Chappie 10

4.1K 88 2
                                    

Umupo kami sa bench ng Music Garden. Hindi ko alam kung pano naging Music Garden to eh wala namang mga music symbols or whatever na related sa music. Mga flowers lang at fountain.

“Gutom ka na ba?” Tanong ni Ian.

“Medyo. San ba dito may kainan?”

“Ano ba gusto mong kainin?”

“Uhm, kahit sandwich lang tapos fruit juice.”

“Dito ka lang. Ako na lang bibili.”

“Teka lang. Pera oh.” Inaabot ko na yung 50 pesos.

“Wag na. Ako na lang.” Ngumiti siya tapos umalis na.

“Ang bait naman. Baka mahal yung mga bilihin dito. Hala, panu yan? Hay, bahala na nga lang.”

“Umalis ako para may mapatunayan sayo. Mahal kita, Tristan. Gusto kong maging proud ka sakin kaya umalis ako.” Wow, anong drama ba tong naririnig ko? I’m not supposed to eavesdrop, right?

So, aalis na lang ako.

Wait, asan ba sila?

Dahan-dahan akong lumingon at andun sila sa may fountain. Buti na lang medyo malayo ako sa kanila. Yun nga lang, malakas yung boses nila kaya rinig na rinig ko.

One good thing pa is nasa likod ako ng malaking bush kaya malabong makita nila ako.

“Anong gusto mong mangyari ngayon? Maging tayo ulit? No way.” Ohy, masakit yun ah. Kahit hindi ako si Valerie nasasaktan ako sa mga sinabi ni Tristan.

“I’ll prove to you na tayo lang para sa isa’t isa.”

“I’m over you, Valerie. Kinalimutan na kita.” Weh? Maniwala sayo Tristan!

“I don’t think so. Bakit tinatago mo pa rin ang mga sulat ko, ang mga pictures natin?” Hala, ako nagsabi nun ah! Lagot na pag nalaman niyang ako ang nagsabi kay Valerie.

“Itatapon ko na dapat yun eh.” Sus, sinungaling pa eh!

“Sorry na nga kasi.” Nagmamakaawa na si Valerie. Nakakaawa tuloy.

Pero kung ako sa kanya, di ko yan gagawin. Bakit kelangan nyang magmakaawa sa taong ayaw na sa kanya?

Pero parang may feelings pa rin si Tristan sa kanya eh. No, that’s not the point! Wag kang magmamakaawa sa lalaki!

Yan ang paniniwala ko sa buhay! Haha.

Papalapit na si Ian. Lagot na.

Nakita niya akong nakaupo sa damuhan kaya sinenyasan ko siyang lumayo. Hindi ako pwedeng makita ni Tristan dito. Sabihan pa nila akong tsismosa nyan eh. =_=

Tinext ko naman si Ian na wag nang lumapit kasi nga sina Tristan baka malaman na nandun ako. After ilang minutes, umalis na rin sina Valerie. Medyo namanhid yung paa ko dun ah. Hay.

Umalis na kami ni Ian dun sa garden. Lumipat kami sa bench sa labas lang ng Beethoven building.

“Sana man lang kinausap niya si Valerie nang maayos.”

“Oo nga eh. Kaso ganyan talaga ang ugali niyang lalaking yan. Pinagtitiyagaan ko na nga lang yan eh.”

“Bakit ba siya ganyan?”

“Ganyan na siya simula pa bata kami. Mabait naman siya minsan kaso masama siya madalas. Hindi ko yan makausap nang matino kasi lagi akong pinangungunahan ng mga panlalait niya. Pero sanay na ako sa ganun. Naturalesa na nya yun.”

“Hindi dapat ganun ang lalaki.” Hmm, siguro nga. Pero si Tristan ang pinag-uusapan dito eh.

Kilala ko ang nilalang na yan. Hindi yan madaling masaktan pero pag nasaktan naman, naku, milyong taon bago makalimutan.

“You two are just here. I’ve been looking for you since the exam ended.” Si sir Dave pala. Kanina ko pa siya hinahanap eh. Ang dami kong tanong sakanya.

“Hi, sir.” Bati naming dalawa ni Ian.

“So, how was the exam? Were they nice?” Natawa ako dun ah. Mabait naman kasi yung mga examiners kaso medyo strict sila. Sabi ko nga, mataas standards nila.

Pero baka naman friendly sila outside of examination room and stuffs.

“Ah, yeah, they were nice. The exam went smoothly but I’m not so confident with the results.” Napakamot ako sa ulo.

“Don’t worry. I talked to one of the examiners and he said that you did great. You’re finger exams were excellent!” Wow, iba talaga ang feeling kapag pinupuri ka sa talent mo. Hihi! So happy.

Tinanong ko naman si sir Dave tungkol sa dorm and educational system ng EMAU. European educational system daw kasi ang sinusunod ng EMAU eh. Pero sabi naman niya, hindi ko naman daw kailangang problemahin kasi ieexplain naman daw yun ng maayos sa orientation tyaka hindi naman daw European system ang sinusunod para sa mga Pilipinong estudyante.

Marami pa kaming napag-usapan na mga bagay-bagay. Ayusin ko daw ang huling taon ko sa high school para daw maganda ang transcript na ipapasa ko.

Mga hapon na nung matapos kaming mag-usap ni sir Dave. Si Ian naman umalis na kasi may practice pa daw sila sa Concerto.

Niyaya niya nga akong manuod ng practice kaso kailangan ko nang bumalik sa hotel kasi bukas na ang flight ko pauwi samin.

Yup, flight! Sagot ni sir Dave lahat eh. Nahihiya na nga ako kaso sabi niya, babayaran ko naman daw yun pag naging magaling na akong estudyante.

Hinatid na ako ni sir Dave sa hotel. Sa bahay niya sana ako ipapatuloy kaso daw marami silang bisita ngayon. Mas ok nga na sa hotel ako mag-stay.

Gusto ko rin mapag-isa paminsan minsan.

Pagpasok ko sa kwarto, humiga kaagad ako sa kama. Ang daming nangyari ngayong araw na to.

Pero ang pinaka nakakagulat sa lahat ay ang pagbalik ni Valerie. Hindi naman dapat big deal sakin ang pag-uwi niya eh pero bakit affected ako?

Bakit parang ayaw ko siyang makita? Bestfriend ko siya dati so dapat matuwa ako diba?

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

ANO BA?

Tumunog phone ko. Tinatamad nga akong sagutin kaso baka importante eh kaya *kapa sa bulsa* sinagot ko na.

“Hello.”

[bakit ganyan ang boses mo? Ok ka lang?] si Tristan lang pala.

“Pagod lang ako.”

[kung saan saan ka kasi pumunta kasama nung lalaking yun.] pano naman niya nalaman yun?

“Bakit ka tumawag?”

[nasa labas ako ng kwarto mo. Tara kain tayo.] bigla akong napatayo. Andito siya?! Akala ko ba sa tita niya siya nag-stay?!

Pagbukas ko ng pintuan, andun nga siya. Naka formal attire siya. Saan kaya siya galing at ganyan ang suot niya? Pero in fairness, ang gwapo niya ha! Naka-blue coat siya at white na pambaba.

One more thing, he’s smiling…sadly.

===READ, COMMENT, LIKE, VOTE! THANKSIE! <3 LET ME KNOW WHAT YOU THINK OF THIS STORY! 

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now