Chappie 54

3.3K 70 4
                                    

“Uuwi na ba kayo?” Tanong ni Valerie na parang may something sa boses niya.

“Oo na.”

“Mukhang bati na kayo.” Aba, tinarayan ako nung isa sa mga bangus. Tsk tsk.

“Ahh..oo.”

“Una na kami. Bye.” And whoosh! Bumabalik na ata ang masamang ugali ni Tristan ah. Umalis na lang kasi kami na parang walang kausap. Ganun yung Tristan na kilala ko eh. Masama talaga ang ugali. Mukhang bumalik na yung Tristan na kilala ko.

Nag-taxi kami at nakarating na sa condo. Pagkarating na pagkarating namin, tinanong ko kaagad siya. “Bakit mo naman ginawa yun sa kanila? Ang rude nun.”

“Ganun naman talaga ako ah. Ayoko na magpanggap.”

“Anong pagpapanggap naman?”

“Sumasama lang ako sa kanila kasi gusto ni Valerie na ibalik yung dati. Pero ayoko na. Nakakapagod na.”

“Ikaw ang sama-sama mo talaga. Gusto ka lang naman niyang makasama ano naman ang masama dun?”

“Kung wala yung mga maaarteng babaeng yun ok lang sana. Ang sarap na hampasin nung mga yun minsan. Kaya nga ayoko sumama sa mga babae.”

“Eh bakit sumasama ka sakin?”

“Hindi ka naman babae. Bata ka lang.”

“Anong bata? Malaki na ako!”

“Asal bata ka.”

“Mas asal bata ka!”

“Utak uod.”

“Ayan na naman kayo. Kagabi nag sigawan kayo tapos nag-iyakan. Ngayon akala ko ok na kayo pagpasok niyo tapos nag-aaway na naman kayo.” Sabi ni ate Mira. Mukhang narinig niya ata yung mga pinag-usapan, este pinag-awayan namin ni Tristan. Baka isumbong kami kina mama. Hala, lagot na~

“Eh kasi naman po si Fajardo nagsisimula na naman.”

“Kinagat mo naman ang pang-aasar niya.”

“Oo nga.” Epal ni Tristan. Naglabas pa ng dila sakin. Tsk. Hahampasin ko na talaga yan!

“Nakaka-degrade naman po kasi ng pagkatao ang sinasabi niya. Babae kaya ako!”

“Hindi ka naman mukhang babae. Mukha kang lalaki. Kita mo yan na braso mo? Parang hugis ng transformer ng kuryente sa sobrang taba.”

“Ahh, talaga?” Pinagbabato ko sakanya yung mga unan sa sofa.

“Tama na yan. Kumain na nga muna kayo.” Pasalamat si Tristan at gutom na ako. Pero syempre, bago ako lumipad papunta sa kusina, sinuntok ko muna sa braso si Tristan. Full force ang ginamit ko para naman makaganti talaga ako. Bwahahaha!

“Wow, ang sarap ng ulam.” Chicken adobo with pineapple tapos may lumpiang singkamas. Yummy~

“Basta talaga pagkain, kahit kailan. Ang sakit nun ah!” Hinihimas-himas niya pa yung braso niya. Alam kong masakit talaga yan. Full force ang ginamit ko,hahaha.

“Ate, kain ka na din.”

“Sige una na kayo. Yung nilalabhan ko baka masyadong mababad sa sabon.”

“Bakit po gabi kayo naglalaba? Kasalanan yan ni Tristan. Hindi kasi marunong maglaba. **sabay tingin kay Tristan + roll eyes**” Nag-smile lang si ate Mira tapos pumunta na sa laundry.

“Ano naman ngayon? Kung naaawa ka kay ate Mira eh di ikaw maglaba ng damit ko.”

“Excuse me, mabaho ang mga damit mo. Baka masugat pa ang kamay ko sa sobrang kuskos na gagawin ko sa mga damit mo.”

“Hoy, hindi mabaho ang mga damit ko. Mabango ako.”

“Weh? Eh nung elementary ka amoy suka na may bawang tapos sibulyas ang amoy mo eh. Parang sawsawan lang. Eew, do you still remember that?”

“Eh ikaw? Gusto mong malaman kung ano ang amoy mo noon?” Nilabasan ko lang siya ng dila gaya ng ginawa niya kanina. “Amoy bulaklak ka. Yung rafflesia! Eew, do you still remember that?”

“Ohoy, so ibig sabihin inaamoy mo ako noon? Ikaw ha. Hmmm.”

“Hindi, assuming ka. Alam mo kasi, ang rafflesia malayo palang, amoy na amoy na. Kaya alam kong ikaw agad yun.” Ayaw talagang magpatalo sa asaran,haha.  

“At least bulaklak naman.”

“Ang baho naman.”

“Rare naman yun.”

“Proud ka pa talaga sa amoy na rafflesia. Hay, kawawa ka talaga.”

“Kesa naman sa amoy sawsawan!”

“Sabagay, bagay naman talaga sayo ang rafflesia kasi maraming uod na nabubuhay dun.”

“And so?”

“Pano pa kayo niyan makakakain kung puro nakakadiri ang pinag-uusapan ninyo? Mga bata, nasa harap kayo ng pagkain. Igalang.” Oops, si ate Mira.

“Opo, sorry po ate Mira. Si Tristan kasi.”

“Ako na naman.”

“Tristan tama na. Bettina, kain ka na lang.” Kumain na nga kami. Pero pag nagkakatinginan kami ni Tristan, magsisimula na naman kami. at syempre, napunta sa mga childhood memories namin ang usapan.

Napunta dun sa puto na sinawsaw ni Tristan sa salabat, sa biskwit na dinurog ko para ipakain sa goldfish ni Tristan na mukhang naging sanhi ng pagkamatay ng kawawang goldfish. Pati ang sugat ni Tristan sa tuhod na imbis alcohol ang ipanglinis eh napagkamalang alcohol ang suka. At pati sa pagkakalagay namin sa poster ng MISSING PERSONS ng police station.

Pero sa huli, tawa lang kami nang tawa sa mga pinag-usapan namin. Ang sayang balikan ng mga alaalang yun,wahahah.

Kami na ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Pinasuot ko kay Tristan yung pink na apron kaya pinicturan ko siya.

“Itigil mo na nga yan!” Binabasa na niya ako ng tubig na may sabon. Gumanti na naman ako sa pamamagitan ng pagkuha pa ng maraming picture,bwahahah. The more na kumukuha ako ng pictures, the more na binabasa niya ako.

Dahil mukhang napikon na siya sakin, hinila niya ako papunta sa lababo at binasa ang mukha ko. At basang-basa na nga ako. Buti siya may suot na apron ako wala!

“Tingnan mo na! Basa na ako!” Sinabunutan ko siya pero mahina lang. Yung pabiro lang.

“Aray, bitawan mo nga ako!” OA naman, hindi na yun masakit eh.

“Mahina lang yun ah. OA mo.”

“Tumigil ka na kasi dyan sa pagpicture mo kundi..”

“Kundi ano?” Hinamon-hamon ko pa.

“Hahalikan na kita.”

“Subukan mo lang.” Tapos bigla siyang lumapit sakin. Yung sobrang lapit. Actually, cornered na ako.

Hindi..hindi naman niya..seseryosohin yun..diba??

Super lapit na ng mukha niya sakin.

OMG~

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum