Chappie 43

3.6K 64 3
                                    

Inamin ko na bang may gusto ako kay Tristan? Siguro noon masyado ko pang pinipigilan ang feelings ko kasi ayokong may masira. Pero oo, may gusto ako sakanya pero tama na. Masamang magkagusto sa kaibigan lalo na kung kaibigan mo din ang gusto nito. Ok na na gawin ko na lang siyang inspirasyon. Wala naman akong lugar sa puso ni Tristan kundi isang kaibigan.

“Oh magkasama kayo. Long time no see. Ganda mo pa rin.” Kasama ko si Kiara at yung mga ka-quartet ko. Friends kami agad and it’s a good thing para makaiwas kay Tristan. Magkakakilala naman na ang mga kasama kong to kasi madalas na silang magkasama sa mga workshops. So, hindi na awkward. Madali naman akong maka-adjust sa mga tao. Tyaka mababait naman sila.

“Grabe hindi naman. Gusto mong sumama samin mag-lunch?” Bakit ang mukha ni Tristan parang ayaw niya akong sumama? Ok lang naman. Hindi naman talaga ako sasama. Tch.

“Hindi na. Kasama ko naman mga ka-quartet ko. Getting to know muna kami eh. Kayo na lang ang magsama para naman alam mo na. Haha.” I mean what I said. No hard feelings. Gusto kong maging sila na ulit. Sabi kasi ni Valerie dati parang may chance ulit. Tyaka alam kong mas sasaya na si Tristan pag naging sila na ulit. First love never dies sabi nga nila.

“Ah, sige enjoy kayo. Ay bago ko pala makalimutan, friends, this is Mimi, my childhood friend.” Pinakilala niya ako sa mga friends niya na mukhang sosyal lang ang trip. I’m so different from them.

“The scholar?” Sabi nung isang blonde.

“So you’re friends with Tristan, too?” Tanong naman nung isang parang British.

“Yes.” Teka lang ha. Ito na nga ba ang pinakaayaw ko sa lahat eh. Head to toe ang ginawa sakin nung isa. Kung noon nagagawa kong i-head to toe and back ang mga gumaganyan sakin, ngayon ayokong gawin. Friend ko si Valerie at ayokong magkaroon ng kaaway. Although nafifil ko na na aawayin ako ng mga kasama niyang to someday. Wala lang, nafifil ko lang. Premonition kumbaga.

“We’ll go now. Marvin’s not the kind to wait. I don’t want him to get aggressive just because he’s hungry.” Sabi ni Kiara. Si Marvin ang tinutukoy niya pero ako ang hila-hila niya. Parang may issue talaga tong babaeng to.

“Mimi, text mo ako pagpauwi ka na mamaya.” Sabi ni Tristan. Oo nga pala, sabay kaming uuwi. Ayoko talagang sumabay kami sa pag-uwi kasi baka magka-issue. Ano kayang palusot ang gagawin ko nito? Alam ko naman na kasi ang daan pauwi. Baka mamaya iwanan na naman niya ako.

“May pupuntahan ba kayo mamaya? Hindi ka makakasama sa museum mamaya?”

“Uwi na lang ako. Kaya ko naman.”

“San ka pala tumitira ngayon?”

“Sakin.” Tch.

“What?” Chorus ng lahat na nandito. Shemay naman. Nagsalita pa kasi tong impaktong ‘to.

“May problema kasi sa dorm ko kaya sa kanya muna ako titira. Hanggang matapos lang naman ang summer. Andun naman si ate Mira kaya may bantay naman.” Syempre baka kasi kung ano ang isipin ng mga taong to eh. Mukhang iba pa naman ang takbo ng mga utak nila.

“Ah, nagsabi ka sana sakin para sakin ka na lang muna tumira.”

“Sakin na siya pinaubaya nina tita. Magtext ka na lang mamaya.”

“Sige.” At naghiwalay na nga kami ng mga landas. Dahil nga mayayaman tong mga kasama ko, akala ko sa mamahaling kainan kami kakain. Yun pala sa karinderya kami napadpad. Malapit lang tong karinderya sa skul. Nasa tagong lugar nga lang to pero safe naman. Malinis nga ang kalsada dito eh.

Si Kiara ang nakadiskubre nito. Masarap daw kasi dito. Pati nga si Marvin walang angal. Naka triple rice pa nga siya. Amazed talaga ako sa mga kasama kong to. Gusto ko tong tropang to. After a while, dumating din si Ian. Ayaw daw niyang kumain sa mga restaurant kasi mas mura daw dito sa karinderya at masarap pa. Mga mayayaman to pero nagtitipid.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon