Chappie 81

3.4K 94 28
                                    

A/N: After a long wait, here is your awaited update! Thanks sa mga nagmemessage at nagpopost sa MB ko. Salamat sa lahat. Kung nakakainspire ang kwentong 'to, dahil yun sa patuloy niyong pag-inspire sakin na sumulat. Your words of encouragement and appreciation are things that push me through. Thanks a million and billion times. This work is all because of YOU! I love you. 

___________________________

“Hi. Good to see you.” Sabi ni Tristan. Tulala lang ako.

“Magkakilala kayo?” Tanong ni tita Ludy.

“Yes, of course. His dad is daddy’s business partner. You know the business world, auntie.” Mukhang nainis si tita Ludy sa sagot nung babae. Ano nga name niya? JC ba?

“JC apo.” Lumapit si JC kay lola. Pero mukhang nandidiri siya. Tsk, lola mo yan FYI!

“So, who are you?” Tanong sakin ni JC.

“I’m Mimi.”

“Oh, so Mimi, what are you doing here?” Hay naku, sa araw-araw na buhay ko sa EMAU, ganitong mga ugali ang nakakasalamuha ko.

“I’m just visiting your grandmother.”

“For what? Wait, are you with Tristan?”

“She’s my friend. She has special attachment with your grandmother.” Si Tristan na ang nag-explain.

“The girl? Yeah, whatever.” Sabay roll ng eyes.

“You can rest now if you’re tired.” Halata kong ayaw ni tita Ludy kay JC.

“No, I’m so not tired. Tristan’s here so I have to be with him.” Neknek mo! Good luck sayo miss!

Hinila niya si Tristan papasok sa loob ng bahay. Pumasok din si lola Jas para ituro sakanya yung kwarto niya. Tapos sumunod si tito sa loob. Si tita Ludy lang at ako ang naiwan sa labas.

“Ok ka lang?”

“Opo. ^_^”

“Naku, hija, ganyan din ako noon. Alam mo ba, college sweethearts kami nyan ng asawa ko. Nung grumadweyt kami, nagbreak kami. After ilang years, nagkita ulit kami tapos may girlfriend na siyang iba nun. Masakit sakin yun nung mga panahon na yun. First love ko eh. Tapos nagkasama kami sa isang company. Kaming tatlo, kasama yung girlfriend niya. Ang sakit ng araw-araw na buhay ko nun. Parang impyerno ang lugar na yun.”

“Bakit niyo po sinasabi sakin yan?”

“Kasi ang mukha ko noon, katulad ng mukha mo ngayon. Malungkot.” Tumigil siya. “Mahal mo siya?”

“Ano po ba ang pinagkaiba ng crush sa pagmamahal? Paano mo masasabi na nagmamahal ka na?”

“Kapag may nararamdaman ka nang sakit. Parang pagbibigay ng regalo yan. Ano mararamdaman mo kapag nagregalo ka tapos hindi tinanggap ng pagbibigyan mo?”

“Masakit po. Pinaghirapan mo yung regalo eh.”

“Ganun ba nararamdaman mo ngayon? Yung sakit na parang mapait? Yung parang hindi ka makahinga? Yung parang nawawala ang lakas mo?”

“Medyo po.”

“Mahal mo na nga siya. Bakit hindi mo sabihin?”

“Dalagang pilipina po ako.” Tumawa siya sa sinabi ko.

“Mimi, tama yan.”

“Hah? Talaga po? Diba usually ang sinasabi ng mga tao dapat sabihin mo kasi baka mawala pa yan sayo?”

“Mawawala lang ang bagay na hindi para sayo. May tamang oras para sa lahat. At sa tingin ko, isang gulo ang meron ngayon.”

Hindi nga nagkamali si tita Ludy sa sinabi niya. Nagkagulo nga. Ayaw na pakawalan ni JC si Tristan. Tsk, may girlfriend si Tristan! Ano ba!

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now