Chappie 66-The Childhood Memoirs(The Yellow Letter)

3.4K 69 12
                                    

A/N: Dahil matino na ang internet, post lang ng post ng mga new chapters! Haha. 

~~~

Sunod na ang dilaw diba? Wait, red, orange, YELLOW! Tama, yellow na ang sunod. Medyo makapal ata ang sulat na ‘to. Ano kaya ang nakapaloob dito? Hmm, buksan na nga ‘to.

Pagkakuha ko ng nilalaman ng envelope, may nakatuping papel. Nung tiningnan ko, yun yung poster na nasa police station dati. Yung nawala kami sa gubat. Yung MISSING na poster. Adik naman si Robbie, bakit nilagay niya pa ‘to dito? Anyway, basahin ko na nga. Mukhang exciting eh.

Dear Kambal,

Yan yung poster natin sa polease steysion. Ang galing natin dyan diba? Hahaha ang cute mo dyan  Ang saya nung nawala tayo dun sa gubat buti nandun ka para pasayahin kami. Hindi ka nun umiyak kahit si valerie iyak na ng iyak hahaha Sana pagwala na ako wag ka din iiyak.maging matapang ka lagi. I love you,betina <3

Love, kuya Robi

Syempre, nauna na naman ang pagtawa ko. Mali mali ang mga spelling niya,wahahahh! Pati ang punctuation and everything trying hard,haha. Yung pangalan ko mali pa ang spelling. Pero like na like ko yung Love, Kuya Robi (kahit mali din ang spelling ng pangalan niya).

Lagi niya kasing sinasabi sakin na tawagin ko daw siyang kuya kasi mas matanda daw siya eh. Ang kuya daw kasi pinoprotektahan ang mga nakababatang kapatid. Since mas bata nga ako ng ilang minutes, grabe na kung ipagtanggol niya ako.

Nung mawala kami sa gubat, halos isang araw din yun. Uwian na kasi nun tapos nagyaya si Tristan na pumunta sa may sapa. Eh malamang ang sapa malapit sa gubat kaya yun, sa pamumuno ko, naglakbay kami papuntang gubat. Hahaha. Mga adventurous nga kasi kaming mga bata noon kaya walang takot naming nilakbay ang gubat na yun.

Hindi naman yun delikadong gubat. Marami naman kasing nakatira sa bundok doon. Ang kaso sa kakalakad namin papuntang gitna ng gubat, inabutan na kami ng dilim. Hinahanap kasi namin yung haunted house,hahaha. Para samin, ang haunted house ay isang magandang lugar kasi nga nakakaexcite yun.

Dahil nga inabutan na kami ng dilim, hindi na namin alam ang gagawin. Wait, mali. Sila pala ang hindi alam ang gagawin. Ako parang wala lang. Natutuwa pa nga ako sa mga stars nung gabing yun. Tsaka ok na ok ako kasi kasama ko naman si Robbie tapos may pagkain pa naman ako sa bag ko nun. Simple lang concerns ng bata. Basta may pagkain, ok na.

Pero si Valerie talagang iyak nang iyak. Takot na takot na kasi siya. Si Robbie naman pinapalakas ang loob niya. Si Tristan? Ayun, nag-iisip kung saan kami pupunta. Wala pang cellphone nung panahon na yun. I mean, meron na pala pero yung mga magulang lang namin ang meron.

Ako ang nagyaya na pumunta sa gubat kaya parang nakonsensya ako nun. Hindi na kasi tumitigil sa pag-iyak si Valerie kaya naiiyak na din ako nun. Grade 2 pa lang kami nun kaya talagang BALIW kami!

Dahil nga nakokonsensya ako nun, naglakas loob ako na maghanap ng daan para makaalis kami dun sa ilalim ng napakalaking puno na feeling ko may kapre. Dahil siguro hindi pa nila alam ang importansya ng kaligtasan ko, hinayaan nila akong maghanap ng daan, pagkain at matutuluyan. Oh diba? Si Tristan ang nagsuggest nyan ha! Bata palang talaga kami sadista na siya sakin. Tsk.

Paano na lang kaya kung napahamak na ako nun? Mag-isa lang ako sa gubat nung mga oras na yun! Kawawa talaga ako. Buti na lang after a while, may nakita akong bahay na luma at sira-sira. Akala ko walang tao kaya pinasok ko. Lakas ng loob mag trespassing,haha. Pagpasok ko, may matandang babae na nakahiga sa isang sirang sofa. Akala ko multo kaya sumigaw ako. Pero tao pala siya. Tinanong niya ako kung bakit nandun ako and everything tapos tinulungan niya akong hanapin sina Robbie.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें