Chappie 21

3.9K 71 2
                                    

Naramdaman ko na lang na may dumagan sa likod ko.

“Ate..” May kumiliti ng leeg ko kaya bigla akong napabangon. NOTE: Sensitive ang leeg ko!

“Stacey naman eh.” Bumalik ulit ako sa pagkahiga. “Bakit?” tanong ko. Pasaway talaga si Stacey.

“Kain na daw tayo. Sabi ni kuya dito ka daw matutulog.” Dun sa huli niyang sinabi ako napatayo. Sino siya para magdecide na lang ng ganun-ganun?!!

“Nasan ang kuya mo?” Galit na ata ang mukha ko.

“Nandito ako.” Paglingon ko naka towel lang siyang puti at wala siyang shirt. Galing siyang shower siguro. Ako naman na parang tanga tinakpan ko mata ni Stacey.

“Ate bakit?”

“Baliw ka, Agustin. Ikaw yung dapat na nagtakip ng mata.” Oo nga noh? Haha. Binitawan ko na yung kamay ko. Si Stacey tiningnan lang si Tristan tapos tumawa.

Iniba ko na yung tingin ko. Namumula na siguro ako.

Argh! Kakainis.

“Ate, bakit namumula ka??”

“May lagnat ka ba?” Tanong ni Tristan. Lumapit ba naman ang loko! Shirtless siyaaaa! Hinampas ko ang kamay niya nung sinubukan niya akong hawakan.

“Hoy tara na—” sina ate Danica at ate Clarisse bigla na lang nagulat sa nakita nila. Ang lapit ni Tristan sakin tapos si Stacey naman gumugulong gulong lang sa kama.

But the point is, parang hahalikan ako ni Tristan sa posisyon namin. What’s more nga is he’s only wearing towel. No, not wearing. Towel lang yung pantakip niya. At malay ko ba kung may suot siya under that….

OH STOOOOPPP!!!

“HOY TRISTAN!” sigaw ni ate Danica.

“ADRIAN!” si ate Clarisse naman ang sumigaw.

“It’s not what you think!” Si Stacey nagrorolling rolling pa rin sa kama ni Tristan. Masyado atang nalambutan sa kama. May sound effects pa! -.-"

“Oo nga ate, ano k-kasi..” Shame naman oh! Argh! Si Tristan kasi eh!

“Will you explain?” Sabi ni ate Clarisse kay Tristan.

“Ate Clarisse, what will kuya explain?” Haaaay, ang bata nga naman.

“Uhm, why he’s very close to your ate Mimi.”

“Ah yun ba? Kasi ang pula ng mukha ni ate Ina kanina.. Ina tapos kanina? Wow, rhyme!” Napatawa kaming lahat nun. “Tapos tinanong ni kuya Yanyan kung may lagnat siya tapos yun dumating na kayo.”

WOW! AS IN WOW! Ang mga bagay nagiging simple sa paningin ng bata. Pero yun naman talaga yung totoo eh. Hindi naman magsisinungaling yang si Stacey eh.

“Ow, really? Anyway, Mimi, halika na. Ikaw din Stacey.” Wew. Baka intrigahin ako ng mag-ate na to.

“At TRISTAN! Magbihis ka! Hindi porke kaibigan mo ‘tong si Mimi eh pwede ka ng gumanyan ganyan!” Nagulat ako kay ate Danica. Magbestfriend nga sila ni ate Shine. Nakakabingi ang boses nilang dalawa!

Lumabas na kami ng kwarto at syempre nag-explain naman ako ng side ko. And yeah, turned out, they were on my side. Kesyo dalaga na daw ako at kahit pa bakla daw ang tingin ko kay Tristan hindi daw pwede yung ganon.

Pero syempre hindi nila alam na I like Tristan. Sa aming dalawa na lang yun ni kuya.

Umupo na kami sa dining area nilang napakasosyal. As in pang royalty talaga ang bahay nila. Nope, hindi bahay, MANSION!

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now