Chappie 26

3.7K 71 3
                                    

I cried. I didn’t say anything to Tristan. He need not know anything. He already understands. He always understands. He’s just there.


Kapag umiiyak ako, tahimik lang. Walang boses na lumalabas sa bibig ko. Pati pagsingot ng sipon tahimik din.


“Kung gusto mong sumigaw, sige lang. Walang makakarinig sayo dito.”


Silence. Nakaupo lang kami sa ilalim ng puno.


Actually, napagod na din ako sa pag-iyak. Alam kong OA naman kasi yung reaction ko. And now, I don’t know kung paano ako haharap kay kuya after all the taray-ness that I did. For sure, takot na din yun si ate Beatrice.


“Bettina..”


“Hm?”


“Ok ka na?”


“Oo.” I paused. “Sorry for acting like a brat.”


“It’s okay. Sanay naman na ako sayo. Although na-shock lang ako ng konti. I realized na tao ka din pala.” Hindi ko alam kung good thing ba yun o bad thing. “Marunong ka palang magalit..for real. Lagi ko kasing nakikita yung pagtatampo-tampo mo or yung kunwaring galit. Kanina ko nakita yung, well, let’s say..”


“Evil side?”


“Not really. Yung other side mo. It’s not really an evil side. Lahat naman nagagalit. Pero I think it’s a good thing na nilabas mo yan. You’re a great pretender, you know. In a way masaya na din ako.”


“Masaya? Ang sadista mo talaga noh?”


“That’s not what I mean. Ayoko ko kasing lagi ka na lang nagpepretend na ok ka lang. For once, I want to see all your side.”


“For what? Para iwasan mo na ako?”


“Nope, the other way around.”


“Wait ha, mabagal loading ng utak ko. Ano ba opposite ng pag-iwas? Hmm, paglapit? *loading* Pano naman yun, kung makikita mo ang evil side ko di syempre iiwasan mo na ako. Yun yung dapat diba? Eh bakit mas lalapit ka pa?”


“Because we’re friends. And I don’t care kung kasing sama mo pa si Hitler. Kasi mahal kita and nothing about you would change how I feel for you.” Ang deeeep lang, tsong!


“Sabagay, pero salamat at nandyan ka. Mahal na mahal din kita, pare! Pero paano na ang pagharap ko kay kuya? Baka nahurt din yun.”


“Mahal ka nun kaya walang magbabago sa inyong dalawa. Believe me.”


At yun ang nakapagpakalma talaga sakin. Believe me. May kung sa ano ang mga binitawang salita ni Tristan na nakapagpalakas ng loob ko.


..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now