Chappie 17

3.9K 73 3
                                    

I was totally lost back then. My life completely stopped kasi ang mundo ko umiikot sakanya eh. Kambal ko yun eh!


Nung dumating na si Tristan, nilipat ko ang tingin ko dun sa labas ng bintana. Buti na lang nasa may bintana ako umupo para may pang-distract.


Natuwa naman ako sa inorder ni Tristan. Andun ang favorite kong McFloat, Crispy Chicken Burger, McFlurry, at syempre, yung Spaghetti! Alam kong para sakin yun lahat na nabanggit ko.


Yung sakanya kasi Double Cheeseburger, Pineapple juice, French Fries tyaka one piece Chicken Mcdo. Alam ko kung ano ang hilig niya. Pero ang takaw naman ata niya ngayon? May burger na tapos may chicken pa?


Anyway, hindi ako kumakain ng fries. Hindi ko lang talaga feel ang fries. Unless inalok ako, hindi ako kakain niyan.


Una ko munang kinain yung sundae part ng McFloat kasi baka matunaw,haha. After nun, pinagtatatanggal ko ang mga yelo. Kung bakit naman kasi ang dami nila maglagay ng yelo eh! Hindi naman yan makakain eh!


“Ano ba?! Tingnan mo na yan.” kasama ko nga pala si Tristan. Haha.


“Sorry naman.” Ang kalat na ng mesa namin at halatang naiinis na si Tristan. Ayaw niya ng makalat eh. Pero san ko naman kasi ilalagay ang sandamakmak na yelong to?! Alangan namang lunukin ko diba?? Haler!


“Busy ka ata ngayon ah.” Sabi niya.


“Oo naman! Malapit na kasi yung performance namin sa club eh.” Parang ginagawa kong sabaw yung Float ko. Hinihigop ko kasi yung chocolate na nasa ilalim.


“San ba yun?”


“Sa mall. Manunuod ka ba?”


“Kelan ba?”


“Hmm, next week na yun eh. Sa Saturday, 4 pm.”


“Huh? Talaga? Pano yan..”


“Bakit anong problema?”


“Yung kay Valerie kasi eh same day din sa EMAU.” Sana lang di na niya sinabi. Sana lang talaga.


“Mama, si Jim!” Yung batang may cancer nag-collapse! Sa hindi ko malamang dahilan, ang bilis ng tibok ng puso ko. Yung isang waiter tumulong na buhatin yung bata. Nakatulala na lang ako habang nakatingin sa mga nangyayari.


Ilang minuto pa at narinig ko na ang ambulansya.


“Hey, ok ka lang?” Hindi ko maexplain yung nakapinta sa mukha ni Tristan at alam kong ang ekspresyon ng mukha niyang yan ay dahil sa ekspresyon ng mukha ko. 


Hindi ako nagsasalita. Halata sa mukha ko ang takot. Alam ko kasi nararamdaman ko naman eh.


Supposedly, mawawalan ako ng ganang kumain pero naubos ko parin lahat. And that is so abnormal of me. And I know, Tristan knows something’s wrong.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now