Chappie 53

3.6K 77 10
                                    

Hinatid niya ako sa recording studio. Parang ewan ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Kasi parang boyfriend ko siya at hinahatid niya ako sa pupuntahan ko. Feels like heaven! Wahahahahah!

Pero mali eh. Wait, mali nga ba? Hmmm, hindi naman sila ni Valerie diba? Matanong nga.

“Kayo na ba ulit ni Valerie? O nililigawan mo ba siya?” Walang preno ang bibig ko. This is so me. Haha.

“Ano ba sa tingin mo?” Tinatanong nga tapos ako ang tatanungin.

“Kayo na ata eh. Congrats ah!”

“Hindi kami. Ayoko na maging kami.”

“Bakit naman?! Ok naman si Valerie ah. Tyaka first love mo siya.”

“Utak uod.” Binatukan niya ako sa ulo pero mahina lang. “Mamaya na tayo mag-usap. Yung crush mo hinahanap ka na ata.” Nakatingin samin si Darren mula sa loob ng studio.

“Wag ka ngang maingay baka may makarinig sayo. Ang gwapo talaga niya noh?”

“Wala kang taste.”

“Kapal mo! Layas na nga!” Tinulak-tulak ko siya.

“Magtext ka na lang. Wag kang lalandi sa crush mo kundi malilintikan ka sakin.”

“At sino ka naman para magsabi ng ganyan ha?”

Ngumiti siya. “Future mo.”

“Tse! Pangit ka.” Tapos umalis na siya na tumatawa-tawa. Ang lakas na talaga ng tama ng lalaking yun. Tsk tsk. Siguro dahil sa mga bago niyang nakakasalamuha.

“Mukhang ok na kayo ah.” Sabi ni Darren.

“Napansin mo din?”

“Oo naman. Sino bang magkaibigan mula bata pa ang biglang hindi magkikibuan?”

“Kami.”

“No, what I mean is, nakakapanibago na magkaaway kayo.”

“Ngayon mo lang nakitang magkaaway kami. Dati nga ilang buwan kami nyan hindi nagpansinan. Natural na samin ang mag-away. Masanay na kayo. Away bati lang naman kami nyan.”

“But you really look good together.” Ito namang si Marvin parang toinks. Halos lahat na lang yan ang sinasabi. Yung pari sa high school ni Tristan, yung mga matatanda sa subdivision. Hindi naman kami magandang ‘item’ eh.

“We’ll record the piano first.” Sabi nung musical director. Nauna na ako sa recording area.

Mabilis lang yung pagrecord sa part ko kasi wala naman akong mali. Magaling ata ako noh. Haha. Yung sa harp ang medyo mahirap kasi nagkaproblema nung pinakinggan na. May static na naririnig kaya ulit nang ulit si Chelsea.

“Hindi kaya may multo dito? Diba ang mga multo nagiging dahilan ng mga static sa mga recorded music minsan?” Dahil mahilig ako sa horror, expert na ako sa mga kababalaghan. Kahit anong horror pinapanuod ko. Hindi naman kasi nakakatakot eh. Nakakatawa kaya ang itsura ng mga karakter lalo na kapag nagugulat. Ahahah. Pero sa isang anime sobrang natakot ako. Alam niyo yung Ghost Hunt? Ang galing ng pagkakagawa ng horror anime na yun! Madami din akong natutunan na tungkol sa mga multo. Whooo. Creepy talaga yun.

“Ano ka ba naman Mimi. Wag ka ngang ganyan!” Matatakutin pala tong si Chelsea eh.

“Actually, she’s right. Itong recording studio na ‘to ay dating classroom na kung saan may nag suicide na music student. And major niya ang harp.” Whoa! Naging interesado ako bigla.

“Sir naman. Wala namang ganyanan oh!”

“Totoo nga yun.” Diin nung musical director.

“Ano po ang dahilang ng pag suicide niya?” Curious ako kaya nagtanong ako.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin