin hindi eh. ABNORMAL siya ngayon. Parang walang bad aura na nakapalibot sa kanya. Hindi ako sanay sa ganyan.

Mas gugustuhin ko pang awayin niya ako.

Tahimik lang kaming kumakain. Masarap yung ice cream! SUPER! Haha, babalik ako dito SOON!

May nakita akong babaeng papalapit sa lugar namin. Napatigil tuloy ako sa pagsubo ng ice cream.

“Hi, Tristan.”

Parang gulat na gulat si Tristan nung tumingin siya dun sa babae. Maganda yung babae, makinis, matangkad, sexy, curly hair…Kailangan ko ba talagang idescribe?!

“Bakit nandito ka?” Anong klaseng tanong naman kaya yan?

“Napadaan lang ako. Kasama ko kuya ko. Walang tumutugtog ng piano. Can you play for everyone?” Hmm, medyo maraming tao sa resto ngayon. Wala nga talagang ka-music music man lang.

But the point is, who is this pretty girl in front of me? She doesn’t look familiar.

“You must be..?”

“She’s my classmate in piano class since I was a child.” Classmate..LANG?! HOY FAJARDO, HINDI BA KAIBIGAN ANG TURING MO SAKIN HA?!!

“Oh, I see. So she’s going to study in EMAU,too?” Don’t tell me magiging classmate ko tong babaeng to? NO WAY! AYOKO! PARANG ANG BABA NG TINGIN NIYA SAKIN EH!

“Yup.”

Naging mabilis ang mga pangyayari. Ang alam ko na lang is, iniwan na ako ni Tristan at sumama siya dun sa babae sa di ko malamang dahilan.

Pumunta kasi siya saglit dun sa table nung babae, kinausap ng konti yung nakaupong lalaki, tapos bumalik sa table namin, iniwan yung credit card niya…then WOOSH! Ayun na!

Kaya heto, mag-isa na lang akong sumusubo nung ice cream. Nakakapikon talaga yang Tristan na yan!!

Kinaumagahan, maaga akong gumising kasi excited na akong umuwi ng bahay! Sinundo ako ni sir Dave sa hotel tapos hinatid na niya ako sa airport. Parang ang layo ng lalakbayin ko noh? Haha.

“I’ll just inform you about the results. But I’m confident that you passed it with flying colors. Good luck with your studies, Bettina.” Niyakap naman ako ni sir Dave.

Pagpasok ko daw sa skul, siya na ang magiging personal trainer ko sa piano! Grabeng honor yun para sakin! Siya kasi mismo ang pumili sakin eh! Hihi!

Isang oras din yung byahe. Natakot pa nga ako sa turbulence eh kaya pagbaba ko sa airport, para akong nag-freeze. Akala ko katapusan ko na eh! 

“Wala ka bang balak gumalaw?” Etong tono ng pananalitang to ay hindi dapat kinakalimutan.

“Eh gusto kong tumayo dito eh! Care mo ba! Shoo!” Huminga ako nang malalim. “Ah nga pala Fajardo *sabay kuha ng card niya sa wallet ko* *tapos hinampas ko sa kanya* Sa susunod kung mang-iiwan ka lang naman, wag ka nang magyayaya kumain HA!! SALAMAT NANG MARAMI!” Galit ako. Super!

Pero bakit ba big deal sakin na iniwan niya ako? Hindi naman ako ganun dati na nagagalit kapag iniiwan niya ako.

Ano na ba nangyayari sakin ha?! 

=READ, COMMENT, LIKE, VOTE, SPREAD THE STORY! LET ME KNOW WHAT YOU THINK OF MY STORY! LOVE YA! <3

Like my page on facebook ----> http://www.facebook.com/pages/Littlemisspianist/207653919327867

^^

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon