Chappie 82

3.3K 84 25
                                    

A/N: After two weeks of being away, here I am. Sorry for the long wait. Hope you'll like this very special and juicy chapter. 

____________________

Tumakbo ako para hanapin si Valerie. Nasa ballet room siya nagpapraktis. Kasama niya mga friends niya.

“Mimi, ano ginagawa mo dito?”

“Ano ang ginagawa mo? Yung boyfriend mo ipapakasal sa iba!”

“Alam ko.” Bakit parang wala lang sakanya?!

“Bakit parang gusto mong magpakasal siya sa iba?”

“Mimi, hawak ng pamilya nung JC na yun ang leeg ng mga magulang ni Tristan. Wala akong magagawa.”

“Ipaglaban mo naman ang nararamdaman mo kay Tristan.”

Isinuko ko na nga siya para sayo tapos hahayaan mo na lang na kunin siya ng iba?!

“Si Tristan na ang bahala dun. Mimi, may tiwala ako kay Tristan at alam kong makakagawa siya ng paraan. Wala ka bang tiwala sakanya?”

“Kelan mo pa nalaman na ikakasal siya sa iba?”

“Matagal na.” Kaya pala galit na galit siya kay JC nung tinext ko na nilalandi ni JC si Tristan.

“Bakit di niyo sinabi sakin?”

“Hindi ka naman involved dito.” Tumingin ako sa likod at nakita si Tristan. “Hindi ko kailangang sabihin sayo ang tungkol dito kasi wala ka namang kinalaman dito.”

“Ahh..oo nga pala. Sorry ha. I crossed the boundaries again.” Dumiretso na ako sa classroom ko. Nakakainis si Tristan. Pero ano nga ba ako para ipaalam niya sakin yun? Tsk. WALA!

Pumasok na ako sa klase ko. Philosophy of Music ang subject. Si sir Dave ang professor dito kaya kahit sobrang inis ko kay Tristan, pumasok parin ako. Ayoko mag-absent dito.

“Alright, class, today we’ll be discussing something closely intertwined with music. Any guess what that could be?” Mimi, focus muna sa subject. Kalimutan mo muna ang Tristan na yan.

Nagbulung-bulungan ang mga kaklase ko. Ano nga ba ang sagot? What is closely intertwined with music?

“Love.” Sagot nung nasa gilid.

“Yes, exactly. Love. But why is love closely intertwined with music?” Lechugas naman at yan pa ang topic.

“Because love captures a world that can only be expressed by music.” Sagot ni Ian. Tsk. In love siya kaya ganyan yan. 

“Correct. Music can give justice to what love is really all about. Words may be able to explain and describe love. However, music does the magic when words fail. Love songs are in abundance. Instrumental songs sometimes used as background music for movies make you feel it. But let’s not dwell on love with its relationship with music. Let’s talk about love itself.”

Ano nga ba ang love na yan? Kalat na kalat yan sa ngayon. Sana pagkain na lang yan para busog na sana ang milyon-milyong naghihirap sa Pilipinas.

“Love begins from loneliness. Do you believe it?”

“No, sir.” Chorus nung mga classmates ko.

“But it’s true. Love begins when a person finds that he/she is missing something. Loneliness is a universal human experience. Teenagers like you seek for love because of reasons like being misunderstood, being unwanted, stage of confusion, or boredom. Boredom, loneliness, and other negative experiences are some of the primary reasons why you wanted to enter a relationship.” Ang dami na namang mga whispers sa paligid.

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now