Chappie 89

4.1K 102 29
                                    

‘Mimi, kunin mo yun!’ Sigaw sakin ni Robbie. Naghahabulan kami sa arena.

‘Shhh, wag kang maingay. Lilipad yung tutubi.’ Pagsaway ko sakanya. Dahan-dahan kong kinuha yung tutubi at hinawakan ito sa pakpak.

‘Ang sarap sigurong lumipad noh, Robbie?’

‘Masarap talaga. Gusto mong lumipad? Lipad tayo papunta dun.’ Tinuro niya yung langit.

‘Anong meron dun?’

‘Katahimikan. Kahit buong araw tayong maglaro dun walang pipigil satin.’

‘Talaga?’

‘Oo, ano tara?’

‘Hindi natin kasama sina ate? Pano sina Valerie at Tristan?’

‘Hindi pwede eh. Tayong dalawa lang ang pwedeng pumunta dun. Sinusundo nga kita eh.’

‘Hah? Isama na natin sila!’

‘Hindi talaga pwede. Pumili ka. Manatili dito o lumipad kasama ako?’

‘Hmm, pwede bang dito ka na lang kasama namin?’

‘Hindi rin yun pwede, kambal.’

‘Ayoko silang iwan pero gusto din kitang makasama.’

‘May mga bagay na hindi mo pwedeng makuha nang sabay. Pipili ka lang ng isa.’

‘Ang hirap naman magdecide.’

‘Ako? O Sila? Isang sagot lang, Mimi.’ Ayokong mawalay sakanya. Ayoko. Ayoko na. Kaso pano sina mama?

‘Ganito na lang, Mimi. Kapag pinakawalan mo ang tutubi, ibig sabihin gusto mong lumipad at sumama sakin. Ano, game?’

‘Game!’ So ginawa ko ang gusto kong mangyari.

Minulat ko ang mata ko. Nakahiga si ate at kuya sa may kama ko. Si ate sa left tapos si kuya naman sa right. Naiipit ni kuya yung kamay ko. Pagtingin ko sa left kong kamay, merong nakalagay na swero.

Ang sarap ng tulog nitong dalawa ah. Nakakaistorbo ang paghilik ni kuya. Mukhang napagod sa pagbantay sakin. Pero naiipit talaga ang kamay ko.

So…*pitik pitik sa noo ni kuya*

Wa epek.

Plan B. *kilitiin si kuya*

Gumalaw lang siya ng konti. Pero tulog pa rin.

Plan C. Pinilit kong hilain ang kamay ko. At last, nagising din siya! Hooray!

“Salamat sa pag-ipit sa kamay ko ah.”

“Yan ang unang sasabihin mo pagkatapos ng pagbantay namin sayo dito?” Masungit yan kapag ginising.

“Wait, ilang araw na ba akong nandito? Pano yung recital ko?!!!” Pinaghandaan ko yun,ahuhuhuh! Mangyayari na naman ba yung tulad sa pageant?! NOOOOO!!!

“23 na ngayon. Postponed na.” Sabi ni ate. At dahil sa sinabi niya, umiyak na ako.

“Pinaghandaan ko yun! Maganda yung mga arrangement na ginawa ko! Maganda na rin yung design ng stage! Hindi pwedeeeee!!!!!!!!” Sumigaw na ako at nagwawala.

“Mimi, relax lang. Ang puso mo. Alex, tawagin mo si mama dali!”

“Recital ko!”

“Mas importante pa yun kesa sa kalusugan mo?”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now