Chappie 33

3.6K 68 1
                                    

“Hey there, Tristan.”

“Let’s go.” Hinila na naman niya ako palabas. Pero in state of shock pa rin ako. Ako PA lang ang niyaya niya? Which means…AKO YUNG YAYAYAIN NIYA LAST YEAR?!!!! Which means..AKO YUNG TINUTUKOY NIYANG GIRLALOO NA…

Wait, ano nga ba ang nangyari nung niyaya niya ako?

*FLASHBACK*

“Ayoko nga. May prom din kami noh! Tyaka, mamaya batuhin pa ako ng mga kamatis ng mga fan girls mo. No way!”

“Walang mangbabato sayo ng kahit ano.”

“Ayoko pa rin. Yayain mo na lang kaya yung gusto mong yayain nung isang taon? Baka hindi na siya busy.”

“Hindi nga talaga siya busy. Niyayaya ko na nga siya eh.”

“Oh ano sabi niya?”

“Yung yayayain ko last year, yun din ang niyayaya ko ngayon.”

“Oh tapos? Alam ko ang sinasabi mo. Ano nga yung sagot niya?”

“Dial-up nga talaga ang utak mo noh? Nakakapikon ka talaga.”

“Hoy! Hindi ko naman talaga alam. Malay ko ba kung ano ang sagot nung niyayaya mo! Tapos yayayain mo pa ako ngayon. Ano ako, reserve mo? Kapal mo din ah.” Then nag-walk out ako.

“Hoy, Agustin.”

“Oh anong nangyari sa’yo?” Si ate Danica.

“Si pangit kasi! Yayain ba naman ako sa prom nila tapos yun pala may niyaya nang iba. Ano naman yun? Two-timer?”

“Huh? Ano? Tristan! Anong sinasabi ni Ina?”

“Niyaya ko yung gusto kong maka-prom date last year since hindi na siya busy tapos ganyan na siya maka-react.”

“Ahhhh..yung gusto mong maka-prom date last year?”

“Bakit po?”

“Ina, actually,..”

“She won’t understand that. Don’t bother telling her. I’ll just find another prom date.”

**end of flashback**

Ok, so ako nga? Mabagal lang talaga ang pick-up ko ganun? Pero teka nga, I have to understand this.

“Hoy, may tanong lang ako. Alam kong hindi pareho ang speed ng utak natin kaya paki-explain lang ng maayos. Ako ba ang yayayain mo sana last year?” Humarap siya sakin.

“Oo, kung naaalala mo pa, last year busy ka sa music club kaya hindi kita niyaya.”

“Sorry, hindi ko naman alam eh.”

“Kasalanan ko din naman eh. Tyaka hindi ka naman kasi assuming para malaman na ikaw yun.”

“Bakit kasi di mo na lang sinabi in full details? Sinabi mo nung nag-usap tayo na niyayaya mo na yung taong gusto mong yayain last year who is ako lang naman pala. Aside from not assuming things, hindi din ako manghuhula.”

“It was my fault, ok? Forget about that.”

“Eh pano ko naman yun makakalimutan kung binagsakan mo ako ng pinto nun tapos nilait lait mo pa ang pagka-slow ng utak ko? Hmpf.”

“Sorry, I should have just adjusted to your level..”

“Oh ayan, nilalait mo na naman ako..”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon