Chappie 5

4.8K 98 5
                                    

“Bakit ka pala napadpad dito ha?” Naglalakad na kami pauwi. Siguro napansin nyang tahimik lang ako.

“Ah kasi..hahaha. Di ko rin alam eh. Naligaw ata ako nung lumiko ako sa kanto. Hahaha!”

“May tinatago ka. Sasabihin mo ba o hindi?!” Ang scary niya,huhuhu. Pero kilala na din naman niya ako mula bata pa eh kaya ok na rin siguro to eh.

“Kasi.. Fajardo tulungan mo akoooo!” Tapos tinakpan niya bibig ko. Ang lakas kasi ng boses ko.

“Dahan dahan ang pagkwento pwede?” Then I told him everything about Nick.

Higher year si Nick, graduating na siya actually. 2nd year pa ako nung umamin siya. Pero lagi kong iniiwasan. Pano naman kasi I don’t know anything about that stuff!

Hello! Sa music umiikot ang mundo ko eh! Tyka sa mga Koreanovela pati anime. XD

Nakakailang din kaya na may nagkakagusto sayo. Pinaka ayaw ko yan sa lahat! Ok lang na walang magkagusto sakin. I’m not in any rush naman eh. Tyaka si mama palang scary na eh!

Bawal akong magkaboyfriend. Period.

“Bakit ngayon mo lang sinabi?” Parang galit pa ah.

“Eh kasi naman pag kinwento ko sayo baka tawanan mo lang ako. For sure, sasabihin mo na ‘oh, may nagkakagusto din pala sa katulad mo’. So di ko sinabi.”

“Yun ba ang ginawa ko?” Galit si lolo Tristan!

“Hindi.” Natahimik na lang ako. Dahil pagod na ako maglakad, umupo ako sa bench sa park na nadaanan namin.

“Ano gusto mong gawin sa lalaking yun?”

“1 taon ko na siyang iniiwasan. Sinabi ko naman sa kanya na ayoko. Pero wa epek sa kanya eh! Ganun ba talaga kayong mga lalaki? Hindi marunong makinig? Haaaay.”

“Hayaan mo na. Wag mo na lang pansinin. Ako na ang bahala.” Anu daw?

“Hoy Fajardo! Ano naman balak mo ha?”

“Sabi mo tulungan kita! Ang gulo mo. Tara uwi na nga tayo.”

“May pupuntahan ka pa diba?”

“Di, wag na. Punta ka na lang sa bahay.”

“OH? Talaga? Pwede?” Haha, parang tanga lang eh. Lagi naman akong nasa bahay nila.

“Baliw ka talaga. Tara.” Tapos hinawakan niya kamay ko.

Naramdaman kong uminit mukha ko. No, erase! Pagod lang ako kaya uminit. Tyaka medyo sunset na din kaya yun!

Nakarating na kami sa bahay niya. Sinalubong ako ni Stacey. 4 years old pa lang siya. Ang cute cute nga niya eh!

“Ate!” Tapos binuhat ko siya. Ang bigat na nga eh.

“Akala ko kung sino, si Tin lang pala. Kain ka.” Si ate Clarisse.

College na siya. 3rd year to be exact. Architecture ang course niya. Idol ko nga siya eh! Wala pa din siyang boyfriend. Sa ganda niyang yan bakit kaya wala pa?

“Okey po.” Feel at home lang? haha. Sanay na sila sakin eh. Nalulungkot pa nga sila pag di ako bumibisita eh.

Nakipaglaro ako kay Stacey. Sa garden kami naghabulan at nagsisigawan ng kung ano ano. Haha. Kakatuwa talaga tong batang to! Siguro dahil pareho kaming bunso kaya magkasundo kami. O baka isip bata lang talaga ako,haha.

Tapos nagpahinga kami sa may pool. Lumangoy si Stacey. Niyaya niya ako pero ayoko kasi wala naman akong damit. Tyaka pagod na din ako.

Tiningnan ko yung paa ko. Medyo namamaga na. Hala! Yan kasi, tumakbo na nga, naglakad pa pauwi, tapos nakipagharutan pa kay Stacey!

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon