Chappie 46

3.6K 79 13
                                    

Intindihin mo lang Mimi. Badtrip siya at hindi niya alam ang sinasabi niya. Nadala lang siya ng emosyon niya.

“Sorry, di ko sinasadya.”

“Alam ko naman. Sino ba nga naman ako? Isang hamak na kaklase mo lang naman ako sa piano lesson.” Wala eh. Nasaktan ako sa sinabi niya. Pero totoo naman yun diba? Sino nga ba ako?

“That’s not it.”

“Sabihin mo lang kung may problema ka. Makikinig naman ako sa’yo eh. Kahit pa utak uod ako may puso naman ako.”

“Sorry.”

“Alam kong badtrip ka or something. Naiintindihan ko yun. Pero ito ang tatandaan mo. Gaganti ako sa verbal abuse mong yan! Hindi mo ako madadala sa mga ka-echosan mong masasakit na salita. Naiintindihan mo? HA?” Akala ko ba hindi ko siya sasabayan sa katarayan niya? Toinks talaga.

Tumawa siya. “Mas malala ka kaya mang-verbal abuse! Dahil sa pagiging worm brain mo, hindi mo lang alam kung ilang beses na akong nasaktan dahil sa mga bagay na hindi ma-pick up ng utak mo.”

“Hoy Mr. Fajardo, hindi ko kasalanan kung sadyang hindi ko maintindihan ang mga bagay. Kung yung prom ang tinutukoy mo, well, sino ba naman ako para umasa na ako ang gusto mong makasama? And one more thing, malay ko ba na gusto mo palang isama ang isang tulad ko.”

“Kasi lagi mong iniisip na si Valerie ang gusto ko.”

“Eh hindi nga ba? Diba siya naman talaga ang dapat mong kasama?”

“Sino naman nagsabi nyan?”

“Diba ganun naman talaga? Kung sino ang gusto mo, siya dapat ang kasama mo.”

“Kaya nga.”

“Anong kaya nga? Eh hindi mo naman niyaya si Valerie kasi ako ang isinama mo.”

“Ayoko na nga makipag-usap sayo. Naaapakan lang ang pagkatao ko. Nasasayang lang ang ginagawa ko.” Hala. Ano na naman ba ginawa ko?

Paalis na siya nang pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa braso niya nang mahigpit. Galit yan sakin, obvious naman.

“Bitawan mo nga ako. Matutulog na ako.”

“Ayoko.” Pinipilit niyang tanggalin ang kamay ko pero niyakap ko ang braso niya para di siya makaalis. Para na naman akong bata. Haha.

“Ano ba?”

“Eeeee, galit ka sakin.” Nagpapa-cute na lang ako. Baka sakaling patawarin ako sa nagawa kong kasalanan.

“Sino bang hindi magagalit sayo?! Ang hina ng pick-up mo.”

“Hindi ko naman talaga naiintindihan eh! Wag ka na magalit! Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin alam na mahina ako sa pag-analyze ng mga bagay minsan? Kung diretsahin mo na lang kasi ang gusto mong sabihin para mas maintindihan ko. Hindi ako manghuhula. Ikaw lang ang manghuhula eh.”

“Mabibigla ka lang kapag diniretsa na kita.” Bigla kong binitawan ang kamay niya.

“Eh adik ka pala eh! Kasalanan mo naman talaga. Ayaw mo akong diretsahin kasi ayaw mong mabigla ako? Tapos sisisihin mo ako kung hindi ko naintindihan. Magpa-doctor ka na nga! Lakas na ng tama mo eh!”

“Lakas ng tama ko sayo.”

“Ano?! Bakit, alak ba ako?”

“I’m still under your spell.”

“Shunga ka! Hindi kaya ng monster ang mag-cast ng spell!”

“Hindi ka naman monster.”

“Eh di ano pala? Bakulaw? Bakunawa? Manananggal?”

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]Where stories live. Discover now