Chappie 55

3.6K 71 7
                                    

Then, pinitik niya ang noo ko. Sobrang lakas nun ah!

“Aray. Hoy, unfair na yun ah!” Bumalik na siya sa paghuhugas. Tawa lang siya nang tawa. “Magtutuos tayo mamaya!”

Pumunta ako sa kwarto ko para magpalit na ng damit. Mamaya humanda talaga sakin yang sawsawan na yan. Kainis naman kasi.

Narinig kong nag-ring ang phone ko. Oops, Valerie’s calling.

“Hello Valerie?”

[Mimi, busy ka ba bukas?]

“Hmm, wala naman akong gagawin maliban sa praktis. After nun wala na. Bakit?”

[Gusto lang kitang makasama. Ok lang ba?]

“Oh sureness! What time ba?”

[Mga after ng practice mo. Mga 4 siguro.]

“San ba tayo pupunta?”

[Maglalakad-lakad lang kung saan. Just want to be with you.]

“Kaw naman. Lagi naman tayong nagkikita sa skul eh.”

[Hindi naman tayo nag-uusap ng matagal. Magpaalam ka kay Tristan ah baka mamaya hanapin ka niya.]

“Sus, hay naku, bwisit talaga yan. Hindi ko naman siya tatay para magpaalam ako. Tsk.”

[Galit ka?]

“Sa kanya! Kasi naman binasa ako.”

[Away-bati kayo. Kakainggit naman.]

“Naiinggit ka dun? Halos tumataas lagi ang BP ko dahil sakanya. Kagabi pinaiyak ako tapos ngayon pinitik ang noo ko. Hindi na normal ang lalaking yun!”

[Haha, parang noon lang ah. Sanay ka naman na sakanya eh. Sige, bukas na lang tayo mag-usap. Tawagan na lang kita. Magpaalam ka ha. Bye, good night.]

“Bye din, good night din. Uhm, Valerie?”

[Oh bakit?]

“Miss na kita.”

[Ako din. See you bukas.]

“Wait, tayong dalawa lang ba?”

[Oo. Bakit?]

“Wala, akala ko kasama mo sila.”

[Tayong dalawa lang. Sige, bye.]

Haaay, buti naman wala yung mga hilaw na mga babaeng yun. Thank God.

“Mimi!” Nagulat ako sa biglang pagkatok ni Tristan. Actually, hindi yun katok. Halos kasi sirain na niya yung pintuan eh!

“ANO?!” Binuksan ko sabay sigaw. Wahahah.

“Mag-uusap pa tayo. Halika na. Ang tagal mo.”

“Sus, ikaw naman. Nagbihis lang ako na-miss mo na ako agad. Sobra na yan ah.”

“Sobra talaga. Sobrang assuming ka na ngayon ah.”

“Care mo.”

“Sino yung kausap mo?”

“Nakikinig ka kanina?”

“Ang lakas kaya ng boses mo.”

“Kung malakas ang boses ko eh di sana narinig mo kung sino ang kausap ko.”

“Malakas nga hindi ko naman maintindihan yung sinasabi mo.”

“Hah, mabuti naman. Anyway, si Valerie yun. Nagyaya lang na lumabas kami.”

“Lumabas kayo? Kayong dalawa?”

“Oo.”

“Hindi kasama yung mga tingting na dancers?” Napatawa ako dun bigla. Tingting daw kasi,hahahh! Pero tingting naman talaga. Ang papayat naman kasi. Yung tipong liliparin na ng hangin,ohohoh.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon