Chappie 19--The Childhood Memoirs (1)

4K 72 6
                                    

“Kasi ako ang direksyon mo and you just have to rely on me.”

This kept on ringing in my head for a while. Kinikilig ako na parang ewan. Natuwa ako dun sa sinabi niya pero I know it’s wrong.

Wait, how can I say it’s wrong? Sila na ba ulit ni Valerie? Pero Mimi, the fact na nandito na ulit si Valerie means you’re out of the picture.

I’m just a friend to him. That’s all and nothing more. Bestfriends sila ni Robbie kaya friend lang ang turing niya sakin.

Nakauwi na ako sa bahay. Hinatid niya ako. Buti na lang wala si kuya kundi magsstay pa yun dito for sure. Nagpalit lang ako ng damit kasi amoy pawis na ako. Naghabulan pa kasi kami ni Tristan eh. Yeah, just like the days when we were kids.

Excited na akong basahin yung mga nasa loob ng bote. Hindi ko pa nga nabubuksan, tumutulo na luha ko. Yung bote kasi, ngayon ko lang narealized, ay yung tsupon namin nung baby pa kami. It brought back a lot of memories.

Mga 1 year old pa lang kami, sa baso na kami umiinom ni Robbie. Abnormal daw kami sabi ni kuya. Nakatago na sa cabinet yung mga tsupon namin. Tapos one time, nakita naming nakabukas yung cabinet so kinuha namin. At yun, nagpakababy kaming dalawa. Nilagyan namin ng gatas, Milo tyaka asukal tapos tinimpla namin. Mga 7 years old ata kami nun.

Hindi naman kami marunong talagang magtimpla ng ganun pero ang sarap nung pagkatimpla namin! Medyo malapot kasi yung nagawa namin tyaka matamis. I don’t know kung masarap ba talaga yung Milo drink or masarap lang talagang kasama sa mga kalokohan si Robbie. 

Simula nun, lagi na kaming nagtitimpla ng ganun. Pero pag wala sina mama at kuya. Napagalitan kasi kami dati eh. Naubos kasi yung Milo,hahahah!

Yung lalagyan pa lang ng mga sulat niya ang dami nang binalik na alaala. Pano pa kaya yung nasa loob na mga sulat?

I prepared myself. May mga tissue na sa kama ko at meron na ding tubig in case madehydrate ako kakaiyak.

Nasa loob ng mga envelope yung sulat. Isang sulat ata para sa isang envelope. Medyo madami kasing envelope at hindi ko maimagine kung pano nagkasya to sa tsupon. Basta nakatiklop na lang yung iba. Gusot na nga yung ibang envelope eh. Si Robbie nga talaga may gawa nito.

Hindi ko alam kung san ko sisimulan magbasa. May 8 sulat sa loob. Wait, may maliit na papel sa loob ng tsupon. Binasa ko yung nakasulat.

Hi kambal,

Napansin mo yung mga sulat na yan? Iba-ibang color yung envelope. Rainbow colors yan. Dapat 7 lang yan kaso dalawa dyan ang green kasi yun yung paborito mo diba? Nagpatulong ako kay pareng Tristan para dyan. Basahin mo yung mga sulat ayon sa rainbow colors ha! Sige. =)

Love, kambal

He wrote it in his messy handwriting pero naintindihan ko parin yun.

“Robbie naman eh. Napakatrying hard mo mag cursive.” Tumawa ako.

Rainbows ang favorite namin ni Robbie. Kapag umuulan, kinukulit namin sina ate na payagan kaming lumabas. Nagbabakasakali kaming makakita ng rainbow. Hindi ko rin alam kung bakit rainbow. Maybe we were just fascinated.

Sinimulan ko sa red.

May picture ko na nakaipit sa envelope. Picture nung baby pa kami. As in yung nasa hospital pa kami at bagong panganak. Kaya pala nawawala to dun sa photo album namin kasi kinuha niya at nilagay dito.

Dear Ina,

Hindi ko makakalimutan yung araw na pinagtanggol kita dun sa mga umaaway sayo. Pinakamasaya na ata yun kasi nakita ko kung gaano ka kasaya pagkatapos kitang ipagtanggol. And that’s was the first time you say thank you.

Love, kambal

“Robbie, wrong grammar ka naman eh!” Umiiyak na ako pero tumatawa. Parang baliw nga lang diba?

Actually, kinder kami nun. Magkaibang skul kasi kami dati. Kaklase niya si Tristan tapos Valerie. Ako lang ang napahiwalay kasi nga hindi ako pumasa dun sa eskwelahan nila. Sorry ha! Ang hirap naman kasi nung pinagawa sakin eh!

Anyway, yun nga, kinder kami nung may tabachoy na umaway sakin. Kinuha niya kasi yung bigay ni Robbie na chocolate. Alam niyo yung a-pisong chocolate? Basta yun ang binigay sakin ni Robbie. Syempre nakipag-agawan ako noh! Alangan namang hayaan ko siyang kunin yun! NO WAY!

Noon pa man, palaban na talaga ako. Sinabunutan ko yung lalaking yun tapos tinulak ako. Eh di natumba ako. Dumating naman sina Robbie tapos Tristan. Si Tristan tinulungan akong tumayo tapos si Robbie ang nakipagbugbugan.

Nung mga oras na yun para akong cheerleader. Natatawa ako pag naaalala ko yun. Nakatingin lang talaga ako sa nangyayari habang nagchecheer. That was so naïve of me.

I never knew that looking back on the laughs would make me cry.

I know it sounds absurd. I’m all grown-up now but childish stuffs still touch me a lot. But grown-ups should never forget what it is to be a child. Yeah, The Little Prince. If you know what I mean.

Pinunasan ko na yung luha ko. Napansin kong mauubos na pala yung tissue. Tch, nemen eh!

“Mimi?” Sh*t. Si kuya! Pero ano naman ngayon, diba??

“Pasok.” Nagulat si kuya sa mukha ko. Feeling ko kasi pulang-pula na mukha ko eh. Umupo siya sa kama ko.

“Ano ‘to?”

“Mga sulat ni Robbie para sakin. Nakalibing yan dun sa arena namin. Binigay ni Tristan kanina.”

“Si Robbie talaga..” Sumandal naman ako kay kuya at umiyak. “Mabuti naman binigay na ‘to sa’yo.”

“Alam mo ang tungkol dito?”

“Oo naman. Nung nagsusulat siya nyan, witness kami ni ate. Pero sabi niya wag daw naming sabihin. Kami pa nga ang bumili ng envelopes na yan. Ang bakla ni Robbie. Rainbow pa talaga yung concept niya. Eew.” Natawa ako dun. Hindi naman siya bakla eh. Feeling ko nga kung buhay pa siya, heartthrob yun! Ang gwapo niya kaya!

“Sabi ni Tristan ngayon daw yung right time para ibigay yan. Ano naman kaya ibig sabihin niya dun?”

“Yun ba? Malalaman mo din. Pag nabasa mo yung huling color everything will make sense. Napaka childish nga niyan eh pero I never thought na may sense pala yung Robbie na yun kahit bata pa siya.” Tapos nag-pause siya. “Hindi ko nga alam kung pano kayo naging kambal eh complete opposite kayo. Ewan ko lang kung makuha mo talaga yung sense ng mga sulat niya. Utak ibon ka eh.” Binato ko sakanya yung unan ko.

“Kanina utak uod ako ngayon naman utak ibon?! Ano ako hayop na lang ngayon?! Kapal naman ng mga mukha niyo!”

“Sino nagsabi sayong utak uod ka? Pero in fairness ha, mas maliit ang utak ng uod so mas bagay nga yun sayo.” Hinabol ko si kuya palabas ng bahay. Nasa kalsada na kami naghahabulan.

Yung mga matatandang nasa labas tinitingnan na kami. Nagtataka siguro sa ginagawa namin which happens most of the time. Lagi kaming naghahabulan ni kuya eh.

“HOY ALEXANDER! BUMALIK KA DITO!”

“HAHAHAHAH!” Nakakapikon na ha!

“Arggghhhhh!” Naghabulan pa kami nang naghabulan hanggang nasa may area na kami ng bahay nina Tristan.

“Ang tindi mo din talaga noh? Akalain mo yun hindi ka man lang nadapa?”Tapos tawa na naman.

Hahabulin ko ulit sana si kuya kaso nakita ko si Tristan na nasa labas ng bahay nila.

So natapilok ako.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now