Chappie 49

3.6K 78 1
                                    

Ang sakit idilat ng mga mata ko. Nahihirapan din akong huminga. Nilalamig din ako. May flu kaya ako? O baka dahil naninibago ako sa mga pagkain? Gusto ko nang tumayo dito pero di ko magawa.

“Buti na lang nakita mo agad siya. Yung mga babae kasing yun bakit pa siya pinagkumpulan. Kakainis naman.” Boses yun ni Kiara na masyadong worried.

“Bakit pala bigla kang tumakbo nung sinabi ko na masama ang pakiramdam niya?” Si Chelsea nagtanong.

“Kasi ganyan yan kapag masama ang pakiramdam. Dati muntik na yan himatayin sa kalsada. Kung hindi ko siya nakita nun, bagok na ang ulo niyan.” Naalala ko yun ah. Dun sa pangyayaring yun nagsimula yung ice cream effect.

“Masyado kang worried para sa kanya. Nung si Valerie nagkasakit last week parang wala lang sayo.” Nagkasakit si Valerie last week? Tama ba ang narinig ko galing kay Darren? Pero imposible naman na parang wala lang kay Tristan yung pagkakasakit ni Valerie.

“May mga nag-aalaga naman kay Valerie. Tyaka kaya niya ang sarili niya. Malakas ang resistensya niya. Medyo sakitin kasi si Bettina kaya nakakatakot pag nagkakasakit siya. Pareho sila nung kambal niyang mahina ang resistensya. Pinanganak pa lang sila ganyan na ang resistensya nila.” Paano naman kaya yun nalaman ni Tristan? Mukhang wala naman yang pakialam sa health condition ko eh. At isa pa, tinawag niya akong Bettina.

“Mukha naman siyang okay eh. Hindi naman siya mahina. Naghahabulan pa nga kami tapos kumakain ng mga streetfoods.”

“Wag na kayong kakain nyan. Madumi yan.” Grabe! Hinding-hindi ko isusuko ang pagkain ng mga streetfoods! Ang sarap kaya nyan.

“Malinis kaya dun.” Tama si Kiara. Malinis talaga dun!

“Hindi kayo nakakasiguro. Magpraktis na kayo. Iuuwi ko na si Bettina.” Ayan na naman sa Bettina. Hindi ako sanay. Pero wait, iuuwi na niya ako? Noooo~

Pinilit kong tumayo.

“Mimi! Wag ka munang tatayo.” OA naman si Kiara.

“Mimi, magpahinga ka na muna. Ok lang naman na magpahinga ka. Memorize mo naman yung part mo sa piano. Magaling ka naman kaya konting praktis lang kaya mo na yun. Sabi din ni sir wag mong sagarin ang sarili mo. Alagaan mo daw ang sarili mo.” Si fafa Darren talaga. Amp naman oh,ahahah.

“Uwi na tayo. Kaya mo bang maglakad?” Ayokong umuwi~

“Hindi.” Hindi pa nga ako kumukurap, binuhat na niya ako. Gusto kong makipag-away na ibaba niya ako kaso hindi talaga kaya ng katawan ko ang maglakad. Half-conscious pa nga ako eh.

Naramdaman ko na lang na naglalakad si Tristan na buhat-buhat ako. Hindi ko alam kung maraming nakatingin pero for sure marami yan. Magiging trending na naman ako nito. Very nice. Tsss.

“Anong nangyari kay Mimi?” Si Valerie.

“May lagnat. Hinimatay kanina.” Hinawakan ni Valerie ang noo ko.

“Ang taas!” Oo, mataas talaga. Parang inaapoy ako at gusto kong magdive sa yelo.

Wala na akong ibang naramdaman kundi ang paglapag sa kama. Nagigising ako pero nakakatulog ulit ako. Hindi ko alam kung sino ang nag-aasikaso sakin. Pero baka si ate Mira lang yun kasi baka bumalik na sa school si Tristan.

Alas sais na ng gabi ako nagising. Medyo ok na ang pakiramdam ko. Hindi na katulad ng kanina na wala talaga akong lakas. Ang weird pa ng panaginip ko. Childhood memories ang napanaginipan ko. Yung mga naglalaro lang kami sa arena. Kaso parang buhay na buhay nun si Robbie. May sinabi pa nga siya na alagaan ko daw sarili ko kasi hindi daw laging nariyan siya.

Nauuhaw na ako kaya pumunta ako sa kusina.

“Ayos na ba pakiramdam mo? Gutom ka ba?” Tanong ni ate Mira.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora