Chappie 73

3.3K 83 33
                                    

A/N: This is for ate Mitch na mukhang busy masyado sa kanyang engineering layp. Haahaha. Good luck ate! 

This is also for those who wonder when Mimi would know that Tristan loves her. Hindi niya mahal si Mimi! Hindi! Ako ang mahal niya! Wahahah. Jokingzzz.. Pero sigurado ba kayong si Mimi ang mahal niya ha? Andyan sa eksena si Valerie oh! Hoohohoh. But anyway, donchawori my dearest 'cause everything's in my mind already. Ohohoho! You'll read Tristan's revelations SOON! Pero iiyak muna kayo bago mangyari yun! Ahahahah!

Anywoo, MERRY CHRISTMAS na! Yeah! Sige, basahin niyo na mga dudes! Haha. =)

________________________

“Tristan!” Buti tumigil na siya pagkababa niya ng escalator. Wew. Akala ko tatalunin ko na yung escalator para lang mahabol siya eh. Haler! Nasa bag ko kaya yung wallet ko!

“Hindi mo ako pinapansin tapos ngayon bigla mong kukunin ang bag ko at parang magnanakaw na aalis na lang bigla?” Tumingin siya dun sa Mirmo na hawak-hawak ko.

“Bakit kasama mo na naman yung tipaklong na yun?” Tipaklong? Si Nick tipaklong?! Nung isa tuko tapos tipaklong naman ngayon?

“Hindi tuko o tipaklong o kung ano pa si Nick. Sino ka para makialam sa mga kasama ko? Kasama ko naman si Crystal kanina ah.”

“Mag-ingat ka nga dun. Diba sabi mo dati ayaw mo sakanya?” Bakit ang sungit na naman niya sakin? Kung concerned siya, well, hindi ko mafeel na concerned siya!

“Friends naman na kami eh!”

“Ang bilis mong magtiwala sa mga tao. Ikapapahamak mo yan, Bettina.” Tsk. Wait, he called me Bettina?! >.<

Bumilis ang tibok ni heart. Aishhh.

“Mabait naman talaga siya eh.” I frowned. Eh kasi naman. “Akin na nga.” Malungkot kong kukunin sana yung bag ko sakanya pero nilayo niya lang yung bag at ayaw ibalik sakin.

“Uwi na nga tayo.” Hinawakan niya ako sa kamay at *swoooosh* sumakay kami sa taxi. Tahimik lang ako sa loob at wala akong balak magsalita. Shemay na katahimikan naman ‘to oh! Hindi ko magawang mag-ingay eh!

“Sorry na.” Nakakagulat naman ‘to. Nagsorry siya?

“Para saan yan? Sa di mo pag pansin sakin for the past few days? Sa biglang panenermon mo tungkol kay Nick? Para saan?”

“Kailangan talagang mag-explain? Bakit hindi mo na lang kaya tanggapin? Kung ang Diyos nga nagpapatawad.” Dinamay pa si Lord.

Lord, sige na nga po. Kahit hindi ko alam kung para saan ang pagsorry niya, at least nag effort siyang magsorry. Kahit alam ko kung gaano kalaking effort ang kinailangan niya para lumabas yan sa bibig niya. Sige na. ok na.

“K.”

“Sa condo ka na matulog.”

“Hah!? Ayoko nga. Mag-aaral pa ako eh. Tsaka wala naman ako dun na mga damit eh.”

“Bukas dun ka matulog.”

“At bakit naman? Dahil ba wala nyan si ate Mira?”

“Oo eh.” Hinampas ko siya nung Mirmo.

“Kapal mo talaga! Ang itim ng budhi mo!”

Nakarating din kami sa gate ng school. Buti pinapasok pa ako nung guard sa may dorm. Hindi pa naman super late eh. Pero actually, wala namang pakialam ang guard sa mga late umuuwi. Wala naman kasing curfew dito sa dorm eh. Kasi naiintindihan naman ng administration na busy ang mga estudyante kaya minsan ginagabi na ng praktis. Tsaka yung iba kasi may mga gig sa mga restaurants kapag gabi kaya yun.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now