Chappie 65

3.3K 76 1
                                    

A/N: Halur ebribadi! I'm back with new chapters! Anyway, gusto ko lamang po magbigay paalala na mag-ingat sa baha! Marami pong sakit na dulot ang baha kaya mag-ingat po kayo.

Kumain ng tama dahil ang flu ay kumakalat na din. Tapos magdonate din kayo ng dugo para makata\ulong kayo sa mga nangangailangan ng dugo. That is, if you like to donate at most 3 liters of blood. 3 liters of blood can save 15 lives. Do you know that? 

Anywoo, this is dedicated to my new friend...another engineering student,haha.    To ate Liz! Love ko talaga ang mga engineering people. Hope we'll be closer as time goes by. Ohohohoh~ Cute yung hamster ni haylin! Haha.. Natuwa ako sa suspension bridge effect. Di pa yan nasasagap ng radar ko eh. Salamat sa info,haha. 

To others, READ ON! Next update will be after 1,000,000 votes! Hahaha. Joke. Assuming langsss.. 

~~~~~

Gusto ko siya. Crush. Aaminin ko na. Inamin ko na ‘to dati pero pinigilan ko lang eh. Pero ngayon, crush ko na talaga siya. And that is very wrong. Pero crush lang naman diba? As in admiration. Admiration with a little tingling feeling. Gets?

“Anong order mo, Mimi?” Tanong ni Valerie.

“Pork chop combo na lang.” Yun yung pinakamura. Pero hindi dahil dun kaya yun ang pinili ko.

“Sure ka na dyan? Ayaw mo yung iba?”

“Hindi na. Allergic ako sa seafoods eh.”

“Ahy, sorry pala last time ha. Hindi ko talaga alam eh. Dati naman kasi nakita kitang kumain ng crab.”

“Ako? Kumain ng crab? Kelan yan?” Hindi talaga ako kumakain ng crab. Kung gusto ko pang mabuhay, wag lang akong kakain ng mga nakakapa-allergy sakin.

“Nung birthday dati ni tita Alona nung mga bata pa tayo. Nakita kitang kumuha ng crab eh.”

“Ahhh, haha. Yun ba? Para yun kay Robbie eh. Mahilig yun sa mga crab. Pati nga buhay na crab gustong kainin.” Tumawa kaming tatlo. Nung pumunta kasi kami sa dagat, hinabol ni Robbie yung mga crabs na nasa dalampasigan,haha. At dahil natakot siguro yung crab, ayun, kinagat siya,bwahahaha. Namaga pa nga yun,ohohoho.

Ohhh, the memories.

Umorder na din sila.

“Asan na nga pala si Stacey?” Tanong ko.

“Nasa bahay ni tito. Dun daw sila kasi may aasikasuhin din si daddy.” Sagot ni Tristan.

“Bakit hindi ka sumama?” Tanong ko ulit.

“Gusto mong mag-isa dun?” Mas gugustuhin ko pang mag-isa kesa naman makasama kita at mas lumaki pa ang nararamdaman kong ‘to.

“Ok lang naman. Baka miss mo na kasi sila eh.”

“Ok lang ako.” Asus, ang taray na naman. Ano na naman nangyari dyan? Tsk. Bahala ka sa buhay mo.

“Tristan, highest daw sa sales ang cd niyo.” Biglang sabi ni Valerie habang nagbabasa mula sa iPhone niya.

“Sinong pangalawa?” Pagdating kay Valerie ang bait-bait. Hmpf!

“Hmm, sina Ian. Hindi ko na kilala yung mga sunod.” Ohhh, I wanna see.

“Patingin nga ako.” Parang nagunaw ang mundo ko sa nakita ko. Nasa LAST kami! Wala na. Sira na ang pangarap ko,ahuhuh.

Pero sabi naman ni ate Winx wala naman daw yan sa sales. Galingan ko na lang sa mga subjects ko at hindi lang Vienna ang mapupuntahan ko. Yeah, just be positive.

“Ok lang yan, Mimi.” Sabi ni Valerie.

“Ok lang naman talaga. Congrats, Fajardo.”

“Fajardo pa rin ang tawag mo kay Tristan?” Parang gulat siya.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon